Ikalima

16 0 0
                                    

Dee's Note

Hi! Please take time to read. I just want to clarify some things about my last and some updates. So here it goes:

1. Lord Ophicious and other Zodiac Signs' Name do belong to the 13 Celestial KNIGHTS. It was warrior before, but there will be flaws if I won't change it.

2. Please don't be confused between Erafor and Horqos (the name of their world). I'm the one who's been confused for so long not until I read it again and so that mistake was mine. Sorry! ERAFOR is the name of their so called world. Let's forget about Horqos, like how he forgot about you. Chos! Hehehe

Well that's all! Thank you for supporting this book despite being a silent reader but still you read it hehe. So here it goes! Enjoy!

Sinusumpa ko na talaga lahat ang lahat ng mga tao dito! Ugh! Akala ko pa naman makakatakas na ako sa mundo ng masusungit na ito pero hindi pa pala! Pinabalik muli si Alt sa City of Hakulu or AKA City of Masusungit at Walang Utang na Loob.

Haaaayz, I need fresh air. Sumenyas naman ako kay Alt na lalabas muna ako saglit at tumango lang ito bilang tugon. Kasulukuyan kasing kausap nito ang Mayor ng City of Masusungit at Walang Utang na Loob.

Bilib na talaga ako sa katatagan ng pasensya ni Alt dito kasi kanina pa niya ito kausap kahit na mukhang walang masyadong interes itong kausapin siya. Kung ako sa kanya, nabigwasan ko na yan ng sakin tumuon ang atensyon.

Lumabas muna ako dito sa "party kuno" daw ng Mayor dahil birthday ng kanyang anak na dalaga. Sus, if I know nagyayabangan lang yan ng mga ari-arian nila. Duh! I'm not talking rubbish! Totoo yun dahil ayan ang kanina pang mga bukang bibig ng mga bwisita dito. Kung gaano daw kaganda ang damit nila, hikaw, kwintas, pulseras, panti, brief, napkin, dilaw na ngipin, kulangot at kung ano-ano pa.

Nakakabanas lang na kailangan pa nilang ipaglandakan yun! So ayun, andito na nga ako sa labas at lumalanghap ng sariwang hangin.

Gabi na at mahamog pa pero wala akong pakielam basta makalayo lang ako sa mga impakto sa loob.

Nandito lang ako sa balcony at nakatanaw sa mga ilaw sa baba at mga puno. Nakakatuwa kasing tignan, tila mga alitaptap ang mga ilaw sa mga naglalakihang puno.

Naisipan kong bumaba at aliwin ang sarili sa pag-iikot dito sa garden nila. May maze din naman dito na halos dalawang ako ang taas. Madali lang naman ako nakapunta sa gitna kasi bukod sa kaunting pasikot-sikot lang dito, iisa way lang naman ang dadaanan ko. So ginawa lang ito para siguro iharang ang napakagandang gazebo na napakaloob dito.

Maganda ito kahit hindi na kailangan ng ilaw dahil napapaligiran ito ng mga alitaptap na nagrereflect sa gold frame nito.

Uupo na sana ako ng mahimigan kong may dalawang nagsisigawan habang naglalakad papasok dito. Nagpalinga-linga ako para makahanap ng pwedeng pagtaguan.

Ayun! Nagtago ako sa likod ng mga fences na rosas. Madilim naman dito at hindi agad ako makikita. Pwera na lang kung lumapit sila.

"Hindi mo dapat yun ginawa Helion! Hindi kana dapat nagpakita pa kay Ezra! Alam mo nama--"

"Shut it out Hara!" Napatigil sila sa sigawan. Tila hinihingal at naghahabulan ang kanilang hininga. Hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil nakatalikod ako sa kanila. Nagiingat na hindi makita.

"H..hindi mo alam kung gaano kahirap na hindi siya makita Hara.. Hindi mo alam kung gaano ko siya gustong makita at ipaalala na ako ang minsang minahal niya!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Thirteenth BearerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon