ACT 26: Mga Guhit Ng Alaala
Nagmamadaling tinapik ni Blanca si Ella sa balikat habang lumalabas sila ng silid-aralan. "Ella, may sasabihin ako."
Napakunot ang noo ni Ella. "Ano na naman iyan? Mukha kang balisa."
Hinila siya ni Blanca papunta sa isang sulok ng pasilyo, malayo sa pandinig ng iba. "Ella... nakatanggap ako ng liham sa locker ko."
Napanganga si Ella. "Liham? Kanino galing?"
Mabilis na sinilip ni Blanca ang paligid bago bumulong. "Kay Jayden daw."
Halos sumabog sa kilig si Ella. "Oh my God! Crush mo si Jayden?!"
"Shhh! Huwag kang maingay!" sinaway ni Blanca, nanlalaki ang mga mata. "Baka marinig tayo."
Nagpigil ng tawa si Ella, ngunit nangingislap ang kanyang mga mata. "Seryoso ka? Ano ang sabi sa liham?"
"Pinapapunta niya ako sa rooftop pagkatapos ng klase," sabi ni Blanca, sabay abot ng liham kay Ella.
Binasa ito ni Ella at ngumiti. "Mukhang totoo ito. Pero sigurado ka bang siya talaga ang nagsulat?"
Nag-alangan si Blanca. "Hindi ko alam... Sa totoo lang, parang hindi naman siya ang tipo na gagawa ng ganito."
"Kung gusto mo," suhestiyon ni Ella, "ako na lang ang pumunta sa rooftop para makasiguro tayo."
Nag-isip sandali si Blanca, tapos tumango. "Sige, mas mabuti nga.
Ikaw na para makatiyak tayo. Susunod na lang ako mamaya. Huwag kang magpapahuli, ha!" sagot ni Blanca, na halatang kinakabahan ngunit nagpapanggap na kalmado."Teka nga pala, nasaan si Paka?" napahinto si Ella sa paglakad sa hagdan. Alam kasi ni Ella na nakatira si Paka sa bahay ni Blanca.
"Hindi ko pa nakikita si Paka mula pa kaninang umaga. Baka nagsisiyasat tungkol sa mga kalaban."
"Baka nga..." ani Ella. "O, papa'no ako na ang pupunta sa rooftop," sabi ni Ella habang naglalakad patungo sa hagdan.
"Sige, ingat ka a," sabi ni Blanca.
---
Nasa rooftop na si Ella, hawak ang relo na ginagamit nila bilang komunikasyon.
"Lagpas na ng kalahating oras... wala pa rin si Jayden," bulong niya, sabay buntong-hininga. "Parang naloko yata ako a,"
Bigla siyang napatigil nang may marinig siyang boses mula sa likuran. "Hindi ikaw ang inaasahan kong makikita dito, binibini."
Paglingon niya, nakita niya ang isang lalaking may asul na baluti. Ang mukha nito ay walang bakas ng kabutihan, at ang tinig ay puno ng yabang.
"S-Sino ka?" tanong ni Ella, pilit na hindi nagpapahalata ng takot. Hindi siya makakilos. Hindi niya magagawang makapagpalit nang anyo bilang prinsesang mandirigma.
"Ako si Orpheus. Ang pinakamatalino sa mga Magical Dark Knights ng Black Empire. Ang naatasang maghanap sa mga prinsesang mandirigma para sila ay paslangin. " wika nito. "At ngayon, aalamin ko kung ikaw ba'y prinsesang mandirigma."
Nagpakawala si Orpheus ng star-shaped energy, mabilis na tumama sa lupa malapit kay Ella. Napasigaw si Ella, ngunit bago siya tamaan ng susunod na atake, napahinto na ito ng mga limpak-limpak na mga snowballs.
"S-Sinong pakialamera?" inis na nilingon ni Orpheus ang pinagmulan ng atake.
"Tumigil ka, Magical Dark Knight! Hindi ko hahayaan na saktan mo siya! "Isang magandang babae ang lumitaw, hawak ang sibat na kumikislap sa liwanag. "Ako ang magandang prinsesang tagapagtanggol ng kapayapaan at karunungan. Ako si Princess Snow White. Umatras ka na at magsisi sa iyong ginawa."
![](https://img.wattpad.com/cover/8442548-288-k800380.jpg)
BINABASA MO ANG
WARRIOR PRINCESS CINDERELLA
AdventureShe is Eleonor Everwoods, better known as Ella to her friends. Fifteen years old and a Grade Nine student at Fablecrest Academy. She was an ordinary girl-kind and funny. Just like the real Cinderella in the fairy tale, she was also a Damsel in Dist...