Sa nga magalit man sa aking mga pinaggagagawa sa previous chapter...hehe go lang po.
I guess kilala nyo naman kung sino ang naaksidente, diba?
Anyways, I will dedicate this chapter for MrGorgeos at kay AndreiKent14.
And I will specially dedicate this chapter for abirthstone na supporter ko rin. Thank you ha!
Yun lang! :)
"I din't wanna miss you like this. Come back...be here."
NIKE'S POV:
"Oy! Tulala ka nanaman! Halika na! Maggagabi na rin oh!" Tapik sa akin ng pinsan kong si Gray. Kasama nya ngayon si Ysrel.
Andito kasi kami ngayon sa condo ko. Inimbitahan ko kasi silang pumunta dito para naman may madamayan ako kahit saglit lang.
Balak ko rin sanang puntahan sya mamaya. Na araw araw ko namang ginagawa.
"Ah oo! Pasensya na ha! Sige tara na." Tumayo na ako sa pagkakaupo. Hindi ko na napansin na kinakausap na pala ako nila Gray.
Simula kasi ng mangyari ang aksidenteng iyon, andaming nagbago sa akin.
Palagi na akong tulala, sinisisi palagi ang sarili at hindi na nakakakain ng maayos.
"Ganyanna ba talaga kalaki ang epekto nya sa yo, Nike? Eh sa mag iisang linggo pa lang kayong magkakilala ah?" Rinig ko namang sambut ni Ysrel.
Humarap muna ako sa kanila bago ko ito sinagot.
"Oo. Ganito talaga ang nagiging epekto sa akin kung may nangyayaring masama sa kanya. At alam kong alam nyo rin yung pakiramdam na yun. Hindi ko sya kayang mawala. Hinding hindi. Ngayon lang ako nagmahal nang ganito at kahit sa kaunting panahon na magkakilala kami ay nahulog na ang loob ko sa kanya. He's like a light bulb and I'm the moth that keeps going at him. Kaya sana naman maintindihan nyo ako." Mahabang litanya ko sa kanilang dalawa. Alam kong nagulat sila dahil hindi pa rin nila ako naririnig magsalita ng mga ganung bagay simula ng makilala nila ako. Eh wala eh. Ganyan na ang epekto nya sa akin. Nagiging cheesy na ako dahil sa kanya.
Nakita ko namang napangiti ang dalawang tao sa harap ko at nagsalita. "Oh sya. Halika na at sigurado akong kanina mo pa sya gustong gustong makita. Iba ka na talaga, bro! Lakas tama!" At humalakhak naman ang dalawa.
Mahirap talaga kapag may kasama kang baliw sa bahay.
Nagtataka ba kayo kung bakit nila alam? Eh sa malamang kinwento ko.
Simula ng malaman ni Gray na naaksidente ang isa nilang worker ay nagmadali syang tawagan ako dahil isa lang din naman ako sa pinakaclose niya eh. (Although di ako sure. Hahaha.) Kaya ayon. Nakita nila akong umiiyak sa hospital.
Flashback:
Sh!t
Hindi ko aaakalaing ganito ang kakahinatnan ng lahat ng masasamang panaginip ko at masasamang senyales at pakiramdam na nararamdaman ko.
Sana ako na lang. Sana ako na lang ang nasa kalagayan nya ngayon. Sana ako na lang ang nagdurusa. Hindi sya.
Hindi ko nanaman napigilang umiyak. Hanggat naaalala ko ang mga nangyari kanina ay hindi ko talaga mapigilanang pagbuhos ng luha ko.
Hindi ko matanggap. Na wala man lang akong nagawa para mailigtas sya. Ang tanga ko! Ang tanga tanga kong tao! Napakawalang kwenta ko!
Please Konan! Wag kang mamatay, nagmamakaawa ako! Hindi pwedeng hanggang dito ka na lang. Lumaban ka please! Kahit para sa sarili mo na lang. Alam kong napakarami mong pangarap na dapat tuparin. At pangako kong kapag gumaling kana, isa ako sa tutulong upang makamit ang mga plano mo. Kaya please, lumaban ka!
BINABASA MO ANG
When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. II
HumorHIGHEST RANK ATTAINED: #1 IN BOYXGAY, OCTOBER 16, 2018 #8 IN HUMOR, JANUARY 22, 2017 The 2nd Book of the "When" Series =========== (Jeon Jungkook) Si Nike Lester Montemayor. Isang lalaking walang patutunguhan sa buhay. Babaero, mabisyo, mahil...