Habang naglalakad ako pabalik ng classroom, nahagilap ng kontrabida radar ko si Jen. Malakas kaya ang sensors ko pagdating sa mga panget. Nakita ko siyang may kausap sa phone at tumatawa tawa.
At sino ang nagbigay sa kanya ng karapatan na maging masaya?! Tangina, hindi pwede 'to. Nakakatapak ng pride. Meron akong unbreakable vow na ginawa na gagawin kong miserable ang buhay niya tapos tatawa-tawa lang siya? Eh kung paliguan ko kaya siya ng Muriatic acid?!
"Hoy impakta, sinong nagbigay sayo ng karapatang tumawa sa kaharian ko?" Tanong ko sa kanya. Sino ba yang kausap niya? Bago niyang lalaki? Pwede ko kayang landiin?
"Sige na, Kuya... Uh, kailangan ko ng umalis. Bye." Binaba niya yung tawag at nagmadaling umalis sa harapan ko.
Anong klaseng kapunyetahan yon?! Tinatanong ko kung sino ang nagbigay sa kanya ng karapatan tapos nag-walk out? Anong kabobohan yon? Hindi walkout ang sagot sa tanong, bwisit.
"Ang panget mo na nga, nakakunot pa noo mo. Yung totoo? Sasali ka ba sa Ms. Kapangitan 2014? Nako, kahit di mo na papangitin ang sarili mo tiyak winner ka!" Pang-iinsulto ni Tiff.
"Iyong-iyo na yang titulo mo, wala akong balak agawin yan sayo." Bakit ba napakapanira ng araw yang Jen na yan, ha? Pwede naman kasing mamatay na siya right here, right now para walang nakakastress sa buhay ko eh.
"Like putangina mo, Girl. Yung hinayupak na panget na naman ba ang pinoproblema mo?"
"Sino pa ba? Yung pan de putang babae lang naman na yun ang tanging punyatera sa buhay ko eh." Umupo ako sa upuan ko. Malamang, saan mo 'ko gustong umupo? Sa Lamesa? Bobo lang? Kabwisit.
"Akala ko ba ikaw yung kontrabida sa buhay niya? Bakit para siya yung kontrabida sa buhay mo?" Napaka-supportive ng gagang 'to. Sunugin ko kaya Gucci bags niya?
"Boba ka ba? Sa tingin mo ba hindi naiirita sa bida yung mga naggagandahang kontrabida sa mga pelikula? Di sila santa-santita katulad ng mga punyaterang bida noh." Kaimbyerna. Ang kabobohan din ng babaeng 'to eh.
"Gaga, wag mo nga sakin ilabas galit mo." Kapal ng mukha neto na taasan ako ng kilay. Akala mo naman bagay sa kanya.
"Ang ingay mo, Puta. Tatapalan ko ng Duct Tape yang bunganga mo eh." Reklamo ko. Paano ko ba papahirapan ang buhay ng babaeng yon? Kailangan kong gumawa ng matinong plano kasi tangina, di ko kakayanin na makita siyang masaya.
Nakakasawa naman kasi kung boyfriend lang niya yung aagawin ko sa kanya. Madali lang maka-move on sa boyfriend noh kaya kailangan kong maghanap ng pwede pa niyang iyakan.
Yung kausap niya kanina sa phone na katawanan niya... si Lance! If I get Lance on my side, magiging masakit yun sa part niya. Ho, Ho, Ho. Santa just gave me an early christmas present. "Tiff, kilala mo si Lance, right? Yung model na brother ni Nerd?"
"Yeah, what about him?"
"Alam mo ba kung nakauwi na siya sa Pilipinas?" Nasa L.A kasi yung brother niya.
"Nope pero based sa fansite niya, he's coming home tomorrow." After i-explain ni Tiff sakin yun, biglang nanlaki mata niya. "Siya ang next target mo?"
"Ay, Bobo. Akala ko pa naman na-realize mo na yun pala may kadugtong na tanong pa." Napa-facepalm ako sa sobrang pagkainis. "Yes, he's my next target."
"Ulol. Papatulan ka ba nun eh diba inaapi-api mo nga kapatid niya?" Tanong ni Tiffany sakin.
"Sa tingin mo ba sasabihin ni Nerd sa Kuya niya na inaapi-api ko siya? Pssh. Umaasa parin yung gagang yun na babalik yung dati niyang bestfriend noh. Deep inside, she still cares for me." Dakilang bida nga siya diba?
"Bravo, Ella!" Palakpak ni Tiffany. "Paki-picturan yung reaction niya when her brother introduces you as his girlfriend."
"Kapal ng mukhang utusan ako. Excuse me pero sating dalawa, ikaw ang mas mukhang muchacha." Irap ko sa kanya sabay punta sa parking lot. Tangina, hot na nga ako tapos ang hot pa sa labas. Pero ayos na din, nang magka-heat stroke yung mga punyaterang estudyante dito.
Umuwi na ako sa Mansyones ng aking Ama. "Ella, welcome home." Yakap sakin ni Daddy.
Nginitian ko siya. "Thank you po, Daddy. Uhh Dad, pwede po ba akong mag-shopping ngayon?" Tanong ko sa kanya. Yuck, yung mabait ko na namang tone ang gamit ko.
Aba, kailangan kong magpakabait sa magulang ko. Paano nalang kapag nagka-kaso ako, diba? Kailangan ko ng magdedepensa sakin. Para sa korte may palusot na "Hindi yan kayang gawin ng anak ko. Ni-hindi nga niya kayang manakit ng langgam!"
"Of course! Anything for my girl. Daddy neesd to go na ha? May flight pa ako." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo bago siya umalis.
Okay! Pwede daw mag-shopping. Magugulat nalang si Dad, 100k na bill niya. It's time for a massive makeover. Operation: Get the Protagonist's Brother.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
Romance"I'm no longer the Protagonist." \\ Babala: Ang kwentong ito ay Rated SPG. Striktong Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror o Droga na hindi angkop sa mga puta. \\