Ano ba problema nun? Ano na naman kaya ang nasa isip ng taong yun para sigawan ako ng wala manlang sinabing ano mang dahilan. Wala naman ako ginawa para mapahiya siya, suplado talaga ng lalaking yun. Kala mo naman kung napaka-laki na ng nagawa kong pag kakamali para sigawan ako ng ganun sa harap pa ng maraming tao. At sa labas pa ng mismong classroom ko. nakakahiya kaya!! Mabilis tatanda ang taong yun dahil sa sobrang seryoso at suplado. Ang saya ko lang pag talagang nangyari nga yun.
Muli ako nakabalik sa katinuan. Ng marinig ko ang hiyawan ng mga babaeng,kinikilig sa paligid ko. Sigaw dito sigaw dun, tili dito at hala tili padin dun. Para silang nagagalakan sa sobrang saya,daig pa ang nanalo sa lotto. Agad ko tinignan kung sino ang dahilan ng pag titilian nila. Nako si allen lang pala. Well hindi na bago sakin ang mga ganung sitwasyon.
Nag simula na akong humakbang papasok ng classroom, at sa bawat pag hakbang ng mga paa ko siya ring unti-unting pag linaw ng mga salitang nabubuo sa pandinig ko. Bagay na di ko na dapat ikagulat pa. Ano pa nga ba? edi mga kababaehang kinikilig parin. Halos lahat na naman ng mga babaeng,nasa paligid ang paniguradong mababaliw sa pag kakagusto sa lalaking supladong ulopong na yun. At sigurado ngayon sa mga oras na to paniguradong pinag kakagulohan na naman siya sa sariling class room niya mismo. Kung alam lang nila kung gano ka suplado at kahaba ng sungay ng lalaking yan ewan ko lang kung gugustohin pa nila ang abnormal na lalaking yun.
Sa pag hahanap ko ng bakanting upuan nabaling ang paningin ko sa isang babaeng maganda na halos kasing tangkad ko lang. Maputi, singkit, matangos ang ilong na sobrang liit pati na ang buong mukha bagay na mas lalong ikanaganda niya ang lumapit ng nakangiti na halos sakop na ata ang buong pisngi sa pag kakangiti ang papalapit na nag lalakad para salubongin ako. Pero agad ko din napansin ang isang kasama pa nitong siya namang kabaliktaran ng reaksiyon ng pag mumukha. pero katulad din ng isang parang manika din ang mukha pwera lang ditong kayumanggi ang kulay at mahaba ang buhok. Agad ako napaisip kung ano ang problema. Tinignan ko ang paligid. Para masigurado kung talagang sa akin nga talaga nakatingin ang dalawang halos nasa harapan ko na pala nakatayo.
“ ako nga pala si Tina at siya naman ang best friend kung si Adrianna “addy” for short..
So kayo pala yung bagong transferee. Di ka kagandahan para sa kanya.” Naka bungis-ngis na tugon ng babaeng maputi na si Tina na di hamak na mas maganda kesa ke Addy. Napakunot ako ng noo sa tanong nito. At kung sa ano ang ibig sabihin ng huling sinabi nito.
Pilit ko parin iniintindi ang salitang binitiwan niyang di “di daw ako kagandahan para sa kanya”.Para kanino naman? at sino naman kaya ang tinutukoy niya. Pero bago ko pa tuloyang sagutin ang tanong nito. Nag simula ng mag kagulo ang buong tao sa paligid ko. Pumasok na ang teacher para sa 1st subject ngayong umaga. Muli ako nag lakad para humanap ng upuan kung san ako pweding umupo.
Tulad ng paulit-ulit na nangyayari sa tuwing napapalipat ako sa bagong school oh kahit naman sa first day of school ganun din. Bilang isang bagong student sa paaralang to kaylangan ko ipakilala ang sarili ko. Bagay na nakakatamad. At talagang iniiwasan kong mangyari dahil na din sa sadyang mahiyain talaga ako pag nasa harap na ng maraming tao lalo nat pag hindi ko naman kilala. Isang simpleng sitwasyon sa iba. Pero pakiramdam ko pag ako na sa ganung sitwasyon. Buwis buhay na ka agad. Para akong maiihi sa subrang kaba at takot. At di lang yun naiiyak ako pag di ko magawang masagot ng maayos ang mga tanong o pag may pag kakataong bigla ako natutulala at na memental block sa gitna.
Tumakbo at lumipas ang mga oras ng di ko namamalayan. Ni hindi ko na nagawang mapansin. Ilang oras nalang at patapos na pala ang isang buong araw ko sa bagong school na pinapasukan ko. Ang tanging napansin ko lang,ay ang kahit san ako pumunta puro pangalan nalang ni allen ang naririnig ko kahit pang unang araw pa lang naming dalawa sa paaralan eh parang napa ka tagal na nila siyang kakilala. Mga babaeng kinikilig kahit pangalan niya lang ang mabanggit.
Ang ulopong na yun, sigurado na namang mainit ang ulo niya. Siya lang ata ang taong kilala kong ayaw na ayaw ang masyadong napapansin at sikat. Wala naman ng bago dun, dahil sigurado namang sisikat talaga siya kahit pa san siyang lupalop na lugar dalhin. Pakiramdam ko tuloy ngayon,tanging ako lang ata talaga ang nag bubukod tanging naiiba at talagang bago sa school nato. Ni pakiramdam ko nga parang wala manlang may nakapansing bago ako dito. Puro may sariling mundo ang classroom na napa-sukan ko. kung mamalasin ka nga naman oh. Ngiti-ngiti parin pag may time.J
BINABASA MO ANG
Fall for You.
Teen Fiction"First romance, first love, is something so special to all of us, both emotionally and physically, that it touches our lives and enriches us forever."