The Antagonist - 1

513 19 4
                                    

Ang daming basura sa school namin. Nakakairita. Mga eye-sore. Dapat sa kanila nagpapakamatay nalang para naman makatulong sila sa pagbabawas ng populasyon. O kaya maging Garbage people nalang sila para naman luminis-linis ang Pilipinas. Nagkaroon pa sana ng halaga ang buhay nila.

"Ella, Ano ba? Kanina pa kita hinihintay. You're late." Reklamo ni Tiffany.

Wow, makapag-inarte akala mo ang ganda ganda. "I'm not late, sadyang tanga ka lang kasi ang aga mo dumating." Ayoko sa ugali ng babaeng 'to at ganun din ang tingin niya sakin. Meron kaming mutual hatred for each other kaya kaming dalawa ang laging magkasama. 

Pwede mong sabihin na Best Enemies Forever kami. "Punyatera ka talagang babae ka. Bilisan mo na nga at kating-kati na akong mang-alipin." Sabay kaming naglakad papunta sa Fashion building. 

As usual, naka pila na naman ang mga taga hanga namin. Although may 'itsura' yung iba sa kanila, hindi kami interesado sa kanila kasi mga gago sila. Kalat na sa buong Pilipinas ang ugali namin ni Tiff. Alam na ng lahat kung gaano kasahol ang ugali namin tapos liligawan nila kami? Pssh. 

Fame lang naman ang habol ng mga gagong 'to. Gusto lang kami gawing pang-display.  

Mga 70% ng nakapila ay nakapila para sakin habang yung 30% naman ay para kay Tiffany. Aba, hindi siya ganyan ka-ganda noh. Magpasalamat nalang siya at meron pang nagtiyaga sa mukha niya. 

Habang nakikipag-plastikan kami sa mga tagahanga namin, nasagap ng radar ko na papalapit si Jen. Hashtag Nerd. Meron siyang makapal na salamin. Naka-braces siya. Kulot na kulot yung buhok niya at halatang hindi sinusuklay. Nakasuot siya ng sobrang baduy na outfit. In short, panget siya pero para mas sossy, Nerd. 

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit yan pinatulan ni Reid. Aba, excuse me. Kumpara sa babaeng yan, abot langit ang ganda ko. Kaya nga masasabi kong tama ang desisyon ni Reid na akitin ako. Siguro narealize niya na walang wala sakin yang babaeng yan. 

"BABE!" Kung sineswerte ka nga naman. Tamang-tama ang dating ni Nerd. Tumayo ako para salubungin ng halik si Reid sa harap ni Jen. "Oh babe, miss mo ko agad?" 

Gago, kapal mo. Gusto ko lang makita yung reaksyon ng walang kwentang babaeng to. Wala akong gusto sayo. Hell no. You're good in bed but you're not good enough to be my lover.

"Oo eh, babe. Namiss kita, soooobraaa." From the corner of my eye, nakita kong nakatingin samin si Jen with pain in her eyes. Serves you right, you little prick. You deserve this. I saw her turning her back and walking away kaya tinulak ko na palayo si Reid. "Okay, pwede ka ng lumayo. Nakakapanira ka ng umaga, punyeta." 

"Matapos mo akong akitin, itataboy mo lang ako?" Wow! Saang lupalop ng mundo niya nakuha ang kakapalan ng mukha niya? 

"Excuse me? Ikaw? Aakitin ko? Nananaginip ka ba?" Ayan na, naka-on na ang kontrabida radar ko. "Alam mo, Reid. Bawas-bawasan mo ang foundation mo, masyado ka ng makapal." 

"Bakit? Hindi ba totoo? Diba inahas mo ko mula sa bestfriend mo?" Nakakatawa naman ang eksenang 'to. Ang sarap i-livestream sa internet. Guys, videohan niyo nga nang malaman ng mundo kung gaano kabobo ang lalaking 'to.

"Sige, kunyari inahas nga kita." I smiled. "Matanong ko lang, bakit ka nagpaahas? Pwede mo naman akong itaboy ng mga panahong iyon. Ginusto mo din yun dahil una palang, ako na ang habol mo at hindi si Jen. So pwede ba? Go away." 

Tumalikod na ako pero hinawakan ni Reid yung braso ko kaya hinarap ko ulit siya at binigyan ng isang malakas na pangkontrabidang sampal sa mukha. 

"Aba, Putangina mo din ah. Sinasabihan ka ng maayos na lumayo ka. Hindi ka ba marunong umintindi? Lumayo ka ng tarantado ka dahil ayoko ng makita yang pagmumukha mo. Oh ayan, naintindihan mo na ba? Bwisit!" 

Nag-pangkontrabidang walk out ako with matching click ng heels pampadagdag aura. Pumasok na ako sa classroom namin. Buti nalang at bawal ang mga hindi taga-section dito sa room. Punyeta much. Umagang-umaga ang init na agad ng ulo ko.

"Jen, bakit ang panget mo?" Tanong ko sa kanya nang pumasok siya sa room. Hindi ko ba na-mention na kaklase ko siya? Pwes ngayon, alam niyo na. Wag ng tanga ha? Nagsitawanan ang mga hadhadera kong kaklase pati na din yung bruhang si Tiffany. Yumuko naman agad si panget at naglakad sa upuan niya pero syempre, hindi mawawala ang infamous move ko. 

Nang nakalagpas na siya ng onti sa kinauupuan ko, tumayo ako at tinulak siya kaya napasubsob siya sa sahig. "Oops, Sorry not sorry." Ang tagal naman niyang mapikon, nakakairita. Kailangan ko ba munang itulak siya pababa ng hagdan bago siya mabwisit sakin?

Pero magandang ideya yun ha. I-take down ko nga yan. 

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon