Prologo

42 1 4
                                    

Inilapag ko ang natitirang box sa lamesa at muling tinignan ang buong apartment na aking bagong tutuluyan.

Maliit ito kumpara sa nakasanayan kong tirhan. Ni hindi pa ata ito umabot ng aking silid dati at halos kasing laki lang ito ng aking banyo noon. Pero kahit na maliit na espasyo lang ito, kumpleto na ang mga pangunahing lugar ng isang tirahan. May living room na katapat ay kusina at dining room. At isang pinto kung nasaan ang bedroom at bathroom. Maliit man ito pero tama na ito sa pang-isang tao.

Napatulala ako saglit nang maalala ang mga pangyayari bago ako napunta sa ganitong sitwasyon. Wala na akong magagawa kundi sumabay sa agos ng buhay at tanggapin ang lahat ng ito. Napabuntong hininga ako bago sinimulan ang pagaayos.

Kung tutuusin wala naman akong masyadong aayusin dahil mga damit at gamit na mahahalaga lang ang nasa akin. The rest, naiwan sa mansyon at sa bagong may-ari nito.

Oo, nakitira ako sa mansyon.. dati.. kung saan masaya pa kaming nabubuhay ng mga magulang ko. Nawala lang ang lahat sa amin ng magsimulang magkasakit si Mama at napabayaan ni Papa ang mga negosyo na kung saan inaahas na pala nang aking mga kamag-anak. Sariling pamilya't dugo, naisipan pang traydurin. Mga walang konsensya.

Nang maayos ko na ang pagpapatas ng damit sa cabinet, sunod ko namang inayos ang mga mahahalagang bagay na naiwan sa akin ng aking mga magulang. Na kung nagkataon na ako'y magipit, isasangla ko ito pero agad ring kukunin once na bumalik ang pera.

Hay, parang noon lang wala akong ibang iniisip kundi ang magwaldas lang ng pera sa pamamagitan ng night out gimmicks, outing and shopping.

Wala talagang bagay na permanente sa mundo. Lahat mawawala sayo, pero lahat ng mawawala ay hindi tuluyang mawawala. May handa itong kapalit na darating o babalik sayo. Matuto ka lang mag-intay.

Nang ibabalik ko sa kahon ang jewelry box, may nakita akong salamin sa loob nito. Hinawakan ko ito at napatulala sa kulay bughaw na mga dyamanteng nakapalibot dito. Napakunot noo ako ng maalalang wala akong nilagay na ganito sa aking mga gamit.

Sinuri ko ito sa pamamagitan ng paghaplos sa mga kumikintab na mga dyamante. Tinignan ko din ang likod nito kung may makikita ba akong clue man lang kung kanino man ito. Nang wala akong makita iniharap ko muli ito sa akin at tinignan ang sarili sa salamin.

"Kanino ka kaya? Siguro ibebenta na lang kita sa mga panahon na ako'y magigipit noh? Hmmm?"

Pinagmasdan ko muli ang sariling repleksyon ng mahagip ng aking mata ang maliliit na letra sa mismong baba nito na napapagitnaan ng dalawang malalaking kurba ng dyamante.

La unya chaos.

"La unya chaos? Ano namang salita--" Naputol ang aking pagsasalita ng makitang umilaw ito ng pagkakaliwanag. Nabitawan ko ito at gulat na napalayo.

Tinanggal ko ang pagkakaharang ng aking braso nang makita ang kulay asul na bilog na animo'y isang portal sa ibang dimensyon. Holy chestnut! Mukhang isang portal nga! Ganitong ganito ang itsura ng mga portal na napapanuod kong fantasy sa pelikula! Nagtatalon-talon ako sa tuwa at sa pagka-excited makapasok dito. Pero napatigil din ng maalala na baka isang panaginip lang ang lahat ng ito. Na pagkagising ko babalik na ako sa mansyon at isang malaking joke lang ang lahat ng ito.

Sinampal ko ang sarili at napangiwi nang napalakas ito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot pero kalaunan ay napangiti din ng mapagtantong hindi ito isang panaginip! Shetz! Totoo ito! Totoo ang lahat ng ito!

Lumapit ako dito at susubukan sanang hawakan ito kung tatagos ba mula dito ang aking kamay dahil ang transparent nitong tignan. Pero bago ko pa masubukan ang iniisip ko, hinigop ako ng portal at nagpaikot ikot sa loob na animo'y isang dumi na ini-flush sa toilet.

The Thirteenth BearerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon