Paano kung unexpectedly, napalayas ka sa apartment na tinitirahan mo? To make things worse, wala ka pang ibang kakilalang pwede mong tuluyan. Yung bestfriend mo, nakatira lang sa boarding house at kapag minamalas ka nga talaga, puno na sila roon. Ang mga magulang mo, nasa ibang bansa para magtrabaho. Ang iba mong mga kamag-anak, nasa probinsya at kung meron mang nasa Metro Manila, hindi mo naman kasundo. Yung iba mong mga kaibigan, gustuhin mang tulungan ka, hindi ka naman mapatira sa bahay nila dahil magulo na sa kanila.
Ano ang gagawin mo?
A. Magmakaawa sa landlady mo na i-extend ang pag-stay mo sa apartment kahit for one more week kasi wala ka pa talagang pera?
B. Gumawa ng tent at magpaliwanag sa kalsada?
C. Magsimula ng alay-lakad hanggang sa makauwi sa probinsya?
D. Tumira nang palihim sa school niyo? (Or pwede rin namang may consent ni manong guard.)
E. Lumapit sa nag-iisang taong alam mong posibleng makatulong sa 'yo a.k.a. ang ex mo? (Kahit na awkward.)
Lord, help me!
BINABASA MO ANG
Moving Into My Ex's House
General FictionGeorgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living together, how big is the chance that their old flame will be rekindled? *** After being thrown out...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte