Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 5

559K 11.8K 2.8K
                                    

Nang maka-recover na ako sa pagka-windang ko dahil sa pagkaka-discover ko sa mahiwagang pinto and all of the house rules that he has stated (Yes, may house rules pa kami. Daig pa niya si Big Brother kung maka-house rules. Akala mo naman may gagawin akong hindi maganda.), I decided to rest na lang muna. Nakakapagod din palang makipagtalo sa ex ko. Kahit na pagbali-baligtarin ang mundo, ex ko pa rin siya and I know for a fact na makikipagtalo at makikipagtalo siya sa akin just to prove that his point is correct. Fine. E 'di siya na ang kumukuha ng Political Science at gusto pang mag-take ng Law. Pssh.

Nang magising ako, tiningnan ko agad ang orasan. Nasanay na rin kasi ako na tinitingnan agad ang orasan the moment I wake up. It gives me time to think things through kasi para alam ko rin kung paano ko iba-budget ang oras ko. Kaso pagkatingin ko sa orasan ngayon, nagulat ako kasi malapit na palang mag-six ng gabi. Napasarap yata masyado ang tulog ko. Pakiramdam ko tuloy, ang dami kong nasayang na oras.

Nag-strech lang ako saglit and I fixed my hair in a messy bun. After that, bumangon na ako mula sa kama at nagsimula na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Inilagay ko na sa mga cabinet 'yong mga damit ko tapos ipinatong ko na sa mesa yung laptop at mga picture frames ko. Nang natapos na ako sa pag-aayos, binuksan ko na ang laptop ko para makapagsimula na rin sana ako sa thesis revisions ko. Isasaksak ko na sana 'yong broadband stick ko sa laptop nang may napansin ako bigla.

"Ay shet! May WiFi!" sabi ko sa sarili ko at agad kong sinubukan na maka-connect sa WiFi dito sa bahay. Kaso nang lumipas ang ilang segundo, biglang may lumabas na window. Ang sabi: Type the network security key.

"Anak ng pating. Ang damot lang." Na-frustrate ako dahil kailangan pa ng password ng WiFi dito. Pero alam ko namang wala ring patutunguhan 'tong frustration ko kaya napagdesisyunan kong gamitin na lang 'yong broadband ko. Kaso parang may problema. Ang lakas naman ng signal pero hindi ako maka-connect.

"Holy guacamole! Bakit ngayon pa? Kung kailan kailangan ko pang tapusin 'yong research ko para sa thesis, saka pa ako nawalan ng load! Aish! Ang malas-malas ko lang talaga!" sigaw ko for two reasons.

Una, totoo naman talaga kasi na kailangan kong tapusin 'yong research ko para sa thesis. Kapag hindi ko kasi natapos 'to ngayon, baka hindi na ako maka-graduate. Deadline na rin kasi ng thesis revisions namin bukas. Pangalawa, gusto ko lang sanang magparinig kay Dwight. Baka kasi hindi ko pa nasasagad ang kabaitan niya. Who knows? Baka bigla pa niyang ibigay sa akin 'yong password ng WiFi. There's nothing wrong in trying naman 'di ba?

Trying is one thing but assuming is another. Masyado yata akong nag-assume na ibibigay agad sa akin ni Dwight 'yong password ng WiFi. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa rin nagre-react si Dwight sa naging pagsigaw ko. Hindi ko tuloy malaman kung narinig niya ba talaga ang pagpaparinig ko o nagpapanggap lang siyang hindi niya ako narinig. Dahil na-curious na rin ako sa kung ano ba talaga ang totoo, I decided to check kung nasa loob ba siya ng kwarto niya. Might as well use the mahiwagang pinto for once and for all.

"Dwight, nandiyan ka ba? Papasok ako, ah?" sabi ko habang kumakatok sa pintuan. Ang weird lang na kumakatok pa ako sa pintong 'to pero whatever. Ginawa ko na lang din. Baka sabihin niya ang manyak ko pa dahil pumasok na lang ako bigla sa kwarto niya gamit 'yong pinto na 'to. Saka kailangan ko na talaga siyang makausap.

Dahil hindi pa rin sumasagot si Dwight despite the fact na ilang beses na akong kumatok, pinihit ko na 'yong doorknob. Sumilip muna ako nang kaunti to check kung nandoon ba sa loob ng kwarto si Dwight pero hindi ko siya makita. Bilang isa akong makulit at curious na nilalang, pumasok na ako nang tuluyan sa kwarto niya at nagulat ako sa nakita ko.

Sobrang linis at sobrang organized lang ng mga gamit! Parang hindi lalaki ang may-ari. I'm not generalizing pero hindi talaga ito ang ine-expect ko sa kwarto niya, e. Pero teka, nasaan na ba kasi 'yong lalaking 'yon? Kung kailan ko kailangan, saka pa nawala!

Moving Into My Ex's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon