Tatlo't kalahating oras na ata ako naglalakad pero hindi ko parin ramdam ang pagod sa aking katawan. Kung dati hindi ko kayang lumakad ng ganitong katagal, ngayon nakakaya ko na sa tulong ng sagradong bato.
Naging sensitibo din ako sa paligid. O sa english, 'My senses are enhanced and sensitive.'
Taray! Ganito pala ang epekto ng bato noh? Hayp na hayp lang. Pero buti nalang hindi ako nakabra at panty lang tulad ni Darna. Baka mapagkamalan pang likod ang harap ko. Haaaayxzz hashtag dede problems
At ito pa, konting galaw o tunog nararamdaman ko. Kaya naiintindihan ko na si Bella ng maging bampira siya. Nakakatuwa at the same time nakakairita dahil kahit na ayaw mong mapansin ang isang bagay ay pilit mo paring mapapansin.
Tulad na lang ng pagpatak ng tubig. Pagpagaspas ng mga pakpak ng ibon. Mga kwentuhan ng puno. Ang chika ng chismosa niyong kapitbahay. Ang pagpatak ng tulo mong sipon. At kahit nga mga nagsasalitang langgam nadidinig ko na rin.
Teka nagsasalita ba ang langgam? Ay ewan.
Sa tatlong oras ng paglalakad, syempre hindi mawawala ang food trip dyan. Kung dati nakakaya kong hindi kumain ng ilang araw, ngayon ay sa tingin ko kakainin ako ng sarili kong tiyan sa galit na hindi siya lagyan ng laman ng ilang minuto lang. Teka, hiningal ako dun hehe. Ang atat niya diba? Hindi makaintay at makaramdam.
Kaya eto, habang naglalakad may nguya-nguya akong mansanas. Nagbaon pa ako ng ilan sa bag na dala ko.
Oo, may bag akong dala. Binigay sa akin kanina ni Reya bago ako lumarga.
Taray nga ng tatak eh. "JOHNSUPOT"
Oo ulit, yan talaga ang tatak haha. Hindi ko na mapigilan ang mapabunghalit ng tawa ng ibigay niya ito sa akin kanina. Kung hindi lang ako inubo at naubusan ng hininga hindi talaga ako titigil hahaha.
Kada tinatanong ako ni Reya kung bakit ako tumatawa hindi ko ito matuloy tuloy dahil kada sisimulan kong sabihin ang rason ay nauuna parin ang tawa.
Kaya imbis na masabi ko ang rason, siya na lang ang nagsabi ng dahilan. Yung bag na ito ay ginamitan niya ng mahika. At kung paano niya ginawa ay inayon niya ito sa kanyang imahinasyon.
Naalala niya daw ng minsanang sumilip siya sa kalagayan ko, ay nakita niya daw itong bag na gamit gamit ko.
At ang natatandaan niya nga ay ayun, si Johnsupot daw ang tatak. Kaya hindi ko ulit napigilan ang humalakhak at napatigil lang ng sinimulan na akong kabagin.
Kung matatanong niyo kung anong nanyari pagkatapos nang pag-iisa namin ng bato, si Reya ay bumalik na sa lugar ng mga tulad niyang kaluluwa.
Pero bago siya bumalik may mga habilin din siyang binigay sa akin. Na simula ngayon hindi na Priscilla Lira ang pangalan ko kundi Amaranthine. Tutal iisa na kami ng sagradong bato kaya mas minabuti na iyon na lang ang ipapakalala ko sa sarili ko.
Sinabi din niya na hindi lang ako ang nagpalit ng pangalan. Pati rin ang ibang bearers. Dahil simula ng pinili sila ng 13 Celestial Knights kaakibat nito ang malaking responsibilidad. Na kahit ang dati mong pinagmulan ay kailangan talikuran.
Grabe noh? Ang bigat naman nun. At ang sakit sa part ng pamilya nila yun syempre. Buti na lang ako, walang masyadong nag-aalala para sakin. Wala na rin naman akong mga magulang at puro traydor lang namang mga kamag-anak.
Nakakainis talaga tuwing maalala ko ang mga yun. Maghintay lang sila pag nakabalik ako, who you sila sakin. Papakainin ko sila ng maraming bato ng maglungad at gamitin ang superpowers ko.
Pero wag na pala hehe, baka magalit at iwanan ako ng Amaranth. Sabi pa naman ni Reya kanina, 'To use on good and only for good.'
Hanapin ko din daw ang City of Din, doon daw naglalagi ang mga ibang bearers. Kaya eto nga sinisimulan ko nang maglakbay mag-isa papunta dun.

BINABASA MO ANG
The Thirteenth Bearer
Viễn tưởngPaano napabago ng isang pagkakamali ang buong buhay mo? Na ang dating kinagisnan mong mundo ay hindi pala ang tahanan mo? Na ang isang pagkakamaling ito ang naging ugat nang lahat? "To do good.. and only for good.."