Lagay ng konting pulbo at tinignan ang buong sarili sa salamin bago ako tuluyang agad na bumaba. At tulad nga ng nasa isip at inaanasahan ko naabutan ko itong nakatayo habang naka sandal sa pinto habang kunot ang noo na nakaabang ang mamang allen. Sa isip ko agad ako napangisi habang tinitignan ito pababa ng hagdan habang paunti-unti ang pagtaas ng kaliwang kilay niya. Buti nga!! At sa pag katuwa ko ay mas binagalan ko pa ang bawat pag hakbang sa hagdan pababa.
“babagalan mo pa o iiwan na kita?”. Naasar na tanong nitong nakatingin ng masama. Na agad din nitong pag talikod palakad sa pinto palabas ng bahay.
“pikon!!! Sandali lang!!!! Di ka naman mabiro ehhhh.
“ ma alis na po kami.” Pahabol na sigaw ko kay mama na hindi ko alam kung narinig ba ang sinabi ko. agad ako nag-madaling tumakbo palabas. Ang pangit na yun talagang iniwan ako!!! Huhu L. Patuloy parin ito sa pag-lakad ng wala manlang lingon-lingon upang tignan ako.
Sa laki ng hakbang niya di ko na alam kung pang ilang hakbang ko ang isang hakbang lang niya. Agad akong hiningal kaya nag simula ko ng bagalan ang pag lakad. Tutal naman hindi ganun ka layo ang agwat niya sa akin. Mula sa likoran. tinignan ko si allen sa kanyang likoran na patuloy parin sa paglalakad na sa tingin ko nakasimangot pa rin. Agad uli akong tumakbo palapit sa kanya.
“excited ka na no?” nakangiting tanong ko sa kanya.
“saan?” matagal na tugon nitong patuloy pa rin sa paglalakad.
“sa pag pasok sa bagong school... J
Teka naman bagalan mo lang naman ang pag lalakad, di naman natin kaylangan mag madali maaga pa naman di naman tayo malalate.” Nakangiti parin na tanong ko. Habang patuloy paring nakatingin sa mukha niya. Agad ako humawak sa braso niya. Para mapabagal ito sa pag lalakad. Napahinto ito at napatingin sa akin ng nakataas ang dalawang kilay.
“at ano naman ang dapat ko ika excite?....” kunot noong tanong nito. Habang tinitignan ang mga kamay kong naka-hawak sa braso niya. Na halatang mas lalong di niya na gustohan.
“kasi, sisikat kana naman agad dun sa bagong lilipatan nating school. Siguro naman, hindi kana magiging snob sa kanila. Malay mo, makakakita kana ng babaeng magugustuhan mo dun.” Nakangising sabi ko sa kanya. Sa reaksiyon ng muka niyang nakikita ko. Kunti nalang at magagalit na talaga ito sa pangu-ngulit ko at siyempre makakabawi na naman ako sa pang aasar niya ngayong umaga.
“kahit na kaylan wala talagang laman yang utak mo ano? Gumagana ba talaga yan o talagang puro walang kwentang bagay lang ang laman niyan? Wala akong pakialam at oras sa mga ganyang kalandiang bagay....
Tanggalin mo nga yang kamay mo, nabibigatan ako!! Sa bagal mong mag lakad kaylangan pa kitang hatakin at akayin....
At kung pwede lang bago mo pakialaman ang buhay ko o ang buhay ng ibang tao. Bakit di mo muna ayosin yang buhay mo lalong lalo na yang pag aaral mo. Wala kana ibang alam kundi ang mangi-alam. Mag salita kapa at iiwan kita ditong mag isa, tignan natin kung magawa mong mahanap agad ang school pag kalokohan mabilis ka.” Taas ang boses na pasigaw nitong sabi. Sa reaksiyon niyang nakikita ko ngayon halatang di nga niya nagustohan ang mga nasabi ko. Para magalit at mag seryoso siya ng tulad nitong nakikita ko ngayong reaksiyon niya. Mukhang napa sobra ata ang ginawa kong dapat na pang aasar lang. Sabagay talagang high blood siya pag dating sa babae na ang topic. Muli itong nag lakad ng mabilis.
Ang tignan siya kahit nakatalikod lang mula ulo hanggang paa makikita mo na agad na napaka gandang lalaki niya kahit di mo pa nakikita ng buo ang mukha niya. Kaya nakapag tataka namang sa sobrang dami ng magagandang babaeng nag kakagusto sa kanya e ayaw man lang pumatol ng kahit isa. Sayang nga lang sa sobrang suplado at seryoso niya di ko alam kong makakakuha pa kaya ng lovelife to. Mula pa noon ni minsan wala pako narinig o nakita manlang na may kasama itong babae o pinakilala o kahit nga ang mag kwento man lang kung may natitipuhan ba siya o balak na ligawan o nagugustohan. Kahit san naman siya pumunta halos lahat ng babae nag kakagusto sa kanya. Kahit na nga ata pati matatanda nagugustohan siya. Minsan tuloy nabibiro siya nila papa baka pareho kaming babae sa pamilya. Haha well pag nag kataon pareho kaming mag kapatid ng gusto.
Isipin ko palang natatawa na ako. Sakaling si allen isa nga talagang “bading”? Wow may makakasama na ako. Sa pag punta ng parlor pag sakaling gusto ko mag pa ayos ng buhok. Sa tuwing bibili ng gamit oh ng damit sabay naming susubokan isukat na dalawa kung bagay ba. Mag papatalbugan sa pag aayos. Mag papalitan ng make up at higit sa lahat ang makita si allen na naka suot pang babae. Isipin palang ang bagay na yun “hahaha” gusto ko ng humagalpak sa kakatawa. Humiga at mag pagulong-gulong,masyado kasing masagwa sakaling ganun nga.
“tatawa kanalang ba diyan?” tanong ni allen.
“huh?” walang muwang na tanong ko sa tanong ni allen. Nagulat ako ng makita kong nasa labas ako ng isang room. Hinanap ng mata ko kung nasaang lupalop ako naruruon. Ngunit mas lalo lang akong nagulat ng makita kong nasa labas na pala ako ng bagong school ko at di lang yun. Kundi sa sarili kong class room mismo.
“pumasok kana!!!
Wala kana naman sa katinuan. Pwedi ba ayosin mo nga yang sarili mo.. pagalit na namang sigaw niya. habang nakatayong nakatingin ng masama.
Nakakahiya ka!!! Kanina kapa nakangiti ng mag isa. Alam mo bang pinag titinginan at pinagtatawanan kana ng mga tao dito!! Saang lupalop na naman ba yang utak mo?!!!!
Alis nako. Diyan kana!!” pagalit at halatang nahihiyang sabi ni allen sabay talikod ng parang walang nangyari habang tuloy-tuloy lang ito sa pag lalakad ng mabilis. Gusto ko pa sanang tawagin to. para maka pag paalam at para makapag pasalamat sa pag hatid. Pero naisip kong wag na lang at baka mapa hiya lang ako lalo alam ko namang di na ako papansinin nun.
BINABASA MO ANG
Fall for You.
Teen Fiction"First romance, first love, is something so special to all of us, both emotionally and physically, that it touches our lives and enriches us forever."