" Apple? Kamusta ang pag-aaral mo? Ano valedictorian na ba?" tanong saakin ni papa habang kumakain kami ng hapunan.
"Hindi ko po alam papa. Madami rin naman po kasing magagaling sa school. Pero nasa top 5 parin naman po pa."
Sagot ko sa kanya"Kahit nasa 2nd kalang okay na yun." singit namang ng tita ko.
Ngumiti nalang ako sa kanila kahit nahihirapan na ako.
"Itra-try ko po tita. Ginagawa ko naman po lahat para makasama sa top e" sagot ko. Naluluha na ako dahil sa pressure yung kinakain ko nga di ko na malunok.
" Dapat pagkagraduate mo ngayong highschool makatanggap ka ulit ng scholarship alam mo naman wala kaming pampaaral sayo sa college." si papa
"Opo papa." sagot ko nalang wala naman akong magagawa.
Ang mga tita ko kasi ang sumusuporta saming pamilya. Wala naman kasi trabaho si mama at papa na pwedeng pagsahuran ng buwan buwan. Nagsasaka kasi sila mama kaya twice a year lang kong magkaroon kami ng income.
Binuhat ko na yung pinagkainan ko't nilagay sa lababo tyaka naglakad papasok sa kwarto ko. Imbis na magpahinga kinuha ko na yung libro ko at nag-aral para sa susunod na lesson sa eskwelahan.
This is my life. Ako si Apple Cuevas at nabubuhay ako sa expectation ng iba. Kung anong gusto nila para saakin yun ang sinusunod ko. Ayaw ko kasi silang suwayin. Nakakapagod oo. Minsan nga iniiyak ko nalang kasi nakakapagod na pero kasi mahal ko sila kaya pinipilit kong lumaban at gustuhin yung gusto nila para saakin. Lalo na ang mga magulang ko. Gusto ko rin kasi silang maiahon sa hirap kaya talangang pinagbubuti ko nalang din ang pag-aaral kahit na minsan naiisip ko paano kaya kung tulad rin ako ng ibang estudyante na nagagawa ko din yung gusto kung gawin. Nabibili yung mga bagay na gustuhin ko pero life is unfair alam kong may dahilan ang Diyos sa nangyayari sa buhay ko kaya nagpapakatatag ako para sa pamilya ko at sa mga taong umaasa saaken.
6:15 am
"Apple! Dalian mo maligo ka na. Nakapagpakulo na ako ng panliligo mo." Tawag ni Papa. Medyo mahina kasi ako sa lamig kaya lagi nila akong pinapakuluan ng pampaligo ko tuwing umaga.
Inayos ko na yung mga gamit ko para sa eskwela at bumangon na kahit na antok na antok pa ako. Bawal kasi akong malate dahil sa Officer ako sa Room, Sa School (Treasurer) at sa CAT (Supply Officer) kung gaano kalaki ang expection sa bahay ay doble pang laki sa school.
Pagkatapos kung maligo, magbihis, kumain, at magsepilyo ay umalis na kami.
Pagdating ko sa school may nakita na ako agad na mga trainee namin at sabay sabay naman silang nagbigay galang.
"Good Morning Ma'am!"
Nginitian ko nalang sila at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom.
Nasa labas palang ako ng room pero ang ingay na. Tsk. Wala talagang pinagbago yung mga kaklase ko."Apple!!! wait!!! O my gosh!!!"
Napaface-palm nalang ako ng marinig ko ang boses na yun syempre sino pa ba yun kunti ang magaling kong seatmate na si She."Ano?! Ang aga aga ang ingay ingay tingnan mo yang mga sophomore nakatingin satin. Eskandalosa ka talaga" sabi ko sa kanya nang makalapit sya.
"Omgee!! Kasi naman girl Ang gwapo ni Luhan! Nakakaiyak yung Miracle in December nila huhuhu" para talagang timang ang isang to.
"Akala ko ba ayaw mo sa kanila? Ngayon gusto mo na. Grabe kang babae ka! E mas malala ka pa pala saken e" pambabara ko sa kanya. Sumimangot naman sya dahil sa narinig nya saaken.
"Bes! Sorry na. Nagkamali ako Omgee. Yiiieeeehhhh!!!" para syang bulateng di mapakali dahil sa kilig kaya imbis na pinagtitinginan kami rito sa labas hinila ko na sya papasok sa room. As usual tumambad samin ang magulo at maingay na classroom ano pa nga ba.
Malapit ng magtime kaya for sure magagalit na naman yung adviser namin pag nadatnan nyang ganto kagulo tong classroom. Andumi nga rin. pano? Natapat lang naman sa mga tamad na cleaners kaya ayan. Andumi dumi.Umagang umaga sumasakit yung ulo ko sa mga kaklase ko. Pumunta na ko sa harap para iannounce na maglinis na sila. Yung mga kaklase ko kasi parang pako kung di mo pupukpukin di babaon.
Wala pa naman si Ate Kristina dahil nasa ospital sya. Sya yung president namin na kaibigan ko rin."Guys! Please clean your respective area. Ms. Romualdez will be coming sooner or later so make sure it is really CLEAN. Leaders tingnan nyo din yung di tumutulong para maireport kay maam. We're old enough dapat alam na natin yung responsibility natin."
Sabi ko sa kanila. Dali dali naman silang pumunta sa kuhanan ng cleaning materials at nag-umpisang maglinis."Haaaaaayy" ako
" Naks! Apple, bilib na talaga ako sayo. Bagay na bagay mo talaga maging VP" Si Keila isa rin sa mga kaibigan ko.
"Sus! Nakakapagod nga e. Kaya siguro nagkasakit si Ate Kristina. Isa ang IV- St. Francis sa dahilan" tukoy ko sa section namin.
"Ahy! True Bes... Alam mo naman tong section natin puro kalokohan" biglang sulpot ni Jean.
"Jusko! Kaloka ka! Kabute ka ba at bigla bigla ka nalang sumusulpot reklamo ni Keila kay Jean. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglilinis.
"Apple?" umpisa ni Nikka na kasama ko ngayong naglilinis sa corridor. Tumingin naman ako sa kanya para iparating na nakikinig ako.
"Hmm? Anong problema mo Nikka? Makikinig ako." sabi ko pero sa halip na magkwento ti-nap lang nya ang balikat ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa nya.
"Oh? Para saan naman yun?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti sya ng tipid bago magsalita.
" Hindi ako ang may problema rito Apple. Alam kong umiyak ka. Oh? Anong problema?"Huminga akong malalim bago ko sya sinagot. " Nanood ako ng K-drama kagabi kaya yan namumugto yang mga mata ko."
Hindi sa wala akong tiwala kay Nikka. Sobra sobra ang tiwala ko sa kanya dahil isa rin sya sa matalik kong kaibigan pero ayaw ko kasi na malaman nila yung nangyayare sa bahay. Ayaw ko na makita nila kung gaano ako kahina. Na ako na taga pagbigay ng advice sa kanila sa tuwing may problema sila ay may malaki rin palang problema. Isa pa kaya ko naman ang sarili ko. Kakayanin ko.
"Sus! Alam mo di ko alam kung maniniwala ako sayo o hindi. Basta kung may problema ka lumapit ka saamin. Sino ba namang magtutulungan kong hindi tayong magkakaibigan"
Ngumiti ako sa kanya.
"Salamat Nikka, maraming maraming salamat. Sige tapusin na natin to, para makapasok na tayo sa loob" kako sa kanya. Tumango nalang sya bilang pagsang-ayon
Tiningnan ko sya at tyaka ako tumingin sa simbahan na nasa gitna ng school namin.
Diyos ko salamat po dahil binigyan nyo ako ng kaibigang maaasahan ko lagi.
Sabi ko sa aking isip.
YOU ARE READING
Challeges Of Heaven
SpiritualLife is not easy... Problems always comes along Paano kung habang kinakaharap mo ang mga pagsubok mo sa buhay ay sya ring panahon kung saan makikilala mo ang taong magiging sandalan mo sa bawat sakuna. Ang taong magpaparamdam sayo na di ka nag-iisa ...