"You little fucker?! Hinatid ka niya sa hotel? Fuck you and your charms!" Puta, mura-murahin ba naman daw yung ganda ko? Baka gusto niyang i-grater ko yung mukha niya.
"Yes, hinatid niya ako. Paulit-ulit? Pinabobo ng Pinabobo?" Nasa hotel room ko na ulit ako. Hindi ko na pinapasok si Lance kasi baka kung ano pa ang makita niya at mabuking agad ang plano ko.
"Ano na next move mo?" Natatawang tanong ng gaga.
"Abangan mo nalang." Binabaan ko na siya. Tinawagan ko yung receptionist para magpa-book ng dinner for two. Kinuha ko din yung black dress ko na binili ko pa sa L.A. na never kong ginamit until now. Sinabit ko siya sa bathroom tapos may ginawa akong konting tweaks sa shower para hindi siya mag-work.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Lance. "Hello?"
"Dude, it's Ella." Gago to, di manlang sinave number ko.
"Haha, Hi Ella. What's up?" Yung spada ni Troy, for sure that's up.
"May plans ka na ba for dinner?" Tanong ko.
"Plano ko sana kumain sa MOA, why?"
"Nagpareserve kasi ako ng dinner sa baba. The thing is, walang single reservation. Ang loner ko naman tignan kung kakain ako mag-isa, pwede mo ba akong sabayan?"
Subukan mong i-reject, hahampasin kita ng sampung truck ng basura. "Sure, why not?"
"Thank youuuu! Punta ka nalang sa room ko ha? Byeee." Binaba ko na bago pa siya maka-comment na sa baba nalang kami magkita. Tumawag na din ako para ipaayos yung nasira kong shower.
After 5 minutes, I heard someone knocking on my door. Yung guy na mag-aayos ng shower. Fixing the shower took 40 minutes tapos naligo ako for who-knows-how-long. Tapos as soon as narinig kong may kumatok sa door ko, lumabas na ako ng shower na naka-tapis para pagbuksan siya ng door. "Bro, wait lang ha. Kakatapos ko lang maligo, nagmalfunction yung shower kanina and I had to call someone to fix it pa." Ang conyo ko naman, kadiri.
"Sige, okay lang. I'll wait for you here."
"Hey, my dad taught me manners. Sa loob ka na mag-intay. Sandali nalang naman to." I opened the door completely para makapasok siya, revealing my inappropriate appearance. Nakita kong napalunok siya at umiwas ng tingin. Pinaupo ko siya sa bed ko tapos bumalik ako sa bathroom para isuot yung dress ko.
Next Step, zipper. Lumabas ako ng bathroom wearing my half-zipped dress. "Can you zip this up for me?" Tanong ko sa kanya. Actually, kaya ko naman talagang isara pero para may kalandian effect, siya na magsara. Naiilang na lumapit si Lance pero ginawa niya din naman.
Madami akong natutunan sa pagiging bestfriends with Troy. Nalaman ko na naseseduce ang guys sa mga simpleng bagay katulad nito. Before I met him, akala ko walang malisya to pero meron pala sa kanila. Whores.
Binlowdry ko yung hair ko para hindi naman ako magmukhang haggard. Nakaka-haggard kaya tignan kapag airdry yung hair mo. Para kang nakipag-sabong. "Done na ako, sorry talaga kung natagalan."
Nginitian naman niya ako. "Okay lang, sanay na ako. Ganyan din kabagal yung kapatid ko sa pagkilos." I know. Kuhol yang kapatid mo eh. "Let's go?"
"Yeah, let's go."
***
Nakarating naman kami ng buhay sa dining hall dito. Sobrang siksikan kasi nabalitaan ng press na dito siya nags-stay. Ang dadaldal din kasi ng mga tao eh. May rason ang mga celebrities kung bakit hindi nila sinasabi kung saan silang hotel nags-stay, mga leche. Pati ako napirat.
"Reservation under Raiyella" Isa lang naman ang Raiyella sa mundo kaya imposibleng di nila agad mahanap pangalan ko. Tsch.
"This way ma'am, sir." Pagkaupo namin sa assigned table namin, inabot samin nung babae yung menu. Salamat sa Diyos at hindi malandi itong waitress na napunta samin. Baka hampasin ko pa siya ng takong ko.
"What'cha gonna eat?" Tanong ko sa kanya.
"Steak, miss ko na e. Ikaw?"
"Puttanesca."
"Excuse me?" Ang cute niya magulat, Hahaha.
Fvck, did I just compliment this guy? Ew, Ella. Ew. That is so not classy.
"It's an italian pasta, kalma bro." I assured him. "Spaghetti alla puttanesca."
"Sorry, first time ko marinig yan e." He chuckled.
"It's alright. I find it weird too." I smiled. After namin mag-order, we talked about random stuff kaso biglang nag-ring ang napaka-epal kong cellphone. Punyeta naman oh.
"Wait lang ah." I told him bago ko sagutin phone ko. Nang nakita ko sa caller ID kung sino tumatawag, napakunot ang noo ko. "What?"
"Init agad ng ulo?" Tawa ng gago sa kabilang Linya.
"Ano na naman ba? I'm in the middle of eating dinner with someone. It's kinda rude."
"Sino kasama mo?" Biglang sumeryoso boses niya. Wow, Troy. Wow. Matatakot na ko niyan? Durugin ko pa itlog mo e.
"Wala ka na dun." I violently pressed the end call tapos inoff ko yung phone ko. "Sorry 'bout that."
"Okay lang, Haha. Boyfriend?" Anong katangahan itong ipinamamalas mo sakin ngayon? Kung boyfriend ko yun, bakit kita lalandiin? Bwisit.
"Nope, bestfriend ko-- Clingy bestfriend." Slash bed buddy.
"Maybe he likes you?"
"Asa." Tibok ng Itlog lang ang nararamdaman niya para sakin and that's a fact. Libog lang 'to. "So tell me, you're famous for?"
"Acting, Modelling and Sports." Sagot niya. "Pero on hiatus ako ngayon."
"Why?" Kung si Raiyella ang kausap niya ngayon, I wouldn't be asking why kasi tangina, wala naman akong pakealam sa buhay ng ibang tao.
"Palpak kasi yung huli kong project. Sabi ng Director na hindi ko daw ma-grasp yung emotion kaya ayun, pinalitan niya ako pero he's looking forward parin daw na maka-trabaho ako sa susunod."
"Ano bang project yun at nag-fail ka?"
"Nakakahiya man aminin pero Romance yung Genre." Namula yung pisngi niya sa kahihiyan. "To be honest, I don't believe in love. Lust and Pride lang yan e. Yung iba nakikipag-relasyon lang dahil sa ego nila."
"I agree with you." Love is a lie.
Nag-usap pa kami about things we had in common at nung natapos na, he said something that made me confident about my plan. "I had fun... we should do this again. Keep in touch with me, alright?"
Ang galing ko talaga. Insert hairflip here.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
Romansa"I'm no longer the Protagonist." \\ Babala: Ang kwentong ito ay Rated SPG. Striktong Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror o Droga na hindi angkop sa mga puta. \\