"Wake up feel the air that I'm breathing
I can't explain this feeling that I'm feeling
I won't go another day without you, without you
Hold on, I promise it gets brighter
When it rains I'll hold you even tighter
I won't go another day without—""Hoy, Georgina! Lumabas ka diyan! Buksan mo 'tong pinto!" Napahinto bigla ang pagkanta ko dahil sa sigaw ng isang taong ayaw na ayaw kong makita o makausap. Buong akala ko, tatahimik na ang buhay ko nang ilang araw o kaya naman linggo pero takte, mali pala ako. Bakit ba nandito na agad 'tong taong 'to?
Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama ko at nilakasan ko lalo ang tugtog na nanggagaling sa radyo ng cellphone ko. Sinong matinong tao nga naman ba ang mas pipiliin pang makipagtalo sa isang walang puso at talak nang talak na landlady kaysa humilata sa kama at magpanggap na walang ibang tao sa mundo? Siyempre, kung matinong tao ka, mas pipiliin mong humilata. That was my choice pero dahil kinalaban ng landlady ko ang lakas ng tugtog na nagmumula sa radyo ng cellphone ko, wala na akong choice kung hindi sumabak sa giyerang alam kong sa simula pa lang, talo na ako.
"Georgina! Sinabi nang lumabas ka diyan, e! Kailangan ko pa bang tumawag ng taga-baranggay hall para lang lumabas ka diyan? Aba't mahiya ka naman! Ilang buwan ka nang hindi nagbabayad ng renta mo!" sigaw ulit ng landlady ko.
Siguro, kung hindi lang ako lalong mapapahamak, matagal ko nang binusalan 'to. Nakakarindi na rin talaga kasi 'yong pagratatat ng bunganga niya. Daig pa ang machine gun sa pagputak.
"Ma'am, chill lang po! Ito na. Bubuksan ko na 'yong pinto. Ngiti-ngiti rin para iwas wrinkles!" sigaw ko pabalik sa kanya. Alam ko, ang kapal ng mukha ko para lokohin pa siya nang ganoon pero wala naman na akong choice. Kung sasabak na rin lang ako sa giyera, mas mabuting pagandahin ko muna 'yong mood ng kalaban ko.
"Ay talaga? Ganoon ba 'yon?" tanong niya sa akin kaya halos mapa-tumbling na ako dahil sa tuwa. Effective pa rin pala ang mga kalokohang pinagsasasabi ko.
"Teka, sira ulo kang babae ka! 'Wag mong ibahin ang usapan! Buksan mo 'tong pinto!" sigaw niya ulit with matching palo sa pinto. Noong panahong iyon, ramdam na ramdam ko na ang pagka-inis niya sa akin. Dahil wala na rin naman akong magawa, huminga na lang ako nang malalim at binuksan ko na ang pinto.
Georgina, brace yourself. This is World War Two Point Five.
***
Option A
"Ate Lorna, sige naman na po. Kahit pa-extend na lang talaga ng one week! Promise, maghahanap po ako ng pagkakakitaan para po makapagbayad na ako. Walang-wala lang po talaga ako ngayon kasi ang daming gastusin sa school, e. Alam niyo namang graduating na ako ngayong sem 'di ba? Sagad na sagad na po talaga ang bulsa at wallet ko sa dami ng bayarin. Idagdag niyo pa pong hindi pa nakapagpapadala ng pera yung mga magulang ko. Na-delay na naman yung sweldo nila kaya sige na naman po! Maawa na kayo sa akin! Last na talaga 'to, promise!" pagmamakaawa ko kay Ate Lorna kahit na hindi niya ako pinapansin.
Ipinagpapatuloy pa rin niya ang pagbubunganga niya para lumayas ako sa apartment ora mismo dahil kung hindi, ipaba-baranggay na niya ako. Ganito ba talaga kalupit ang mga landlady para lang makapagpalayas ng mga tenant na hindi agad nakapagbabayad ng renta? Bakit sabi naman ng mga kaibigan ko, hindi ganito ang mga landlady nila? Hindi ko tuloy malaman kung sadyang ayaw lang sa akin ng landlady ko, e. Napapaisip na rin ako kung sobra-sobra na ba talaga ang utang ko sa kanya kaya hindi na ako aware na mas mahal na pala sa buhay ko ang halaga ng rentang hindi ko pa nababayaran.
Anak ng pating. Bakit ba kasi parang nakalunok ng machine gun at megaphone 'tong landlady ko? Ang malas malas malas malas ko lang talaga!
"Che! Anong one week? Ilang linggo mo na kayang sinasabi 'yan! Hindi mo na ako maloloko, Georgina. Itigil mo na 'yang mga alibi mo at sa kalsada ka na magpaliwanag!" marahas niyang sagot sa akin habang pinipilit niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa may binti niya.
BINABASA MO ANG
Moving Into My Ex's House
General FictionGeorgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living together, how big is the chance that their old flame will be rekindled? *** After being thrown out...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte