Drafting Serendipity

40 10 2
                                    

DRAFTING SERENDIPITY
by Smiley Sleepyhead WP

Song Choice: Photograph by Ed Sheeran

Genre: Romance

Sub-genre: Fantasy



"Bag pack check!" Wait a minute? What else did I forgot? Dahan-dahan kong inilibot ang paningin ko sa loob ng aking kwarto hanggang sa nakita ko na nga ang hinahanap ko.

"Sketch pad check!" Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay at nagbisikleta papunta sa park kung saan madalas akong tumambay. Ilang araw na akong pabalik-balik dito sa kadahilanang mas nakakapag-concentrate ako sa sobrang payapa ng park na ito. Lately, I've been dreaming about this girl and every day when I woke up, hindi ko man maalala ang kabuuan sa panaginip ko, one thing for sure is that may naaalala ako sa portion ng mukha ng babaeng iyon. Kaya pagkatapos kumain ng umagahan, agad akong lumalabas ng bahay at nagpupunta sa park para iguhit siya. Ang park kung saan ko unang naramdaman ang buhay ko bilang tao.

That smile! Unti-unti kong naaalala kung paano niya ako ngitian sa aking mga panaginip. Hinaplos ko ang dulo ng kanyang labi at ito na nga siya. Sa wakas! Natapos ko na ang pagguhit sa kanya. Napakaganda niya! Kasing ganda ng mga diwata sa aking mundo noon. Pero tulad nang karamihan, isa ako sa naghangad na mamuhay bilang isang normal na tao at hindi ko ito pinagsisisihan.

Ngunit sa araw ding iyon,kung kelan natapos ko na ang pagguhit sa kanya, nawala ko ang sketch pad ko at ang mas malala, hindi na niya ako kailanman dinalaw sa mga panaginip ko. Nakakapagtaka man pero wala naman akong magawa dahil kahit na ilang ulit akong magpabalik-balik sa park na iyon ay hindi ko na talaga nakita ang sketchpad ko.

Until one day, sa bagong nilipatan kong university, something caught my attention. There is this page of our university where you can post whatever you want without you being known by the public. I'm really fund of reading posts in that page until I've read a post stating about a lost sketchpad. At first, I was too hesitant and iniisip ko, baka isang napakaling coincidence lang ito pero hindi.

February 14, 2011

Drafting Me

So since Valentine's day ngayon, at wala akong ka-date tulad nang karamihan, magkwekwento na lang ako. Three years ago, nagkaroon ng field trip ang school na ito. We were on the second day of our fieldtrip nang magpunta kami sa isang park where according to the tourists guide ay tirahan daw ng mga fairies and creatures na beyond man's perspective. Syempre, sa panahon ngayon, sino ba namang maniniwala doon 'di ba? Kaya nagtawanan lang kami. Habang nililibot namin ang park, may nakita akong isang libro. Noong una, sinabi ko, ano ba namang libro ito at wala man lang title tapos mukhang napakaluma pero parang ang magical kaya dinampot ko. I was too shocked and even terrified nang makita ko sa unang pahina ng librong ito ang mukha ko. Kahit na natatakot ako, iniuwi ko pa rin ang librong ito. Three years had already passed and until now, hindi ko pa rin nahahanap kung sino ang may-ari ng librong ito. Hindi ba nakakatakot? Pero at the same time, ang sweet. Na sa malayong lugar kung saan hindi ako kilala, may isang taong nakakakilala pala sa akin. Kaya ang araw-araw kong tanong, sino nga ba ang may-ari ng sketchpad/lumang librong ito?

BABAENG HINAHANAP SI PINTADO. . .

3rd year-School of Medicine

Marami ang nagcomment at nagclaim na sila na nga ang pintado na hinahanap nang nagpost nito. Marami rin ang ginawang biro lamang ang post na ito pero sa bawat araw na itinatanggi kong ako nga talaga ang may-ari ng librong tinutukoy niya, siya namang hindi pagpapatahimik sa akin ng puso at isip ko. Mahirap man sa mundo ko ngayon dahil kapit kami sa kasabihang "NEVER ASSUME OTHERWISE STATED" ay nagpadala ako sa feelings ko. Oo, nag-assume na nga akong ako na nga ang pintado niya kahit na hindi naman talaga nakasaad ang tiyak na detalye ng taong hinahanap niya.

Hinanap ko ang nagpost nito at kahit labag man sa loob ng admin ng page ay ibinigay niya sa akin ang link ng facebook profile ng sender nito sa kadahilanang parang masyado raw kasi akong interesadong malaman kung sino nga siya. Aphrodhile Athena Venice ang kanyang pangalan. Agad akong nagmessage sa facebook niya at nakalipas lamang ang ilang minuto ay nagreply siya. Nagkaroon kami nang kaunting mga katanungan sa bawat isa hangga't sa napagdesisyunan naming magkita na lamang sa personal.

Makalipas ang tatlong araw, ito na nga at makikita ko na siya. Inantay ko siya sa isang park kung saan napakadaming puno at may nag-iisang tulay sa gitna nito. Noong una akala ko hindi na siya darating ngunit saktong paghakbang ko patalikod ay may tumawag sa akin.

"Excuse me! Ikaw ba si Clyde?" Nanginginig akong lumingon sa kanya at halos matunaw ang puso ko nang makitang siya nga ang babae sa mga panaginip ko. Halata naman gulat na gulat siya sa nang makita ako. Ang facebook na ginamit ko ay isang pekeng profile ko lamang dahil ayoko munang makita niya ang totoong ako. Dahan-dahan siyang lumapit at ibinigay sa akin ang nawawalang sketch pad ko.

Agad ko naman itong kinuha at binuklat sa harapan niya. Ngunit imbes na mukha niya ang makita ko ay nakita ko ang isang litrato nang isang lalaki.

"Ikaw! Ikaw ang lalaki sa mga panaginip ko." Puno nang saya ngunit puno rin nang pagtataka niyang sambit habang hindi pa rin inaalis ang titig sa akin.

"At ikaw. . . Ikaw ang babae sa mga panaginip ko." Biglang humangin nang napakalakas at napunta sa huling pahina ang librong hawak ko. Biglang nagliwanag ang sketch pad ko at dahan-dahan naming binasa ang mga salitang biglang lumitaw mula rito.

"We keep this love in a photograph . . . We made these memories for ourselves . . . where our eyes are never closing . . . our hearts are never broken . . . and time's forever frozen still." Kami'y nagkatitigan at isang napakalambing na ngiti ang lumitaw sa aming mga labi habang parehong nakahawak sa sketchpad ko.

Euphonies of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon