Yehey update ulit! Hehehe! Marami rami na akong naaupdate ah, gaya ng sabi ko, para naman makabawi ako sa halos tatlong linggo kong hindi naguupdate. Kung ako rin ang reader, syempre nakakawalang gana kaya hehe. So yun.
Dedicated nga pala itong chapter kay DjayJon at kay gholsky dahil sa support nila huehue.
Enjoy reading guys!
"I know nothing at all."
NIKE'S POV:
Ohoyyy!!
Matagal tagal na akong walang POV ah! Sama talaga ni author haha! Dejoke lang. Alam ko namang kay Baks sya palaging nakafocus eh.
Yung Baks talagang yun! Ang kulit lang! Hahaha para syang bata talaga as in! Yung parang grade 4 na iniwan ng magulang! Arghhh kaya ako naiinlove sa kanya eh.
Say, Malupit ba ako? Ha? Hehehe syempre ganun talaga kapag pogi! Dapat direct to the point. Galawang breezy kumbaga.
Nung sinabi ko sa kanyang boyfriend na nya ako, diba hindi naman sya umangal? Kaya ayun, kami na nga. Pero meron syang one condition. Ligawan ko daw sya kahit kami na.
As if naman dun! Alam ko namang mahal rin ako nun eh! Matagal na rin, ayaw nya lang atang aminin sa akin dati.
So ayun nga ginawa ko, linigawan ko sya talaga at hindi ko hinayaang walang araw na hindi ko sya pinapakilig sa aking surpresa.
Minsan breakfast in bed, minsan naman talagang sinosorpresa ko sya ng flowers galing sa work. Ayun, gustong gusto nya naman. Peybort nya talaga ng red tulips. Kaya yun ang nireregalo ko sa kanya.
Ang sarap kasing pagmasdan sya na nakangiti at tumatawa. Nakakainlove lalo.
Minsan ako talaga yung kinikilig sa kanya eh. Kapag naaksidenteng nasasabihan nya ako ng I love you. Hindi nya kasi sinasabi sa akin nang harapan yun kasi daw nahihiya sya.
Kaya minsan kinikiss nya na lang ako, pero smack lang. Pero kahit ganun ay kilig na kilig na ako dun. Syempre ikaw kaya halikan ng taong mahal mo.
Minsan nga, napagkakamalan talagang kapatid ko sya o kaibigan eh kasi sa height nya. Ang cute kaya. Sarap kurutin!
Kaya ganun na lang talaga ang takot ko kapag nawala sya. Hindi ko na ata kayang mawalay sya. Hindi ko kaya. Parang mamatay na ako kapag nangyari yun. Sabihin nyo nang OA pero ganun lang talaga ang mararamdaman nyo kapag ang taong mahal na mahal nyo ay mawalay sa inyo.
Alam na rin ng mga katrabaho ko sa karelasyon ko. At boto naman sila. Lalong lalo na si Thaddeus. Speaking of, ewan ko ba. Parang may something din ata sa lalaking yun, parang may lablayp din ata. Wew. Wala namang sinasabi sa akin kaya hindi ko na kinulit. Pasalamat nga ako at ganun eh akala ko tututol sila.
Mahigit dalawang linggo na nga kaming mag-on. At nung isang araw ay nagpakilala na nga kami sa mga kaibigan nya at pati na rin sa kanyang mga namayapang magulang.
Hiniling namin na sana ay basabasan ng mga ito ang aming relasyon. At sinabi ko rin na hinding hindi ko sasaktan si Konan kahit anong mangyari. Syempre, takot ko lang sa mga magulang nya no! Baka multuhin nila ako kapag nagkaganun!
Andito nga kami sa condo unit nya at sinundo ko sya at ngayon na kami pupunta kila mommy dahil pinapapunta kami ng mga ito sa bahay at gusto daw nilang makilala kung sino ang nakapagbago sa akin at nakapagpatibok ng aking puso.
Buti nga at hindi sila tumutol at full support pa sila nung sinabi kong hindi babae si Konan, kundi lalake. Rather, a gay.
Nakakatuwa nga at sabi sa akin ni mommy na gustong gusto nya raw talagang magkaroon ng anak na bakla. Pinangarap nga daw niya ako dati na maging bakla eh. At buti na lang ay hindi nagkatotoo. Masaya raw kasi kapag may kaibigang bakla.
![](https://img.wattpad.com/cover/73561004-288-k64913.jpg)
BINABASA MO ANG
When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. II
HumorHIGHEST RANK ATTAINED: #1 IN BOYXGAY, OCTOBER 16, 2018 #8 IN HUMOR, JANUARY 22, 2017 The 2nd Book of the "When" Series =========== (Jeon Jungkook) Si Nike Lester Montemayor. Isang lalaking walang patutunguhan sa buhay. Babaero, mabisyo, mahil...