Option E
Kakain na sana ulit ako ng tinapay na binili ko nang biglang nag-ring ang phone ko. Ayaw ko mang sagutin 'yong tawag dahil mas gusto kong kagatan 'yong tinapay, tiningnan ko na lang din kung sino ba ang tumatawag sa akin. Pagtingin ko sa screen, siya pala 'yong tumatawag. Sa sobrang pagkataranta ko, muntik ko nang maibato yung cellphone ko. Buti na lang talaga at hindi ko ginawa 'yon kasi kung naibato ko 'yong cellphone ko, siyempre masisira 'yon. At hindi lang ang cellphone ko ang masisira—pati na rin ang kinabukasan ko kasi wala na lalo akong matitirahan.
Bago ko sagutin ang tawag niya, huminga muna ako nang malalim kahit na alam kong wala rin naman 'yong use. Sobra-sobra pa rin talaga kasi ang kabang nararamdaman ko dahil sa kalokohang naisip ko.
"Hello?" sabi ko nang mahina.
"Bakit ka tumawag?" tanong niya sa akin at walang mababakas na enthusiasm sa boses niya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng matitirahan, bababaan ko na ng phone 'to, e.
Sa tingin ba niya gusto ko pang marinig ang boses niya o kaya ay makausap siya? Wala lang akong choice. Siya na lang ang natitirangang option o kaya naman ay siya na lang talaga ang naiisip kong pwedeng maging option sa ngayon. Langya naman kasi, e. Bakit ba ang malas malas-malas ko?!
"H-ha? W-wala. Na-wrong press lang siguro ako?" sagot ko kahit na obvious na hindi rin ako sure sa sinasabi ko. I could already imagine his face right now. Napapailing na siguro siya dahil sa kalokohang sinasabi ko. Halata namang nagsisinungaling ako ngayon and for sure, alam na rin niya 'yon.
I was half-expecting him na pipilitin niya akong magsabi ng totoo. He was like that before. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako umaamin. Kaya noong sinabi niyang ibababa na niya ang call, nilunok ko na ang pride ko at napagdesisyunan kong sabihih na ang totoo.
"Teka lang, wait! Ito na," sabi ko sabay hinga nang malalim. Hindi ko sigurado kung anong magiging resulta nito but here goes nothing. "Pwede bang manghingi ng favor?"
"So tinawagan at inisitorbo mo ako para lang manghingi ng pabor?" tanong niya ulit sa akin. Napatahimik ako dahil doon at para bang gusto ko na lang ulit i-end 'yong call. Kung hindi ko lang naman talaga kailangan ng tulong, hindi ko siya tatawagan, e.
Napasimangot ako dahil sa mga bagay na pumapasok sa utak ko. Hindi ko na rin talaga kasi alam ang dapat kong gawin at sabihin. Para bang bawat salita na bibitiwan ko, hinahatak ako nang hinahatak papunta sa ilalim ng lupa. Kaunting-kaunti na lang yata at maaabot ko na ang six feet below the ground. Hindi pa nga ako namamatay, nasa ilalim na ako dahil sa sobrang kahihiyan.
"Hoy! Ano na nga 'yon?"
"Ay anak ka ng kalabaw!" Napatigil ako sa pagdadrama at muntik na akong mahulog mula sa kinauupuan ko noong narinig ko ulit ang boses niya.
Nataranta? Siguro. Ewan ko. Baka sadyang praning na ako o kaya naman ay wala na ako sa sarili kaya ako nagkakaganito.
"Umayos ka nga! Sabihin mo na kung ano 'yang kailangan mo. Ang bagal bagal mo naman, e," sabi niya sa akin kaya medyo nairita na ako.
Alam ko naman na wala ako sa posisyon para mairita kasi ako na nga 'tong nanghihingi ng pabor pero nakakainis talaga 'yong ugali niya, e! Hindi naman madali 'tong ginagawa ko. Ang hirap kayang kumuha ng buwelo!
"PWEDEBANGMAKITIRASABAHAYMO?NAPALAYASAKONGLANDLADYKOE," sabi ko nang dire-diretso. Dahil naiirita na nga ako sa kanya, ibinigay ko sa kanya ang hinihiling niya. Madali naman talaga akong kausap, e. Kapag sinabing bilisan, binibilisan ko. Ayaw niya nang mabagal? E 'di fine. Bahala na siyang umintindi sa sinabi ko!
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa kabilang linya at bigla kong na-imagine ang pag-iling niya. I know for a fact na ayaw na ayaw niya kapag ginagawa ko ang mga ganitong bagay. Pakiramdam niya kasi, sobrang childish ko kapag ginagawa ko 'yon. Pero he left me with no choice naman 'di ba?
BINABASA MO ANG
Moving Into My Ex's House
General FictionGeorgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living together, how big is the chance that their old flame will be rekindled? *** After being thrown out...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte