“ALL NEW”
“Naayos mo naba ang mga gamit mo?” Wika ni allen. Habang nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto. Agad itong nag lakad papasok ng walang makuhang sagot mula sakin.
Nag kunwari akong di ito narinig at napansin. Habang pa simpleng nilalakasan ang volume ng ipod na pinapakinggan ko ng patago ng hindi niya nakikita. Agad kong pinag-patuloy ang pag aayos ng mga gamit, habang pigil ang tawang gusto ng kumawala sa bibig ko. Umupo ito sa tabi ko. Ramdam kong seryoso itong naka-tingin sa akin. Agad ko tinugon ang tingin niya na kunyaring nagtatanong bakit siya nasa loob ng kwarto. Ang mga mata niyang nag tatanong na parang hinu-huli kong talaga nga bang hindi ko narinig ang sinabi niya. Agad din itong napangiti na parang nang aasar. Na parang matatawa na hindi ko alam. Kung ano bang reaksyon meron sa mga mukha niya.
“ARAY!!!!!!!!!!! Ano kaba!!!!!!! Tsk..... bwiset nito bakit na naman ba?!!!!!. Naluluhang reaksyon ko sa ginawa niya. “Pabigla-bigla ka nalang nangungurot at sa ilong pa talaga e noh?” Agad kong hinawakan ang aking ilong, na uminit dahil sa lakas ng pag kakakurot niya. Pero mas uminit ang ulo ko. Ng makita kong halos natatawa na itong naka tingin sa akin. Halos mangiyak ngiyak na ako sa sobrang inis ko para dito. Ay dyablo!!!!!! Nabubuhayan talaga ang lamang lupa ng lalaking ito pag nakikitang napipikon at naiinis na ako.
Tulad ng palagi niyang ginagawa pag nakikita niyang naiinis, naaasar at nagagalit na ako o tuwing nakikita niyang Hindi ko na nagugustohan ang ginagawa niya. Agad nitong nilalagay sa pisngi ko ang dalawang palad niya para pakal-mahin at kahit ang palakasin ang loob ko sa tuwing napanghihinaan ako ng loob, sa tuwing nalulungkot at natatakot ako. Sa tuwing nagagawa niya kasi ang bagay na yun. Kahit anong emosyon pa ang nararamdaman ko. Gaano man kasama o ka tindi ang galit ko. Gaano man ako nanginginig dahil sa sobrang takot, kusa na lang biglang nawawala na parang walang nangyari. Pakiramdam ko sa tuwing, ramdam kong nasa tabi ko siya panatag at secure ako.
“pano ba naman yang style mo paulit-ulit na lang. Wala kanabang alam na bagong palusot? Akala mo siguro di Ko nakita yung kamay mo SA ipod mo? Sa susunod galingan mo huh? Masyado na kasing luma talaga..... Gusto mo bang masira yang pandinig mo? Paki hinaan mo yang volume ng ipod mo..
Bilisan mo ng pag ayos ng gamit mo at baka ma huli tayo. Ayoko ma late.......
Sa sunod na pag tawag ko sayo bumaba kana kung ayaw mong iwan kita.” Nakangiti ngunit agad na seryosong sabi niya. Agad itong tumayo, at tumalikod para lumabas ng kwarto. Tinignan ko ito hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Agad akong napabuntong hininga at napa-isip.
At napatingin sa buong paligid at agad na napansin at naalalang nasa ibang lugar na nga pala ako. Panibagong buhay, bagong bahay, bagong lugar, bagong kapit bahay at makikilala, bagong school, bagong classmates at kaibigan halos lahat bago. Palagi na lang kami napapa-lipat ng tirahan dahil sa trabaho ni papa. Papatayo ng bahay titirhan lang ng ilang taon at mag papagawa uli para maibenta naman ang isa. Pero ngayon sa wakas sana nga totoo ng dito na talaga kami maninirahan ng pang matagalan. Nakakapagod din pala ang papalit palit ng environment, may pag kakataong minsan hindi ka naman gaano mahihirapan sa pag adjust pero madalas mahirap talaga. Bagay na akala ng iba masaya kasi marami kang makikilala at bagong makakasalamuha.
Agad kong tinapos ang pag impake ng mga gamit. Bago na naman tuluyang bumalik at magalit si allen. Sa tagal at kupad kung kumilos. Ang lalaking yun, kahit na kaylan napaka sungit talaga at suplado talaga. Siguradong pagagalitan na naman ako kapalit ng pag papaantay ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fall for You.
Teen Fiction"First romance, first love, is something so special to all of us, both emotionally and physically, that it touches our lives and enriches us forever."