Mamimiss ko yung short hair ko. Taeng make-over naman kasi eh. Kailangan kong pakawalan yung Kontrabida image ko for a while. Hanggang makuha ko lang naman si Lance. Bumili ako ng Extensions para humaba hair ko at pina-alis ko yung naka-bleach na part.
Kinikilabutan ako sa reflection ko. Punyeta, kamukha ko na naman yung 'ako' nung panahong inaalipin pa ako ng mga tao. Pero maganda parin naman ako kaya keri lang. "Ang chicks naman ng bestfriend ko!" Ay putanginang hayup!
"Gago! Wag ka ngang pasulpot sulpot! Nakakatakot na nga yung mukha mo tapos manggugulat ka pa. Ibato kita sa Gabi ng Lagim eh!" Sigaw ko sa kanya.
"Wag naman, baka imbis na layuan yun ng mga babae baka dagsain pa nila. Tsk, maawa ka naman sa nagfafacilitate." Kapal din ng mukha.
"Dami mong alam, Puta. Bakit ka ba nandito?!"
"Ayun, nabalitaan kong may business trip si tito. Dito ako matutulog ng ilang araw."
Ang kalibugan ng gagong 'to. Legal na bestfriend ko si Troy kay Daddy kaya kilala siya sa bahay. Gusto nga ni Daddy yan eh. Mabait daw. Ulol. Di niya lang alam na sa tuwing wala siya, may nagaganap na milagro sa kwarto ko.
"Saksak mo sa baga mo kalibugan mo. Busy ako." Kailangan kong pagplanuhan ng mabuti kung paano kami magkikita ni Lance. Dapat tumatak sa isipan niya yung first meeting namin na yun. Kahit na naging so-called 'bestfriend' ko noon yung panget, hindi ko pa nameet in person si Lance.
"Tss. Gusto lang kitang makatabing matulog. Wala tayong gagawin, Gago."
"ULOL. Ikaw? Walang gagawin? Sa Kwarto? Sa Kama? Kasama ako? Isang malaking kapunyaterahan yan." Manyak na gago.
"Ouch Best, You is hurts me." Humawak siya sa dibdib niya at nag-aktong nasasaktan.
Di ko na siya pinansin at umakyat na ako sa room ko. Bahala siyang magdrama diyan sa sala. Wala akong pake. Kapag namatay siya sa sakit sa puso diyan... Tangina wag siyang mamamatay sa sala namin. Puta. Kapag namatay siya sa sofa namin, kakaladkarin ko pabalik ang kaluluwa niya para hilahin yung katawan niya palabas ng bahay ko.
Tinawagan ko si Tiffany pagkapasok ko ng kwarto. Ang bagal sumagot ng gaga. "Hello?"
"Tangina, pinag-intay mo ako ng dalawang ring! Gago ka ba?" Reklamo ko.
"Arte mo ha! Buti nga sinagot ko pa eh hindi ka naman kagandahan para kausapin ko. Punyeta. Ano ba kailangan mong hayop ka?"
"Maka-hayop, excuse me pero di mo ko kalahi. Punyatera ka masyado. Asan na yung hinihingi kong impormasyon?" Pagdedemanda ko.
"Ay wow, ano 'ko? Sexytary mo? Leche. Nasa Gmail mo na, usong tignan. Kabobo ka naman eh." Sagot niya.
"Manahimik ka, hindi nagsasalita ang mga hayop. Baka gusto mong ipa-exterminate kitang hinayupak ka?" Scinroll ko sa email ko at hinanap yung email niya. "Puta, asan?!"
"Sinend ko na yun, leche naman eh! Tignan mo sa spam!" Sigaw niya.
"Kita ko na. Kawawa ka naman, pambasura yung beauty mo. Bye." Binaba ko na yung tawag at binasa yung contents ng file na sinend niya sakin. LANCE.dox pa talaga filename.
Sige, pwede ng palakpakan yung gawa niya dahil halos lahat ng impormasyon nakuha niya. Kaso hindi manlang sinummarize ng gaga. Punyeta, 20 pages. Ano 'to? Nobela? Kagago.
Ito nalang uunahin ko:
"I believe that it's no coincidence when two people meet. There's always a reason why two people meet. I also happen to believe in fate, destiny and love at first sight." --Lance, Elle Magazine
BINABASA MO ANG
The Antagonist
Romance"I'm no longer the Protagonist." \\ Babala: Ang kwentong ito ay Rated SPG. Striktong Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror o Droga na hindi angkop sa mga puta. \\