PAPER AND STRINGS
by Amber MiguelSong Choice: Terrible Things by Mayday Parade
Genre: Romance
Sub-genre: Paranormal
"How are you dad" tanong niya sa ama kahit alam niyang hindi ito sasagot sa tanong niya. It's been two and a half century since his dad died.
Umupo siya sa harap ng puntod nito saka tinanggal ang mga dahon na nakatakip sa pangalan nito.
"Are happy now with mom?" muli niyang tanong rito.
"Sorry po hindi kita nabibisita palagi. I'm kinda busy with my wife and son." huminga siya ng malalim nang maalala lahat ng sinabi sa kanya nang ama bago ito nilisan ang mundo.
"Terrible things could happen anytime." biglang sabi nito na siyang ipinagtaka niya.
"Po?" he asked bewildered.
"By the time I was your age, I'd give anything. To fall in love truly was all I could think." anito na mas lalong nagpalito sa kanya.
"Wala sa isip ko ngayon 'yan dad." aniya
"You're already 27 son, sooner or later you'll meet her, the woman of your dreams." anito saka umubo.
Inabot niya ang isang baso ng tubig sa maliit na lamesa sa tabi ng higaan nito.
Matagal na itong may sakit. Ayaw rin nitong magpadala sa doktor. Matanda na raw ito at gusto na nitong sundan ang mommy na pumanaw tatlong linggo matapos siyang ipanganak.
"I'll hope and I'll pray that what happened to me and your mom will not happen to you." tuloy nito.
"Dad, just rest okay?" aniya para pigilan ito sa pagsasalita.
"Ang saya ko nang ipanganak ka niya. Kompleto na kami, kompleto na tayo. But I was so devastated when she told me that she's sick and she only got weeks. I was so sad, I can't do anything for her to live longer." tahimik siyang nakinig sa kwento nito. He have seen him everyday mourning for his mom.
"Dad, I've found her. She's as beautiful as mom." kwento niya rito.
"After you left. Hindi ko na inisip pang makipag-date o mag-asawa. Many people thought I'm gay, I just smiled at them because I know I'm not. I do believe in love but I don't believe in forever." ngumiti siya sa kawalan nang maalala iyon.
Running in the woods became his routine every morning after the death of his dad. But that day was different. The woods was different. It was so silent, the noisy birds were nowhere to be seen.
Ipinilig niya ang ulo, mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo nang nasa loob na siya ng kakahuyan.
Tumakbo siya na animo'y may kaparehang leon hanggang sa mapagod siya.
Tumigil siya sa ibaba ng malaking puno, naupo siya sa malalaking ugat niyon. Binuksan niya ang hawak ng bote ng tubig para uminom. Nasa kalahati pa lang ang naiinom niya, napatigil siya nang makarinig ng mahinang hikbi malapit sa kinauupuan niya.
Maingat siyang tumayo para hanapin kung saan nanggaling ang ingay na iyon.
"Hindi ako katulad nila! Hindi ako pumapatay ng tao!" rinig niyang sigaw ng isang babae.
"I can feel you! Please help me. Alam kong may tao riyan." humihikbing sabi nito. Lumabas siya mula sa likod ng malaking puno.
Nakita niya ang isang babaeng duguan sa ilalim malaking puno ng balete. Nakatingin ito sa baba, naririnig pa rin niya ang mahihinang hikbi nito.
"I'll offer you myself and everything I had tulungan mo lang ako." pakiusap nito.
"I'll help you. Wala kang kailangang ibigay sa 'kin." aniya habang naglalakad palapit dito.
"Nauuhaw ako." anito
"Ito tubig." he offered
"Blood." bulong nito.
"What?" nagtatakang tanong niya.
"I need your blood."
Tumalikod siya, hindi niya kayang tulungan ang babaeng iyon. Handa na siyang tumakbo pabalik sa bahay niya ng muling magsalita ang babae.
"Give me an ounce of your blood, I'll you immortality."
Immortality? Impossible. Baliw na ata ang babaeng iyon.
"I'm not crazy. I am a vampire. Mortals dragged me here. Hindi ako lumaban, I don't want to kill them."
Inilabas niya ang patalim na nakatago sa likod ng jogging pants na suot niya. He don't believe in paranormals pero ito na mismo ang nagsabing isa ito sa mga uhaw sa dugo ng tao.
Pinilit ng babaeng sumandal sa isang malaking ugat ng puno. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng mahaba nitong buhok.
Tumingala ito sa kanya, her pale blue eyes stared into his brown ones. Tears strolled down her pale cheeks. Pilit nitong inaangat ang katawan para makaupo pero nabigo ito.
Itinago niya muli ang patalim sa likod ng jogging pants niya saka naglakad palapit dito. Dahan dahan niyang inangat ang babae mula sa pagkakahiga.
"Don't kill me." pakiusap nito.
Hindi niya kailangang sagutin iyon. Hindi niya kayang patayin ang babaeng nasa mga bisig niya na may inosenteng mukha.
"I won't. Just relax, I'll take you to my house." sagot niya.
Tumingin siya sa kalangitan na para bang naroon ang kausap niya.
"That's how we met dad." nakangiting sabi niya.
Naramdaman niyang may iba pang tao sa paligid niya maliban sa kanya. Napangiti ulit siya.
"Stalking me again e." aniya sa malakas na boses. Siguradong maririnig iyon ng kung sinuman ang naroon.
Narinig niya ang malakas ng tawa nito. Pagkatapos ay may naramdaman niya ang mga braso nito na pumulupot sa tiyan niya.
"I'm not stalking you e." bulong nito sa kanya.
"Ikaw mismo ang nagsabing kaya ka nasa kakahuyan ay dahil sinundan mo ako pauwi sa bahay nang gabing iyon." pang-asar niya rito.
She burried her head in his back. "That was centuries ago." anito na siyang ikinatawa niya ng malakas.
Bahagya siyang kinurot nito sa tagiliran saka lumipat sa tabi niya.
"Dad, meet my wife Elena. I also made a present with paper and string and asked for her hand in marriage ages ago." aniya.
"Max is a great husband and dad. Thank you." nakangiting sabi ng asawa na parang nakikita nito ang kinakausap.
Inakbayan niya ang asawa saka tumalikod sa puntod ng ama para bumalik na sa mundo nilang mga immortal.
Life can do terrible things but love was a story that couldn't compare with anything else.