3

1 0 1
                                    

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad papuntang room. Duty ko ngayon sa CAT pero nalate ako. Maiintindihan naman na siguro ako ng Corps Commander namin tutal bestfriend naman kami. Yep Si Christian ang Corps Commander namin ang kaso nagkamali ako ng akala. Dahil ngayon binibilangan na nya ako.

"Cuevas! Humanay! 10! 9! 8!"

Inirapan ko lang sya. Anong tingin nya saken di ko pa nga nalalagay yung bag ko sa room. Nakailang hakbang palang ako sa gate papahanayin na nya ako? Anong tingin nya saken si Flash?

"CUEVAS!!!" sigaw nya saakin. Pero di ko parin sya pinansin.

Napansin kong nagbubulungan yung mga Kadete namin kaya tiningnan ko sila ng masama agad naman silang tumahimik.

Binilisan ko ng maglakad papunta sa room. Mahirap na. kaming dalawa palang naman ang officer dahil yung iba ay may pinuntahan silang outreach program. Naiwan kaming dalawa ni Christian dahil nga kakausapin kami tungkol sa Conference Meeting na aattendan namin sa susunod na araw buong araw kaming i-oorient sa ibang school nga lang sa kabilang bayan. Kaya inagahan ko narin. Naka black jeans lang ako at yung PE uniform naman namin ang pangitaas ko tyaka ko rin pinaresan ng sneakers.

Paglabas na Paglabas ko palang ng room pumunta na ako kaagad sa open field dahil doon naman ang training. Pagdating ko roon naka paluwag yung mgaKadete ibig sabihin pwede silang gumalaw agad naman silang bumalik sa kinaro-roonan ko.

"Asan si Corps?" tanong ko sakanila. Sasagot palang sana yung isa sa mga Kadete ng biglang may sumigaw ng apilyido ko kaya naman nagulat ako.

"CUEVAS!!!" sa pagkakataong ito aaminin kong natatakot na ko sakanya.

"Corps" pabulong lang yan. Tyaka ako yumuko.

Lumapit naman ito saaken.
"Look at me." wala naman akong magawa kundi sundin sya. Alam ko namang may mali ako rito. Maaaring mawalan ng respeto ang mga Kadete namon sa kanya dahil ako mosmo di ko sya nirespeto kanina. Pero kasi naman diba? Ang aga aga ang init ng ulo nya.

"Why did you do that?" He asked.

"Do what?" balik ko sa kanya.

"Don't play me around. Alam mo kung anong tinutukoy ko." Nagigting ang panga nya sa pagtatanong saken. Alam kong galit na galit na sya.

"Bakit ba ang aga aga ang init init ng ulo mo? Anong gusto mong gawin ko? Takbuhin yung classroom?" Sagot ko sa kanya. Pero napansin kong iba iba na ang ginagawa ng mga Kadete namin. Napansin nya rin yun kaya naman...

"Humanda! sinong nagsabing pwede kayong magsalita?! Nakapaluwag lang kayo ah?"
Sigaw nya sa mga Kadete. Nilapitan ko sya at hinawakan sya sa Braso pero tiningnan lang nya ako ng masama at nagwalk out na sya.

Isa ito sa mga pagkakataong mahirap. Minsan lang kami magaway ng bestfriend ko pero ganito pa. Ang init init naman kasi ng ulo.

"Take my command. Kung ano man ang nakita at narinig nyo iwan nyi rito. Military Secrecy. Copy?"

"Yes Maam!"

"Humanda. Maglibot kayo sa buong Campus at Maglinis. Pag hindi nyo nagawa ng maayos ang inuutos ko alam nyo na kung anong mangyayare sa inyo mamayang hapon. Lumansag."

Pagkatapos ko silang i-dismissed pumunta akong classroom alam ko naman andoon lang yung bestfriend ko.

Pagdating ko sa room nakita ko sya kaagad di naman kasi sya mahirap hanapin dahil kami palang ang nasa classroom.

lumapit ako sa kanya. Nakaearphones kasi sya.

"Chan?" tawag ko sa kanya at hinawakan ko sya sa balikat. Tumingin naman sya saaken

"Ano?" naiiritang tanong nya saaken.

" Sorry na,Ang init naman kasi ng ulo mo e. Ano bang problema?" tanong ko.

"Problema?!" bulyaw nya saaken. Kaya nagulat ako. "PROBLEMA KO YUNG INASTA MO KANINA! ANO BA? APPLE?! ANO?! HA!"

Naiiyak na ako dahil ngayon ko lang sya nakitang ganito.

"Chan" yan lang ang nasabi ko dahil nakikita ko sa mga mata nya ang galit. Wala naman akong ginagawang mali sa kanya.

"PARA KANG BATA! MAS ISIO BATA KA PA YATA KESA SA GIRLFRIEND KO ANO BANG PINAPATUNAYAN MO? NA MAS MAGALING KA SAKEN? OO MAS MAGALING KA PERO MAS MATAAS PODISYON KO SAYO SA CAT KAYA SANA NAMAN KAHIT DOON LANG RESPETUHIN MO AKO!"

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko.

"ALAM MO?! DI KO ALAM BAKIT KA NAGKAKAGANYAN! KUNG YUNG KANINA LANG ANG PINUPUTOK NG BUTCHI MO! SORRY! SORRY HA! HAYAAN MO SA SUSUNOD TATAKBUHIN KO NA! ANO! MASAYA KANA! AT KUNG SA TINGIN MO MINAMALIIT KITA! HINDI! IKAW LANG NAGIISIP NYAN! KELAN PA KITA SINABIHAN NG GANYAN HA? DI KO ALAM NA GANYAN PALA ANG TINGIN MO SAAKEN AT HIGIT SA LAHAT WAG MO AKONG IKUKUMPARA SA PLASTIK MONG GIRLFRIEND DAHIL IBANG IBA AKO SA KANYA!!!" Matapos kung sabihin yun sakanya kunuha ko na yung Bag ko at ako naman ang nagwalk-out. Alam ko namang may kasalanan ako edi sana pinarusahan nalang nya ako. Mukha akong timang na naglalakad ngayon sa corridor habang umaagos yung luha ko. Kagabi lang umiiyak nanaman ako. Mauubusan na yata ako ng tubig kakaiyak. Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may yumakap sa likod ko dahilan para mapahinto ako.

"A-Apple I'm so sorry di ko sinasadya. Madami lang kasing gumugulo sa isip ko ngayon please wag mo akong iwan. I'm so sorry."

Lalo akong naiyak dahil sa kanya. Mas nahihirapan ako ngayin sa sitwasyon dahil alam kong palalim na ng palalim ang nararamdaman ko sakanya. pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante lalo na yung mga sophomore. Sophomore pamandin yung girlfriend nya pero agad ko ding winaksi yun sa isip ko. Ano naman bestfriend ko naman sya at alam kong hanggang doon nalang. Mas naiyak naman ako doon. Yumuko ako para punasan yung luha ko pero mas lalo lang akong naiyak ng maramdaman kong umiiyak rin sya. Iniangat ko ang paningin ko at nakita ko si Bryle na nakatingin ngayon saamin. Sya yung School president namin. Lumapit sya saamin at hinila ako sa pagkakayakap ni Christian. Nagulat ako sa ginawa nya. Never ko maimagine na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Tahimik akong tao at ayaw na ayaw ko ng ganting sitwasyon pero sa tingin ko wala na akong magagawa dahil andito na ako sa sitwasyong kinaaayawan ko. Samahan mo pang dalawang gwapong nilalang ang nasa magkabilang gilid ko. Hindi man nila ako pinagaagawan pero sa tingin ko para sa ibang nakakakita ngayon ganun na nga ang sitwasyon. Hindi man kapanipaniwala sa tingin nila dahil hindi naman ako Maganda. Simple lang ako.

Sana matapos na to. Nakakapagod na kasi tong araw na to ang aga aga palang nakakapagod na.

Challeges Of HeavenWhere stories live. Discover now