Assault #9(Kuro's Assassins I)

241 5 1
                                    

Gian's Pov...

Kanina pa ako nakaupo dito sa harap dahil hindi pa tapos ang huling meeting para sa pagtapos sa Jin Clan, naguguluhan ba kayo kung ganon ay ikekwento ko ang kasaysayan kung bakit kami naririto.

Nagsimula ito sa isang bansang nagngangalang Japan, may isang napakagaling na lalaki na nagngangalang Furuichi Tokugawa sya ay kapatid ng isang shogun at meron syang kahanga hangang pagkatao, pagkataong parang sa isang hari at dahil nga duon ay napakaraming ninja ang nag alay ng kanilang katapatan sila ay nahahati sa sampung pamilya. Ang Deruta na ngayon ay tinatawag ng Delta na matagumpay na natapos ng aming pamilya, Jin Clan, Mizunari Clan, Koizumi Clan, Rin Clan, Yuru Clan, Tsukishima Clan, Anzu Clan, Zen Clan at ang clan kung saan ako nabibilang ang Kaneshiro Clan kung saan pinuno ang ama ng aking lolo.

Naging maganda naman ang nangyari sa pamumuno ni Furuichi at hindi rin sya humihingi pa ng mas mataas na antas sa lipunan maliban sa pagiging kapatid ng isang shogun ngunit hindi iyon pinayagan ng anim na pamilya ang Deruta, Jin, Anzu, Yuru, Rin at Koizumi gusto nilang itaas pa ni Furuichi ang kanyang antas at agawin ang pagiging Shogun sa kapatid nito, ngunit hindi pumayag si Furuichi dahil sa sinabing sagot ni Furuichi ay nagplano ang anim na clan at pinatay ang Shogun. Iniisip nila na kapag ginawa nila iyon ay mag aangat ng antas si Furuichi ngunit nakalimutan nilang may anak na lalaki ang Shogun, ng nalaman ito ni Furuichi ay tinanggal na nya sa serbisyo ang anim na pamilya na dahilan para magtanim ito ng sama ng loob sa panginoong pinaglingkuran.

Dahil duon nagsimulang gumawa ng masasamang bagay ang anim na clan at pumunta sila sa bansang magiging madaling mangyari ang kanilang mga pinaplano,ito ang bansang pilipinas.Nang nalaman ito ni Furuichi ay bago sya namatay binilin nya sa mga ninja na nasa kanyang pangangalaga ay sinabi nyang patayin nyo ang mga ninja na iyon, simula ngayon hindi ko na kayo mga ninja kayo na ngayon an g mga Assassin ng aking anak na si Mitsuki alagaan nyo ang anak kong lalaki,ang batang lalaki na si Mitsuki ang ama ng aming great master at master.

"Handa na ba kayo mga assassins ngayon ay uunahin natin ang mga matatanda sa pamilyang iyon"Sabi ni Adam,ano kayang meron sa pinsan kong ito hindi na sya nag eenglish ah.

*Growl*

Tumingin silang lahat sa akin dahil sa tunog ng tiyan ko. Nagugutom na talaga ako kailan ba ito matatapos."You may go now Gian, we are almost finish" salamat naman at pinalabas na ako ng weird kong pinsan, nagugutom na talaga ako eh, pagdating ko sa kusina ay dumiretso kaagad ako sa ref pero mukhang minamalas ako ngayon, bakit walang laman. Wala na akong magagawa kailangang kong bumili, nakakainis naman oh akala ko makakakain na ako.

Dumiretso ako kung nasaan yung mga motors at sumakay ako sa isa then tiningnan ko kung may sapat akong pera para makabili ng pagkain, at sinigurado kong marami talaga ang madadala ko. Habang nagbibiyahe ay pinagmamasdan ko ang paligid dahil parang may naramdaman akong nakatingin sa akin pero wala naman kaya hindi ko na lang pinansin at di ko namalayan na nasa main road na pala ako.Pagdating ko sa syudad ay pumasok ka agad ako sa mall at hinanap yung tokyo tokyo at mabilis ko lang yun nakita dahil kabisado ko na itong lugar na ito. Umorder ako ng konti lang naman,well inorder ko lahat dahil gutom na gutom na ako.

"Oh my god grabe kumain si ate oh andami"

"Shh wag kang maingay bakla baka marinig ka atsaka ang sexy nya kaya hindi mo sya malalait,bakla nakakainggit sya. Ano kayang klase ang pagwowork out nya?"

Bakit kaya ganon may nagbubulungan pero parang nagsisigawan naman kaya naririnig ko eh, ninjutsu po ang work out ko kung gusto nyo tanungin,hindi yung nagpaparinig lang kayo.

.....

Hay ang sarap naman makakauwi na rin ako. Tumayo na ako at naglakad na palabas ng mall ng may mahagip yung mata ko.

"Grabe Cassandra ang gwapo nya talaga, yung mga ngiti nya nakakatunaw"
*pak*
"Aray naman Cass nakakailan ka na ngayong araw pramis sumasakit na talaga batok ko sayo huhu"Sabi ko na nga ba si Dugo at Amasona yun eh.
"Nababaliw ka na naman,at binuo mo pa talaga first name ko ah nakakahiya ka sinabihan na kitang hindi yan pwede eh. Wag mo kong iiyakan ha pag nalaman nya at hindi nya tinanggap"sabi naman ni Amasona.

"Grabe ka totoo ang pagmamahal ni Tyrone sa akin"
At alam nyo na ang mangyayari.
*pak*
"Wag kang asuming hindi pa nga kayo eh grabe na kaagad magmahal"
"Grabe ka talaga ang sa... oh hello Gian kamusta" sa wakas napansin din nila ako,mga assassin ba talaga ang mga ito bakit hindi nila napansin ang presensya ko."kanina ka pa ba dyan nakatingin sa amin Gian"tanong sa akin ni amasona."Hindi,oo nga pala anong ginagawa nyo dito sa mall?Alam nyo bang hinahanap kayo ni Adam"mukhang kinilig naman si Dugo dahil sa pagbanggit ko sa pangalan ng pinsan ko."Kyaa!talaga,eh kasi naisipan kong magshopping para handa ako pag inaya ako ni crush pero kung papipiliin ako si Adam sensei(teacher) ang pipiliin ko, kyaa pogi"ang daldal nya pramis.

"Um pwede uwi na tayo pinatitinginan na kasi tayo eh"pagkatingin ko sa paligid ay nakita kong nakatingin na nga talaga sa amin yung mga tao.Biglang nahiya si Dugo kaya hinila nya na kaming dalawa sa parking lot.Nakita ko na agad yung motor ko kaya duon na ako dumiretso habang sila ay medyo malayo pa.

Nang nasa byahe kami ay napakaingay pa rin ni dugo kaya sinusubukan kong manguna pero nahahabol pa rin ako.

"Pwede ba Ranzel pagnaaksidente kaming dalawa ni Gian kasalanan mo talaga" biglang tumahimik si Dugo dahil sa sinigaw ni Amasona.

Nang malapit na kami ay may natatanaw akong likod ng babae at parang pamilyar sya, wait sya yung dinadala ni Adam dito noon ah.Sabay sabay kaming huminto ng nasa gate na kami dahil sa babae. Nagulat pa sya ng nakita kami.
"Um miss diba ikaw yung dinadala dito ni Adam sensei dito,may kailangan ka ba?" hindi sya makatingin ng mabuti kay amasona, dahil siguro sa hiya. "Um kasi may ipinapabigay yung teacher namin kay Adam kaya..kaya"

"Kaya ibibigay mo sa kanya,sige akin na" hinarangan ni amasona si dugo na makalapit kay... ano nga pala pangalan nya well di rin naman ako magaling magkabisado bibigyan ko na lang sya ng nickname, well dahil maganda sya ay tatawagin ko na lang syang Kerei(Beautiful)."Pasok ka na lang.Miss?" tanong ni amasona"Um ako si Heidi Hernandez"oh so Heidi pala pangalan nya."Sige Heidi pasok ka na lang" biglang sumenyas si Kerei na huwag na pero dahil makulit si Amasona ay binuhat nya si Kerei at inupo sa likurang upuan ng motor nya, at bago pa makareact si Kerei ay binuksan na ni Amasona yung gate at pinaharurot papasok yung motor nya. Bigla namang nagsisisigaw si Kerei na bababa daw sya, pero di lang iyon pinapansin ni Amasona at si dugo naman tawa ng tawa.

---------*

Napatigil ako sa pagtingin sa kanila ng may naramdaman na naman akong presensyang hindi ko kilala,wait ma... marami sila hindi kaya..

"Sandali!"

A suivre...

A/N:Paalala ko lang po Haydi po ang tawag sa pangalan ni Heidi, basa po kasi ni Gian sa pangalan ni Heidi ay Heydi eh mali po iyun parang nag hehey lang.

Sigurado akong alam nyo na kung sino pa yung dalawang miyembro ng Kuro's Assassins.

That's all thankz,action na po ata ang susunod dito pero hindi pa si Adam ang lalaban kundi ang Kuro's Assassins well malalaman nyo na rin kung para saan ang Kuro's Assassins(Black's Assassins)

Fell in Love with a Killer(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon