Ikatatlo

18 0 2
                                    

"Goodmorning sunshine!" Sigaw ko tsaka nagunat-unat at bumaba sa kama. Napatingin ako sa mansanas na nakapatong sa katabi kong table at kinuha ito.

"Good morning Apple!" Ningitian ko ito bago kagatan.

Nagpasya akong lumabas dahil ayon kay kumareng bintana nakangiti daw ngayon si kumapareng haring araw. Sa kanya na lang ako babati ng goodmorning dahil kung sa mga tao pa dito sa barko ay maimbyerna pa ako. Umagang-umaga pa naman.

Nang makalabas ako sa silid, ay agad akong dumiretso sa labas at nakitang ako pa lang ang tao. Sinuswerte ka nga naman. Si kumpareng araw ang unang makikita ko, hindi agad ako mabwibwisit.

"Good morning pare!" Saktong kalalabas lang nito na nagbibigay liwanag na sa kaninang madilim na langit.

Nakadipa ang aking kamay habang nakatungtong ang paa sa railings. Sinasamyo ko ang sariwang hangin at hinayaan na hawiin nito ang aking buhok. Napapikit pa nga ako eh tapos tsaka ko sinabayan ng malaconcert kong boses na Titanic.

Napatigil lang ako nang may tumikhim na boses sa aking likuran.

"Anooo ba yaan! May natutulog pa oh!" Ani ng isang lalaki na may makapal na hood at balabal sa katawan. Natatakpan nito ang noo at kung saan pahapyaw na makikita ang matang nakapikit. Kinakamot-kamot pa nito ang ilong dahil sa inis.

Napairap at napaismid naman ako dito. Bilang pang-aasar pinagpatuloy ko ang pagkanta habang naglalakad papasok muli sa aking silid.

Ramdam ko naman ang matatalim nitong mata at naisip ang nakasimangot nitong mukha. Napangisi ako at mas lalong nilakasan ang aking boses.

Napapikit ako habang naghuhum ng incy wincy spider. Nakaunan ang aking ulo sa aking mga braso. Medyo kagigising ko lang at nakita kong madilim na sa labas, marahil ay hapunan na.

Nakatulugan ko na pala ang tanghalian. Ayos lang naman dahil nabusog ako kaninang umagahan. Birthday daw kasi ng kapitan ng barko kaya libre ang mga pagkain kanina sa hall.

Aba himala nga eh! Ang bait ng kapitan ha infairness! Hmm.. Baka naman hindi siya nanggaling sa lugar ng mga poot na kalooban diba?

Oo nga, maari. Dahil ganyan naman diba kapag crew ng barko? Kung saan-saaan napapadpad.

Ay ewan, basta nakakain ako nang marami! Ayos na yun hehe. Matutulog na lang ulit ako dahil sobrang busog pa ako sa dami kong nakain kanina. Nakatingin na nga sakin ang mga tao sa loob ng hall marahil nagtataka kung bakit nakaya kong kainin ang halos kalahati ng handa ng kapitan na nakalaan sa halos isang daan na tao ng barko. Hindi ko na lang sila pinansin at patuloy na kinargahan ang empty stomach ko hehe.

Malapit na sana akong makatulog nang makarinig ako ng kalabugan at sigawan sa labas. Napamulat at napatayo ako sa higaan para makichismis.

Inayos ko muna ang bangs ko bago nagpasyang lumabas. Nadatnan ko ang mga nakakunot-noo din na mga chismoso.

May tumatakbong lalaki na mukhang crew nitong barko ang lumapit sa amin.

"May mga alagad ni Zebell ang umaaligid sa deck ng barko. Inaanyahan po namin kayong huminahon at manatili sa loob ng inyong silid. Sa mga high class mage and warriors kung maari po ay sumama kayo sa amin."

May mga nagmadaling pumasok sa kanilang mga silid at may mga ilan na sumama sa kaninang humahangos na lalaki.

Napalabi ako habang nakatanaw sa papalayong pigura nila. Gusto kong sumama sa kanila at tumulong pero mas minabuti ko na lang na hindi sumama dahil kabilin-bilinan ni Reya, wag daw akong lalapit sa gulo. Lalo na't hindi pa akong kaalam-alam. Na ni kahit suntok o sipa ay hindi ko magawa.

Kaya mas minabuti ko na lang pumasok sa loob at manatili rito. Matapos ang ilang oras ay tila humupa na ang kaguluhan sa labas. Tumunog din ang intercom nang buong barko at dito nga pina-alam ng kapitan na maayos na ang kalagayan nang lahat at hindi na kailangan pang mag-alala.

Nakahinga naman ako nang maluwag at minabuting matulog nang muli ng may naulian akong mga boses sa labas ng pinto ko.

Tumayo ako at dinikit ang tenga sa pinto. "Ang alam ko nandoon siya ngayon sa infirmary at kasulukuyang ginagamot."

"Ganoon ba? Maayos na ang kalagayan?"

"Hindi pa nasasabi dahil pinaalis lahat ng tao doon maliban sa healer na naiwan at ang bise kapitan."

"Balita ko, nakagat daw ito."

"Kung ganoon, katapusan na niya. Lalo na't high class demos ang kumagat sa kanya. Walang makakatalo sa kamandag ng ahas na demonyo."

"Oo nga, kung ganoon magiging isang demonyo na rin siya."

Napakunot ang noo ko habang dahan-dahang tumayo. "High class demon? Magiging isang demonyo?" Napatingin ako sa pinto at hindi nagdalawang-isip na buksan ito.

Pagkalabas ko ay nawala na ang dalawang tao na nadinig kong naguusap kanina. Mabilis kong nahanap ang sinasabi nilang infirmary dahil nadidinig ko ang mga daing nito at may nararamdaman din akong kakaibang aura sa loob. Dumating nga ito sa punto na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa kilabot.

Nang maramdaman kong may lalabas ay nagtago ako sa gilid ng hagdanan na kalapit lang nito. Madilim din sa gilid nito kaya hindi ako masyadong makikita.

"Kung ganoon ay wala na tayong magagawa kundi ang tapusin siya. Baka tayo pa ang mapahamak kung patatagalin pa natin ito."

"Masusunod Lord Garnet. Kayo na lang po ba ang gagawa o kami na lang ang tatapos sa kanya?"

Habang abala sila sa paguusap ay dahan-dahan akong pumasok ng silid. Hindi nila ako nakikita dahil medyo nasa malayo sila at mukhang seryoso ang kanilang pinaguusapan.

Pagkapasok ko ay nakita ko ang nakahigang lalaki sa kama. Nakatali ito at impit na umuungol at kumakawala sa kanyang estado. May mga itim na ugat ang makikita sa leeg at mga braso nito. At ang kanyang mga mata ay unting-unti na rin nagiging itim.

Naawa ako sa kalagayan nito dahil makikita mo ang ilang takas na luha sa kanyang mata. Naging biktima din siya at hindi niya ginusto na mangyari ito sa kanya. Kahit puro itim lang makikita sa mga mata nito ay nararamdaman ko ang lungkot at hinagpis nito sa kanyang sinapit.

Lumapit ako dito na siyang nakakuha ng atensyon niya. Tumingin ito sa akin at pilit na inaabot ang aking braso.

"Tu..tulungan mo ako... A..ayaw ko pa..pang mama..tay.."

Naaawang nakatingin ako dito. Kinuha ko ang kamay nito at hinawakan. "Pasensya kana pero wala akong kapangyarihan na maaring makapag-pagaling sa iyo. Isa lang akong---"

Natigil ang pagsasalita ko nang umilaw ang aking kamay na nakahawak sa braso niya. Tinangal ko ang kamay ko sa gulat pero parang kusa itong pinalalapit sa may bandang tiyan ng lalaki.

Hindi ko na namalayan ang sarili ko na tinaas ang suot nitong damit at eto nga nakatapat ang kamay ko sa kagat nito sa bandang tiyan.

Umiilaw parin ang mga palad ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa lalaking nakapikit at pilit na iniinda ang sakit at sa mga kamay ko na naglalabas ng puting liwanag.

Dinampian ng hawak ng hintuturo ko ang sugat na dulot ng ahas ng demonyo sa kanya. Umilaw ang sugat nito na napapaligiran ng puting apoy. Napamangha ako sa kakaibang itsura nito at sinundan ang tingin ang dating mga itim na ugat ay nawawala na dala ng puting apoy na nilikha ko.

Nang dumako ang tingin ko sa lalaki na kaninang may itim na mata, ngayon ay nakangiti ito at bumalik na sa normal. "Sa..salamat." Nakapikit na ito at may mumunting ngiti ang nakapaskil sa kanyang mukha. Dulot ng saya at kaginhawaan at napakapayapa na nitong tignan.

Napangiti na rin ako dito at unti-unting tumayo para umalis. Saktong paglabas ko tapos na mag-usap ang dalawang lalaki kaya nagmadali ako paalis patungo sa aking silid.

Nang makapasok ako sa loob ay hinihingal akong sumandal sa pinto. Maya-maya ay napatingin ako sa aking kamay.

"Anong ibig sabihin nun?"

The Thirteenth BearerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon