Tuloyang natapos ang isang buong araw ng parang di ko naman nagawang napansin. Para lang tuloy isang ordenaryong araw, sa isang araw na paulit-ulit na dumadaan at lumilipas. Wala na talagang pag-babago. bukod lang sa salitang isa akong bagong salta sa bagong paaralan na pinapasukan naming dalawa ni allen. Ni wala man lang nga ata naka alala ng boung pangalan ko o kahit nga man lang ng first name ko. Ang saklap kaya isipin nun hahaha. Am I really exist? :D
Agad akong tumayo ng mag paalam ang pang-huling teacher na nag turo para sa huling subject namin. Pag labas nito ay siya ring pag pasok ng notebook at ballpen sa bag ko.
“natapos na buong araw tahimik ka parin diyan inday?. Di mo feel environment ditto nohhhhh?” sabi ng isang bakla na ikinagulat ko pa dahil bigla na lang lumabas kung san na biglang tumabi sa akin.
Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa agad ako napa ngisi. Confirm bakla nga tong nasa harap ko ( bungis-ngis ). Pero agad din akong nanghinayang at napa isip, bakit kaya karamihan sa mga taong nalilihis ang landas e mga pinag papala ang mga mukha. Ako lang ata talaga ang pinag kaitan ng pag kakataon. ( huhu L ) kung mamalasin ka nga naman.
“Classmate ba kita?” tanong ko sa kanya.
“hellooooo!! Okay ka lang ba? Praning lang te? Mag kalapit lang tayo oh.” Natatawang sabi pa nito sabay turo sa upuang sinasabi nitong kinauupuan niya.
Agad KO tinignan ang upuang sinabi nitong malapit Lang SA kina-uupuan ko. Agad akong napa kamot ng ulo ng makita kong. Dalawang upuan nga lang talaga ang layo ng upuan niya SA akin. Nakakahiya naman talaga oh! Kahit ako di alam kung saang himpapawid lumipad ang utak KO SA buong araw.
“ikaw naman! Parang binibiro ka lang eh. Ano nga pala ang pangalan mo?”. Pabawing tanong ko agad sa kanya.
“Aron but you can call me steff,,,,, ay charing lang be. Aron na lang.” Natatawang pag papakilala nito sa sarili niya. “Uwi kanaba? Sabay na tayo kung gusto mo.”sunod pang sabi nito.
Di na ako nag dalawang isip pang sumama dito palabas ng classroom... Di man perfect ang first day sa new school na to, atleast di naman pala ganun ka worst ang araw na to para mag emote di tulad ng inaasahan ko na mangyayari.. Kahit papano in the end may maganda namang nangyari dahil may nakilala akong new beki bebe friend. Oh di ba? J at infairness sayang ang face dahil ang cute niya. Kahit papano may masha-share ako pag uwi ko sakaling tinanong nila mama kung kamusta ang naging unang araw sa school.
<---done for All new story.. see you in next chapter " ATTRACTION" :)

BINABASA MO ANG
Fall for You.
Teen Fiction"First romance, first love, is something so special to all of us, both emotionally and physically, that it touches our lives and enriches us forever."