WASMAG 11: Hotness Overload

7.5K 192 56
                                    

Hay salamat at nakapag update rin ako for a month. Tinapos ko pa kasi yung Naruto Shippuden series!! Kaway kaway! Pasensya na at ganto talaga ang mga Otaku! Hahaha

Anyways, dedicated itong chapter na to kay @jcrdyo at kay @ sa pagsuporta sa stories ko!

"I think I'd have a heart attack."

KONAN'S POV:

"Hoy!!! Wag mo nga akong pakialaman!! Kita mong nagluluto aki dito eh!" Sigaw nitong ugok na nagngangalang Nike.

"Taena! Wag ka nga dyan! Para nasagi lang eh. Atsaka ikaw nga ang nanggugulo eh. Kita mo ring nagluluto ako dito!" Bawi naman nung isang ugok rin na si Ford.

"Oh? Mas mabuti pang lumayo ka sa akin at baka masahog ko yang mata mo dito sa linuluto ko!" Sabi ni Nike saka humugot ng kutsilyo at tinapat kay Ford.

"Eh kung gusto mo ring gawin kong sinigang yang walang laman mong ulo!? Ha!?" Humugot rin si Ford ng kutsilyo at nagtutukan silang dalawa.

Hay naku!! Kahit kailan talaga itong dalawang ito! Para silang langis at tubig na hinding hindi mapagsasama.

Minabuti ko nang tumayo at inawat ang dalawa bago pa magkaroon ng crime scene sa bahay ko. Mahirap nang mafeature sa SOCO.

Pero bago yun ay kinuha ko muna ang malaking gunting sa ilalim ng kama ko. Alam nyo yung malaking gunting na pinangpuputol ng damo? Basta yun!

Pagkakuha ko ay lumapit na ako sa kanila na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa isa't- isa. Pinatay ko ang ilaw sa sala at naiwan na lamang na nakabukas ang ilaw na nasa tapat nila, ang ilaw sa kusina.

Nakaisip kasi ako ng evil plan! Bwahahaha!!! Para matigil na itong dalawa.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Inaangat ang malaking gunting saka pinatunog. Yung parang nanggugupit talaga pero dahan dahan.

Napansin naman nila ito at dahil nga madilim sa lugar ko ay inaninag muna nila ang aking kinaroroonan.

"Konan? Andyan ka ba?" Tanong ni Ford. Binitawan naman nito si Nike at sinubukang lumapit sa akin ngunit nagsalita rin si Nike.

"Liit? Liit!? Ba't ang dilim dyan?" Ani nito na aktong lalapit rin.

Ngunit bago pa man sila makalapit ay inunahan ko na sila.

Pinatunog ko ulit ang gunting bago nagsalita. "Titigil ba kayo oh hindi?" Malumanay na tanong ko sa kanila.

Parang nabigla naman ang dalawa at parang biglang hindi mapakali

"A-ahh, K-konan? I-ikaw ba yan?" Mautal utal na tanong ni Ford.

"Hindi nyo sinagot ang tanong ko. Ang sabi ko, Ititigil nyo yan o HINDI!!!!!??" pasigaw ko naman sa kanila.

"A-ano bang sinasabi mo Liit? H-hindi magandang biro ito. Ahehe." Parang nilalamig naman na sabi ni Nike.

"Tath's it. Now, prepare to DIE!!!" Sabi ko at tuluyan nang lumabas sa dilim na hawak pa rin ang nakabukang gunting.

"AHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!" Sigaw nung dalawa at napatakip pa ang mga ito sa kanilang dalawang mata.

Ilang segundo rin ang nakalipas at narinig nila akong humahagalpak sa tawa na halos hindi na makahinga.

"HAHAHAHAHAHA!!!!" hindi ko mapigilang tawa dahil sa reaksyon nila. Ang epic kasi.

"Grabe ka naman Konan! Magkakaheart attack ata ako sayo eh! Whew!!" Sigh of relief ni Ford.

"Haaayyyy, tinakot mo kami dun ah!" Sabi naman ni Nike.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang tawa ko. Alam ko kasing ang dalawang ito ay takot sa multo or any ghostly creatures. Matagal ko nang alam na may takot nga sa ganun si Ford since matagal tagal na nga rin kaming magkasama.

When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon