Assault #11(The Great Master)

200 4 0
                                    

Heidi's Pov....

Kanina pa talaga ako nakaupo dito at kanina pa rin ako tinitingnan ng malagkit ni Adam, kasi naman eh ayoko pa nga muna syang makita, bakit ba pagnagdedesisyon ako laging nababale.

Oo nga pala nandito ulit ako sa kwarto ni Adam pero kasama ko sila Gian, Miss Ranzel at Miss Cassandra.

"Adam kanina ka pa nakatingin kay Kerei may kailangan ka ba sa kanya" Ha? sinong Kerei? ako ba iyon? Hindi ko naiintindihan mamaya masama pala meaning nun eh.

"Nanimo iranaiyo Gian, Kerei san wa honto ni Kerei dake nandayo(It's nothing Gian,It's just that Kerei is truly beautiful)" What the bakit sya nag Japanese marunong pala sya.

"soudesuyo ne(You're right)"

"Sensei, Gian wag kayong magjapanese magnonosebleed ako huhu" Kaliga ko talaga itong si Miss Ranzel, ano ba iyong mga sinasabi nila?

"Oo nga pala Adam diba dumating na si Great Master bakit hindi ko pa rin sya nakikita." Tanong ni Miss Ranzel kay Adam."He just visited someone here in the philippines,pero alam ko ngayon na sya babalik"kung ganon nandito pa rin yung great master nila. Ano kayang ugali nya. Siguro napakastoic nya kasi sya yung may pinakamataaas na pwesto.

"Talaga babalik sya,Kyaa isa pa yung pogi eh si Osishou(Great master) at nakakatawa talaga yung mga kwento nya." Komento ni Ranzel
"Oo nga eh naalala ko pa yung kwento nya kasama si Lady Miki ta...I'm sorry Adam" Teka bakit nagsorry si Miss Cassandra kay Adam?A... at sino si Miki. Don't get me wrong hindi ako nagseselos ha nagtataka lang ako sa mga sinasabi nila.Tumango lang si Adam at lumabas ng kwarto nya..

"U..um sino si Miki?" Napatingin silang lahat sa akin dahil sa tanong ko at nagtinginan maya maya ay nagsalita na si Gian. "Si Miki ang anak ni Great Master na namatay, at ang Mapapangasawa sana ni Adam"

.....ok

Ano ba iyan bakit parang ang weird ng nararamdaman ko?

Tumayo na lang ako at napatingin naman sila. "saan ka pupunta Miss Heidi?" Tanong ni Miss Cassandra. Um lalabas muna ako at magpapahangin" Tumango lang sila at lumabas na ako. Ano ba iyan napakaweird ng nararamdaman ko.

*Tug*

A..aray natumba ako dahil sa may nabunggo akong tao.

"Sorry po,hindi po ako nakatingin sa dinadaanan ko." Sinabi ko iyon at sa di ko alam na dahilan ay nakayuko pa ako ng nagsosorry sa nabangga ko, pagkataas ko ng ulo ay nakita kong may lalaking kasing edad ni mama at kahit may edad na ay mahahalata ang kakisigan nya.

"Haha it's ok young lady, you must be thinking hard to bump on me" Naku po nag eenglish at may pagkaiba yung accent nya kay Adam pero ok lang rin. "I'm really sorry sir"

"No.It's really ok just look on your path if you're walking and by the way, are you new here?" A...anong sasabihin ko? "I... I'm just a visitor sir" medyo nagtaka sya sa sinabi ko. "It's rare for this place to have a visitor as innocent as you, tell me who bring you here?" Madyo natatakot na ako sa kanya kasi seryoso na yung itsura nya."I... it's Adam sir" Nawala yung seryoso nyang mukha at napalitan ng ngiti. "So it's Adam, a very rare thing to happen. But I think I know why, Goodbye Ojousan(Young lady) A... ano daw? Pe... pero bakit kaya ganon imbis na takot ang naramdaman ko, respeto ang nararamdaman ko para sa kanya. Iniling ko na lang ang ulo ko at lumabas na ng templo. Ayokong lumabas sa may garden ng kwarto ni Adam kasi duon sya lumabas eh.

Bababa na sana ako ng may nahagip yung mata kong paru paro kaya napatingin ako dun pero mukhang minamalas ako dahil biglang nagkamali ako ng hakbang at nahulog sa lupa.

"Aray" Inda ko pero bakit parang wala namang masakit.Pagtingin ko sa likod ko nakadagan na pala ako kay Adam at napatayo kaagad ako."So... sorry" Nilahad ko yung kamay ko para kunin nya at tinulungan ko syang tumayo ngumiti lang sya sa akin at hindi na binitawan yung kamay ko. Teka nasarapan naman sya masyado, tatanggalin ko sana pero tiningnan nya ko ng masama kaya hindi ko na lang tinangal.

Tumingin sya sa garden at nakita kong dun pala galing yung paru paro kanina."Pasok na tayo sa loob, may meeting pa kami ni Osishou" Wa..wait eh anong pakielam ko dun, nakakahiya wala sanang makakita sa amin. Bakit ba kasi kailangan pa nyang hawakan yung kamay ko?

"BOO!" Dahil sa nanggulat ay muntikan ng tumalon yung puso ko palabas sino kasi yun. Pagtingin ko nakita ko si Miss Ranzel na abot tenga ang ngiti at kasama nya sila Gian at Miss Cassandra."Yiee kayo ha kaya pala perehas kayong lumabas para magkita ha hihihi, anong meron sa inyo" Hala lagot sabi ng wala sanang makakita. Umiling iling lang ako pero hindi sya naniwala at mas lalo pang ngumiti at napatingin sa kamay naming magkahawak."Kyaa Cass kinikig ako sa kanila" Hala parang si Sherrie pala si Miss Ranzel pero mas grabe pa rin talaga si Miss Ranzel kasi ang kulit nya.

"Adam hinahanap na tayo ni Osishou"salamat talaga Gian, guardian angel talaga kita."Ganon ba, gusto mo bang sumama Heidi?"tanong sa akin ni Adam sa napakacute nyang accent, kaya tumango na lang ako nakakahiya kasing tumanggi kung may mga taong nakatingin. Naglalakad na kami ng marinig ko yung pag uusap ni Miss Ranzel at Miss Cassandra. "Narinig mo ba yun Cass nagtagalog si Adam sensei akala ko hindi nya kaya,grabe nakakahiya nilalandi ko pa naman sya dati, kaya pala tumatawa tawa lang sya noon" Natatawa naman ako sa mga pinagsasasabi nilang dalawa may ganon palang nangyari.

Maya maya ay nakarating kami sa isang malaking pintuan at ng buksan yun ay may mga nakita akong mga assassin at may apat na matanda mukhang matataas ang rango nila dahil ang mas matass yung upuan nila at hindi ko makita yung mukha nung isa pang nasa mas mataas na upuan dahil nakayuko sya.

"We're here Great master,master and leaders" Sinabi lang iyon ni Adam at tumango lang sa kanya ang mga tao sa loob at pagtingin ko duon sa mataas na upuan ay nagulat ako.Sya..sya yung Great master nila?

A Suivre(To be continued).......

Thanks for reading...
P.S.
Pwede po ba kayong magvomment kailangan ko rin po kasi yun para mainspire at para malaman ko kung anong tingin nyo sa story ko thank you talaga.

^___^
YuKi.....

Fell in Love with a Killer(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon