The Hidden Smile

23 2 1
                                    

The Hidden Smile
by Beat_G

Song: True Colors

Genre: 

Sub-ge

"And they live happily ever after."

Napasimangot ako ng mukha nang malamang sila rin ang nagkatuluyan sa huli. Wala na bang bago? Lagi na lang happy ending. Ibang-iba talaga ang mga kuwento sa libro kaysa sa kuwento ng realidad na buhay.

Nang mailagay ko na ang libro sa lagayan nito ay tumungo na ako sa aking higaan.

***

"Alam kong hindi pa gaanong matagal ang dalawang taon na pagsasama natin pero babe! Hindi ko na kaya. Gusto ko ng angkinin ka, so Andrea, will you be my bride?" halu-halong emosyon ang aking nadama nang makitang nakaluhod ngayon sa harap ko ang lalaking matagal ko ng pinapantasiya. Hindi ko namalayang may luha na palang lumandas mula sa aking mata dahil sa kagalakan. Totoo na ba ito? Please, sana hindi ito panaginip lang.

"Babe? Ano na? Sagutin mo na ako, nangangawit na ako rito, e." Bahagyang napatawa ako sa sinabi niya at dahan-dahang tumango, "Yes, I will marry you."

"Talaga? Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Drea." Mula sa pagkakaluhod ay tumayo siya at niyapos ako nang mahigpit.

"Babe, I'll promise, hinding-hindi mo pagsisisihan ang araw na ito."

"I hope so," nakangiting saad ko.

**

Hinawakan ko ang aking pisngi na may tuyong luha na ngayon. Kailan ba kita malilimutan, Malcohm? Sawa na akong umiiyak, pagod na akong masaktan at hindi ko na kayang magpanggap na matapang sa paningin ng iba.

"Hey? Why are you crying?" agad akong nagpunas ng luha at walang emosyong tinignan ang pangahas na pumasok sa aking kwarto na wala man lang paalam.

"What are you doing here?" Balik na tanong ko sa kaniya. Ngumiti ito, bubuka na sana ang bibig ko upang magsalita muli nang maramdaman ang mainit na katawan niyang dumampi sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko sa inakto niya. Ngunit sa huli, ay hinayaan ko na lang siyang yakapin ako.

"I know you need this. When I last saw you laughing?" Bigla akong napatanga sa tanong niya. Kailan ba ako huling tumawa nang totoo? Hindi ko na rin maalala. Simula nang mangyari ang aksidenteng gumimbal sa aking pagkatao ay hindi ko na makuhang maging masaya pa. Dahil iyong dahilan ng bawat ngiti ko ay wala na...

Kahit ayaw ko man, ay hindi ko na nagawang pigilan pa ang mga luha sa pag-alpas kaya ngayo'y may karera na ng mga luha ang nagaganap sa aking pisngi.

Nang matapos ang isang oras na pag-iyak ay huminto na ako.

"Magaan na ba ang pakiramdam mo?" Tumango ako sa kaniya. Nakakahiya! Nakita niya akong umiiyak.

"Good. Show me a smile then," simpleng salita niya lamang ay tila naging robot na ako at sinunod ang sinabi niya. What the hell is happening to me? Sinuway ko ang sarili na ngumiti ngunit tila may mahikang bumabalot sa akin.

Alam ko ang pakiramdam na ito. Sobrang pamilyar. Bakit... bakit nararamdaman ko muli ang naramdaman ko noon kay Malcohm? Hindi kaya...

Hindi maaari! Hindi ako p'wedeng magkagusto sa boyfriend ng kapatid ko!

Euphonies of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon