Ika-una

24 0 1
                                    

Nadismaya ako sa aking nakita. Akala ko pa naman sa isang dimensyon ako napunta pero pagmulat nang aking mata ay itong apartment parin ang aking nakita.

Pinulot ko yung salamin at muling itinago sa kahon. Napabuntong hininga nalang ako at inayos muli ang mga nagkalat na gamit.

Nang matapos, lumabas ako ng kwarto at balak sana bumili ng lutong pagkain dahil wala pa akong stocks ng groceries sa kusina. Pagbukas ko nang pinto ay labis ang aking gulat nang makitang lumulutang ang bahay. Makulay at mukhang walang hangganan ang kapaligiran na may kung anong bagay na mga lumilipad.

This only mean one thing! Totoo nga ang lahat!

Napatigil ako sa pagkatuwa ng biglang gumalaw ang bahay nang may nabungo ito na kung ano. Napatalsik ako sa lakas at napakapit sa doorknob para hindi mahulog. Sheet! Pasmado pa ako!

Anong gagawin ko?! Ayoko pang mamatay!

Iginala ko ang tingin sa paligid at nakita ang mga lumulutang na bagay. Tila may bumbilya na sumindi sa aking utak. Kung lumulutang sila edi maari rin akong lumutang!

Nakangiti kong binitawan ang hawak sa doorknob pero unting-unti din nagulat at napasigaw ng hindi ako lumutang tulad ng mga bagay na nakita ko kanina imbis na lumutang ay tuloy-tuloy akong bumagsak! Hindi maari!

Kung hindi lang ako mamatay ay matutuwa ako sa mga nakikita ko ngayon. Makulay ang paligid na may halong lila, bughaw, rosas, berde, kahel at dilaw. Para akong nasa isang milky way galaxy kung saan ang daming kumikinang na ilaw.

Nakaramdam ako ng kakaibang pwersa na animo'y humihigop. Humarap ako dito at laging gulat at takot ko sa nakita ko. Isang malaking blankong bilog ang humihigop sa akin! Jusko hindi pa ako handang mamatay!

Napapikit na lamang ako at iniintay na higupin ng blankong ito. Pero sa pagmulat ng aking mata, isang bagay ang hindi ko inaasahan na mangyari.

Ang unang bumagsak sa lupa ay ang aking mukha. Nakanang! Masakit ha!

Hinimas-himas ko ang aking ilong habang nililibot ang paningin sa paligid. One word. Madumi. Makalat. Walang buhay. So chaotic!

Lols, hindi lang pala one word yun. Six words pala hehe.

Sinubukan kong maglakad at mag-ala Dora the explorer, para naman makakita ng makakain. Sobrang gutom na ang mga alaga kong dragon eh.

Habang naglalakad nahagip ng aking paningin ang tanging bahay na nakatayo sa kakaibang lugar na ito. Kumatok ako para naman masabing may respeto ako. Luma na ito at nilulumot. Mahahalata mong abandonado na rin.

"Uhmm.. Tao po!" Tuloy tuloy na pagkatok ko dito. Tanging boses at patuloy na pagkatok ko lang ang aking naririnig sa buong lugar.

Makalipas ng ilang minutong paghihintay, wala paring sumagot man lang o nagbukas ng pinto. Ano ba yan! Mga walang modo! Mga paasa! Wala talagang forever! Hmp!

Binuksan ko ang pinto at muntik na akong masuka sa amoy na nanggaling dito. Jusmiyo! Hindi pa ata naabutan sa banyo!

Napaatras at pinantakip ko ang aking kamay sa ilong dahil sa sobrang bangong taglay nito.

Pero sa halip na umalis, pumasok ako sa loob dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tila may naguudyok sakin na pumasok dito.

Takip ang aking kalahating mukha, pumasok ako sa loob ng abandonadong bahay.

Madilim, mabaho at mukhang maluwang. Ginamit ko ang munting liwanag na galing sa labas dahil mukhang uulan pa ata mamaya.

Sa gilid ay may nakita akong gasera na mukhang mapapakinabangan pa. Kinuha ko ito at swerteng may posporo pa itong katabi.

The Thirteenth BearerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon