Option B & C
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakaramdam na ako ng pagod. Napaisip tuloy ako kung susundin ko na ba ang sinabi ng landlady ko—este ex-landlady ko—na sa kalsada na lang ako magpaliwanag. Pero obvious naman na hindi ko pwedeng gawin 'yon. Kahit na prepared ako dahil may dala akong camping tent, sobrang diyahe lang kung dito na ako sa kalsada titira. Kapag kinausap ko naman 'yong kalsada, baka mapagkamalan pa akong baliw o kaya naman ay manakawan pa ako bigla. Aba, halos wala na nga akong gamit tapos mananakawan pa ako? Sobrang OA na talaga ng kamalasan ko kapag ganoon pa ang nangyari!
"Ugh. Kung kailan naman kasi kailangan, doon pa nawala. Pera, saan ba kita mahahanap?" tanong ko sa sarili ko. Alam ko namang wala dapat sumagot noon kasi rhetorical question lang naman ang sinabi ko pero takte bakit biglang may sumagot sa tabi ko?
"Gusto mo ba ng pera?" tanong ng isang lalaki sa akin na hindi ko man lang namalayan ang pagtabi sa kinatatayuan ko.
Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa—este mula ulo hanggang paa—at masasabi kong mukha siyang hindi gumagawa ng kahit na anong matino. Hindi naman sa judgmental ako pero parang gano'n na nga. Kasi naman, sa tono ng pananalita niya, halatang may kung anong modus na ginagawa 'to, e! Utang na loob! Bakit ba kasi dito ako dinala ng mga paa ko?
"H-ha? Hindi," pautal kong sagot sa kanya.
"Madali lang naman 'yong gagawin mo. Hindi ka man lang pagpapawisan pero instant money agad. Ano, game ka?"
"Nako, laro pala 'to! Wala pa nga 'yong rules pero nagtatanong ka na agad kung game na ako? Madaya ka, kuya! Mauna na nga ako sa 'yo! Diyan ka na! Dadalawin ko pa yung mga kamag-anak ko sa ospital," pagpapalusot ko sa kanya tapos pinulot ko na isa-isa ang mga gamit ko.
"Huy, teka lan,g miss. Saglit lang naman 'tong gagawin mo. Wala pang isang oras pero malaki agad ang kikitain mo. Ayaw mo ba talagang subukan?" pagpupumilit ni kuya habang tinitingnan ako nang malagkit. Pucha. Bakit ba ayaw niyang tumigil?
"Ayaw ko nga sabi!"
"Sige na, miss. Sigurado ako, maraming magkakagusto sa 'yo. Hindi naman mahirap 'yong ipapagawa sa 'yo, e."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni kuya at pilit na iniwasan ang mga mata niya. Pakiramdam ko kasi, may pagka-budol budol 'to. Kapag nagkatitigan kaming dalawa, bigla akong mahi-hypnotize. Dahil doon, hinigpitan ko ang hawak ko sa mga bag ko at naglakad na ako nang mabilis papalayo sa kuya na 'yon. Hindi na rin ako lumingon para tingnan kung may naiwan pa ba akong gamit. Masyadong nakakatakot ang itsura niya at malakas ang pakiramdam kong mambubugaw lang siya o kaya naman ay gumagawa ng kung anong milagro.
Ang kailangan ko ngayon ay lugar na matitirahan at hindi trabahong katulad noon. Mahal ko pa naman ang sarili ko at ang buhay ko. Hinding-hindi ako bababa sa ganoong level!
Saka utang na loob! Kahit magpustahan pa kaming dalawa, wala namang magkaka-interes sa isang katulad ko. Isa nga lang ang pumatol sa akin noon, e. Joke time lang talaga 'tong si kuya. Kung sino-sino lang ang pinapatos. Wala man lang matinong screening, gano'n?
"Langya. Hindi na talaga ligtas dito sa kalsada. Ang daming pwedeng mangyari tapos ang daming masasama ang loob. Kung maglalakad ako pauwi ng probinsya, baka ten years na ang nakalipas pero hindi pa rin ako nakararating doon. Ang layo-layo kaya ng Dapitan! Baka kailanganin ko pang lumangoy 'pag nagkataon tapos lalong hindi pa ako makaka-graduate kapag pinilit kong umuwi. Aish! Bakit ba ka ang malas malas ko?!" sabi ko sa sarili ko out of frustration.
Dahil napapagod na rin ako sa paglalakad, naupo muna ako sa may waiting shed. Nag-iisip pa lang sana ako kung sino ang pwede kong lapitan nang biglang may pumasok na bright idea sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Moving Into My Ex's House
General FictionGeorgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living together, how big is the chance that their old flame will be rekindled? *** After being thrown out...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte