"Oh anong tinitingin niyo?! First time makakita ng maganda? Tahiin ko mga mata niyo eh!" Sigaw ko sa mga taong nakatingin sakin sa airport.
Napatalon sila sa gulat. For sure akala nila mabait ako. Pwe! Kaya ayokong nagmumukhang inosente eh. Asan na ba kasi yung paputang yun? Kanina ko pa inaantay yung eroplano niya. Wag siyang pa-chicser! Tangina niya. "Akala ko ba 12:30 andito na sila?! 2pm na oh, gaano katagal mo pa ako pag-aantayin ha?!" Iritadong tanong ko dun sa ground stewardess.
"Sino ba may sabi sayong mag-antay? Kung nagmamadali ka na, lumipad ka papunta dun at ikaw ang magmaneho ng eroplano. Kabanas!" Sagot niya sakin.
Aba, sumasagot ang hito. "Miss, Durian ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Mukha ba ako Durian? Ha?!"
"Oo, Panget na nga, mabaho pa. Pweh!" Naglakad na ako papalayo sa kanya. Ang baho kasi ng hininga niya. Kadiri. Hindi ba uso mouthwash sa kanila? Inang 'to.
Payong Maganda lang sa inyong lahat: Wag kayong aalis ng bahay ng hindi nagto-toothbrush. Hindi lang kayo ang humihinga sa mundo.
Nang makita ko yung sign na palanding na yung plane galing L.A, sinimulan ko na ang plano ko. Hinila ko yung maleta ko papunta sa kuhaan ng bags. Kapareho ng maleta ni Lance yung akin. Ang laki ng nagastos ko dito ha, kabwisit. Ang hirap maghanap ng kasing pareho eh. Tangina much.
Inabot ko yung maleta dun sa isang staff na halatang halata naman na type ako. Kinembot at hinairflip ko lang yung pagpasok ko dito. Sabi ko isusurprise ko kapatid kong apat na taon ko ng di nakita. Pwede na din pala akong script writer.
Binigay niya sakin yung maleta ni Lance at umalis na ako ng airport. Tapos na ang Step 1, Step 2 naman. Nag-drive ako papunta sa hotel kung saan nag-book si Lance. Honestly hindi ko din alam kung bakit pa siya nag-book when he could stay naman with his family pero advantage naman sakin kaya go lang.
Nag-check-in ako. Binook ko kagabi yung room, buti nalang hindi pa nakukuha yung katabing room. Pagkakuha ko ng key card, umakyat na ako sa room ko. Binuksan ko yung maleta niya at hinanap yung bag tag niya.
If lost, please contact +639XXXXXXXXX or (213) XXX XXXX
Buti naman at matalino siya. Nilagyan niya ng Local number at International number. Akala ko mag-aaksaya pa ako ng load para matawagan siya eh. Dinial ko yung number niya at kahit labag sa loob ko, I patiently waited for him to answer. Kapal din ng mukhang pag-antayin ako eh.
"Hello? Who's this?" Oh my golly, ang manly ng boses niya. Ang landi ko, tangina.
"Um, Hi. You must be, Lance?" Pasimpleng tanong ko.
"Yeah, that's me."
"Kasi... Uh, nakuha ko yung maleta mo by accident." Here I am, acting like the good girl I used to be. Ugh, kadiri much. "I'm really, really sorry. I should've checked first bago ko ginrab."
"No, it's okay. It might've been my fault too. Hindi ko din chineck. Kung hindi mo pa sinabi, hindi ko pa malalaman. I'm driving right now, where should we meet?" Tanong niya.
Sinabi ko sa kanya kung saan kami magme-meet tapos I ended the call. Nag-retouch din ako ng make-up. Well, hindi naman bonggang make-up. Para lang magmukhang sophisticated person.
Nag-taxi nalang ako papunta dun, I'll ride with him nalang pabalik. Step 3 na ng plano ko. This is going better than I thought.
Pagkadating ko sa coffee shop, tinawagan ko yung number niya. "Nandito ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Damn, ang bait ko pakinggan. Kung si Tiffany siguro ang kausap ko baka, 'Hoy puta, asan ka na?' ang pambungad ko.
"Yup, I'm sitting at the very back of the place. I'm wearing a black blazer."
Ako pa talaga ang hahanap sayo? Leche. Kung hindi lang talaga dahil ikaw ang target ko eh. Pumunta ako sa pinaka-dulo at nakita ko siyang umiinom ng kape. Hinila ko yung maleta papalapit sa kanya. "Hi!" I smiled at him.
"Hello." He greeted back after having eye contact with me. Damn, he's hot. No wonder nagka-thing si Tiffany sa kanya. Napatingin siya sa maletang dala-dala ko. "So you're it."
"I guess? Haha, so you're Lance?" Tanong ko. Alam ko napakatanga ng tanong na yan pero kailangan ko magmukhang clueless para ang isipin niya ay hindi ko siya kilala at maging comfortable siya around me. Like, Duh.
"Yup, I'm him." He answered. "Upo ka muna, I ordered coffee for you. Umiinom ka ba ng Latte?"
"Yeah, I'm a huge fan of coffee." LIE. I hate coffee. Sinubukan kong gustuhin ang coffee pero hindi ko talaga kaya. Nandidiri ako sa lasa. "So yeah, eto na yung maleta mo."
"And here's yours."
"I'm Raiyella nga pala, Ella for short." I introduced myself. Sa sobrang unique ng pangalan ko, ewan ko nalang kung makalimutan niya pa yan.
"Raiyella? Do you happen to know Jen?" Tanong niya sakin. Oh fuck, may sinabi kaya yung nerd na yun tungkol sakin? Shit.
"Yeah, why?" Madami namang Jen sa mundo eh pero tangina, isa lang ang Jen na kilala kong kilala niya. Putahamnida! Ipapapatay ko talaga yung siraulong babaeng yun kapag may sinabi siya tungkol sakin.
"So ikaw pala ang bestfriend ng kapatid ko." Nag-lean back siya sa chair tapos nag-cross ng arms. "My sister has a great taste in finding friends. You look like you're a good one."
Ha! That's where you're wrong. Omg, Jen. I so love you na. You're helping me in ruining your life. I'm thankful, super. Hanggang ngayon pala akala parin ng kuya mo na we're BFF.
"So you're the great Lance na lagi niyang nababanggit sakin!" I exclaimed in a cheery voice.
"The one and only." Nag-pogi sign pa siya tapos kumindat sakin. Yuck. Kasuka. "Ayan na coffee mo."
Yung inakala kong perfect na 'tong araw na 'to, hindi pala. Yung stupidang waiter, natapilok at natapon sakin yung mainit na kape. "HOLY SH---AMPOO!" Pigil ko. Tangina! Ang bobo bobo naman ng mga tao dito! Magse-serve nalang, hindi pa magawa ng matino! Puttanesca!
"Sorry po ma'am! Hala, sorry po!" Pinunasan niya yung nabasang part sa dress ko.
"It's okay! Kumalma ka, please!" I said in my ever so angelic voice kahit na gustong-gusto ko na siyang murahin dahil napaso ang balat ko. Ang init kaya nung kapeng yun! Puta ba siya?! "I think I need to go and get a cab na para makabalik sa hotel."
"Saang hotel ka nags-stay?" Tanong ni Lance. "Ihahatid na kita."
"Sa Solaire ako nags-stay. It's okay, Lance. I can manage." Sabi ko. Ihatid mo ko, gago ka. Nang dahil sa kape mo, napaso ako. Ang hapdi, puta!
"What a coincidence, doon din ako naka-check-in. Ihahatid na kita, I insist."
Tatanggi pa ba ako? Tsch.

BINABASA MO ANG
The Antagonist
Romance"I'm no longer the Protagonist." \\ Babala: Ang kwentong ito ay Rated SPG. Striktong Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror o Droga na hindi angkop sa mga puta. \\