Punyatera, anong klaseng tanong 'to sa Ask.fm? Bakit daw napakasama ng ugali. Aba tanga ka ba, Miss? Saan ka nakakita ng kontrabidang mabait? Nung nagpaulan ba ng katalinuhan, nailock mo ang sarili mo sa loob ng cabinet mo?
"Ella, nabalitaan mo na ba yung tungkol sa new student? I heard he's a hottie." Malanding pagkekwento sakin ni Tiffany.
"Yun naman ang ipapalit mo? Tsk." Napakalandi ng babaeng 'to. "Pakalmahin mo naman paminsan-minsan ang kalandian mo."
"Nagsalita si Maria Clara, punyeta." Irap niya sakin.
I rolled my eyes nalang at tinuloy ang paglalagay ng nail-art. "AY PUTA!" Sigaw ko nang may nakabunggo ng upuan ko. "Hoy balyena!" Tawag ko dun sa babaeng dumaan sa likuran ng upuan ko.
"And who are you calling balyena?!" Sigaw niya sakin. Wow, lumalaban ang punyeta.
"Malamang ikaw! May iba pa bang Balyena dito? Ang kabobohan pinaiiral." Ang daming panira sa araw ko. Bakit ba kasi ang daming estupida de bobo sa mundo?
"Ano bang problema mo sakin?" Maarteng tanong nito.
"Nako, madami. Unang una sa listahan yang napakalaki mong pwet. Dadaan na nga lang, kailangan mabubunggo pa yung upuan ko. Hindi ba uso sayo ang salitang DIET?"
"Hoy, Miss. Bago mo ko sinasabihan ng ganyan siguraduhin mo munang nalamangan mo na ako sa ganda. Walang wala ka nga sa ganda ko eh." Ay, ang kapal ng foundation!
Kinuha ko yung bote ng Nestea Ice na iniinom ni Tiffany at binuhos sa mukha niya yung laman. "Oh ayan, nang magising ka naman sa katotohanan. Aba, excuse me. Hindi ko na kailangang lamangan ang ganda mo dahil unang-una palang wala ka na non."
Tumakbo papalayo yung babae sa sobrang kahihiyan. Akalain mo na sa likod ng kakapalan ng mukha niya ay may tinatago pa pala siyang konting hiya? Akala ko wala na eh.
Umupo na ulit ako at pinahiran ng Acetone yung nail ko. "Like putangina mo, Girl. Kailangan yung drink ko talaga ang ipambuhos mo sa kanya? Kadiri ha, my laway was all over her."
"Yang kaartehan mo, tigil-tigilan mo kung ayaw mong ibuhos ko sayo itong acetone."
Tumayo na ako pagkatapos kong ayusin yung nasira kong nail-art. "At saan ka naman pupunta?" Tanong ni Tiffany.
"Mang-aagaw ng boyfriend, saan pa ba?" Umalis na ako sa lugar na yun at naglakad sa quadrangle.
Nasagap ng kontrabida radar ko ang isang mag-jowa na nakaupo sa ilalim ng puno. Lumapit ako sa kanilang dalawa at tinitigan yung babae. "Hi Miss, akin nalang yung boyfriend mo. Mas bagay naman kami eh."
"Excuse me?" Nagulat niyang react.
"You are excused, pwede ka ng umalis." Pamimilosopo ko.
"Hoy Miss, pwede bang maghanap ka ng ibang lalaki? Ang dami daming lalaki diyan!" Sigaw niya. Kadiri naman 'tong babaeng 'to. Hindi ba niya alam na tumatalsik laway niya?
"Manahimik ka nga, Punyeta. Yang bibig mo, waterfalls." Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pinunasan ang maganda kong mukha. "As I was saying... Babe, akin ka nalang."
"He loves me. Sa tingin mo ba sasama lang siya sayo ng ganun ganun?" Tanong ni Girl.
"Tangina, sabing manahimik ka eh. Yung boyfriend mo ang kausap ko, hindi ikaw. Inako mo na nga ang kapangitan, aakuin mo pa din ba yun? Bwisit." Subukan pa niyang magsalita, ipupukpok ko sa noo niya yung takong ko. "At ikaw, ano pang tinatanga-tanga mo dyan? Halika na. Mas bagay naman tayo eh."
Nakatingin si Girl kay boy na parang nagmamakaawa na wag siyang iwan. Pathetic. "Sorry babe pero tama siya, hindi tayo bagay. Mas bagay kami. Salamat nga pala kagabi ah, sarap mo."
Tumayo na si guy at inakbayan ako. Sabay naman kaming naglakad papalayo. "Tangina mo talaga, Troy. Lagi mo nalang akong dinadamay sa kagaguhan mo." Reklamo ko.
"Nakuha ko na yung V-Card niya e, nakuha ko na yung pakay ko. Pwede ko ng singilin yung pinusta ng mga gago, haha." Ipinakikilala ko ang tarantado at nag-iisa kong lalaking bestfriend. Sa kanya ko binigay yung una ko. Kolektor nga ng V-Card ang gago.
"Magseryoso ka na nga, Gago." Batok ko sa kanya.
"Ayoko nga. Kapag nagseryoso ako hindi na kita pwedeng ikama, Haha!" And he's also my bed buddy. Mahabang kwento, okay? Basta bestfriends kami na bed buddies din. "Kailan ba tayo magse-session? Miss na kita."
"Kaka-session mo lang kagabi kasama nung babae, wag ka ngang malibog!" Sita ko.
"Ang ganda mo talaga kapag nagagalit, Tsk. Sige ka, baka patulan kita." Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti.
"Subukan mo, baka putulan kita." Sabay lakad palayo.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
Romance"I'm no longer the Protagonist." \\ Babala: Ang kwentong ito ay Rated SPG. Striktong Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror o Droga na hindi angkop sa mga puta. \\