Ikaapat

22 0 1
                                    


Nakatulala akong nakatingin sa asul na karagatan. Hindi inalintala ang aking buhok na hinahangin at ang mga taong naggigitgitan para makalabas ng barko.

May naririnig pa akong nagrereklamo pero hindi ko na yun binigyang pansin. Maya-maya ay may bumangga na siyang nakapagpadapa sa akin.

Walang emosyon akong tumingin sa nakalahad nitong kamay. Tinitigan ko saglit ang mukha niya at hindi pinansin ang tulong nito. Tumayo ako mag-isa at pinagpag ang aking likod na nadumihan.

"Priscilla?"

Gulat akong napatingin dito at nagtatakang tinignan ang kabuoang mukha niya.

Maaliwalas ang tabas ng gupit nang itim nitong buhok na bumagay sa kahabaang leeg nito. Kung sa Earth, ang tawag dito ay Army's Cut. May makakapal na kilay na nagdagdag sa kanyang kalalakihan. Itim din ang mga mata nito, may mapupula at maninipis na labi. Kayumangging kulay na may matipunong tindig.

Pinagmasdan ko ang kabuoan nito at tila inaalala kung saan ko ito nakita. Pamilyar ang mukha niya... pero hindi ko maalala ang pangalan.

"Hindi mo ba ako naaalala?" Nakangiti ito at tila nasisiyahan sa pinapakita ko. Napataas ang kilay ko dito at naninkit ang aking mga mata.

Napailing lang ito bago muli akong pagmasdan at ngitian. "May tatlong bibe akong nakita, mapayat, maitim mga bibe.."

Nanlaki ang mata ko dito at unti-unting napangiti. "Alter! Ikaw ba yan?!" Sigaw ko dito.

Tumango-tango ito habang tumatawa. "Grabe ka Pres, kinalimutan mo na agad ako."

Sinalubong ko ito ng yakap at tili na ikinatingin ng ibang tao. Napatawa lang muli ito bago din ako gantihan ng yakap.

Nang humiwalay ako dito ay nakakunot noo ko itong tinignan. "Pa..papaanong? Anong ginagawa mo dito? Panaginip lang ba ang lahat ng ito?" Sunod-sunod kong tanong.

Napailing ito at ngumiti bago kumalas ng yakap. "Sasagutin ko ang mga tanong mo pagkababa natin sa barkong ito. Mukhang tayo na lang ang hindi pa bumababa."

Napatango naman ako dito at sabay kaming bumaba. Ngayon nandito kami sa isang cafè. Ewan ko kung cafè nga ba ang tawag dito.

"Cafè din ang tawag nila dito." Nakangiting saad nito. Tila narinig nito ang tanong sa aking utak. Nang makaupo kami ay nagpatuloy ito.

"Halos parehas lang din ang mundong Erafor sa ating mundo noon, ang Earth." Napatigil lang ito magsalita ng may lumapit na waiter at tinanong kung ano ang aming order.

Nang matapos ay bumaling muli ito sa akin at ngumiti. "Ang pagkakaiba lang ay mayroong mahika ang mundong ito na wala sa mundo natin noon."

May itatanong sana ako nang sumeryoso ang kanyang mukha. "Kaya sabihin mo sa akin Priscilla. Paano ka nakapunta sa mundong ito? Sa mundong may mahika? Sa mundo ng Erafor?"

Nanatili akong nakatingin dito nang walang bahid ng emosyon. Inaaalisa ko muna kung sasabihin ko ba ang totoo sa kanya o hindi. Tumagal ang ilang segundo ng hindi ako sumasagot. Nakatingin parin ito sa akin na at naghihintay ng sagot.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Dala ng kuryosidad kaya ako nandito ngayon." Yumuko ako para itago ang gagawin kong kasinungalian.

"Kalilipat ko lang noon sa bagong apartment ko. At habang naglalakad sa eskinita pabalik. May nakita akong isang tao na nagchachant ng spell."

"Akala ko nababaliw lang o nantritrip. Pero nang may lumabas na kakaibang lagusan doon na ako napatigil sa kaiisip." Dugtong ko dito. Totoong nangyari ito, pero hindi sa eskinita at matapos makalipat ng apartment. Kundi sa loob ng kwarto ni Yaya Siling. May hawak ito na salamin na napagtanto kong ito ring nagdala sa akin dito. Nangyari ito noong bata pa ako. Kagigising ko pa lang nun para sana humingi ng makakakain ng nakita ko ito kaya akala ko isa sa mga panaginip ko lang pero totoo pala.

The Thirteenth BearerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon