Assault #15(The White Assassin)

182 4 0
                                    

Heidi's Pov....

Grabe kanina ko pa talaga nararamdaman yung nakatingin sa akin,ni hindi na nga ako makagalaw sa pwesto ko eh.Napatigil ako sa pakikiramdam ng kinalabit ako ni Trance.

"Hu..huh"wala sa sariling sabi ko."Tayo na,handa na daw ang underground"a..ano daw u..underground?Tumayo na ako na nagtataka pa rin kung saan kami pupunta."Ok Heidi ang underground ay katulad nga ng pangalan nya underground haha"niloloko siguro ako nitong si Trance."Basta pag nakita mo malalaman mo"

Sumunod na lang ako sa sinabi nya at may pinasukan kaming pintuan,pagkatapos ay may dinaanan kaming mahabang hagdanan pababa at may nakita kaming pintuan sa dulo noon.Pagkabukas ay may nakita kaming dalawang bouncer sa gilid na biglang pumunta sa harap namin.

"Nasaan ang ID"tanong nila sa amin at may pinakita sila Trance na ID,sasama na sana ako kaya lang ay pinigilan ako ng bouncer."Hindi ka pwedeng pumasok wala kang ID"nataranta ako sa sinabi ni kuya kaya napatingin ako kay Trance at bigla naman nya akong inakbayan."Hehe it's ok kuya John kasama ko sya"dahil sa sinabi ni Trance pinapasok na rin ako kasama nila pero nakaakbay pa rin sa akin si Trance.Kilala na nya yung isang bouncer ha.

Wow ito pala ang underground nasa mismong ilalim nga ng lupa at hindi madaling makita dahil naka camouflage sya sa dome.Unti unti na ring pumapasok yung mga gangster na nasa taas kanina.Maya maya naramdaman ko na naman yung nakatingin sa akin kanina ng masama.

Gian's Pov...

Buti na lang at nagpagawa kami ng ID bago kami sumugod dito.Pero medyo naghinala yung bouncer kasi puro kami nakascarf para matakpan yung ibabang parte ng mukha namin at si Adam talagang naka maskara ang ibabang bahagi ng mukha,pero dahil tinitingnan sila ng masama ni Adam ay naintimidate sila kaya pinapasok kami kaagad.Tawa pa nga ng tawa si Dugo dahil ang lalaki naman daw ng katawan natakot pa kay Adam.

Pagpasok namin ay umupo kaagad si Adam at hinanap sa tingin si Kerei at nang makita nya ay napangiti ako dahil biglang kinilabutan si Kerei,katulad ng kanina.

"Adam matutunaw si Kerei sa ginagawa mo"sabi ko at tumingin lang sya at bumalik ulit sa pagtingin kay Heidi pero hindi na yung.parang lagot sya mamaya.Ano kayang ginagawa ni Kerei.

"Ok magsisimula na ang laban at nandito ang pinakasikat na gang ang Dream Reapers"sabi nung nagsasalita sa taas at tinuro yung lugar kung nasaan sila Kerei,oh so yung kasama nya ay isang sikat na gangster.Kumaway kaway lang sila at si Adam naman parang naiinis na talaga.

"Ok para sa laban na ito ang unang lalaban ay ang Nightingales vs Bloody Hell,5vs5 lang ang laban kung sino ang may pinakamaraming panalo ay syempre panalo na"sabi nung nagsasalita sa harap pero wala naman kaming pakealam dahil manunuod lang kami ngayon.

"Ang pangalawang laban ay ang Red Knights Vs Dark Rems maghanda na kayo dahil kayo na susunod dito,ok Nightingales and Bloody Hell papuntahin nyo na dito ang inyong mga ilalaban"nakakaboring to sigurado ako.

Nagsimula na nga ang laban at ang masasabi ko lang para silang mga trying hard mali mali naman galaw nila pero para sa ibang nandito sobrang galing nila,halos lahat ng mga andito ay maiingay kaya nabibwisit ako.

"Stop it Nightingales panalo na kayo.Ok nanalo ang Nightingales 3-2 kaya sila ang aangat sa top 4"hindi ko talaga ito naiintindihan.Tiningnan ko yung katabi kong nagchecheer at tinanong ko sya."Miss ano yung ranking ranking?"tiningnan nya lang ako na parang hindi makapaniwala."haha seriously hindi mo alam,well isa sa top 4 ang Bloody Hell at Top 5 naman ang Nightingale.Hinamon ng Nightingales ang Bloody Hell para sa rank,ibig sabihin kapag gusto mong tumaas ng rank kailangan mong maghamon ng mga may rank at talunin sila"ganon pala"Eh sino yung rank 1?"tumawa sya sa sinabi ko"Haha ano ka ba naman.Syempre ang Dream Reapers dahil wala pang nakakatalo sa kanila"

Nagthank you lang ako dun sa babae at pagkatingin ko kay Adam ay may iniisip sya."Assassins just stay here"utos nya sa amin."Saan ka pupunta Adam Sensei?"tanong ni Amasona at pagtango ko naman"To settle things"

"Ok for our last battle for today...oh wait hindi pa ito ang huling laban may humahamon sa ating rank 1 they're name is Ku..Kuroshiya wow kakaibang pangalan"pagkatapos sabihin iyon ay bumalik na si Adam sa upuan nya,so nagfile sya ng laban at Kuroshiya pa talaga ang pinangalan nya ha well sa mga hindi alam ang Kuroshiya ay ang japanese word for assassins.

"Adam kailangan ko na bang tawagan si Karin?tanong ko sa kanya."Yes,please do"tatawag na sana ako kaya lang ay may pumigil ng kamay ko."There's no need for that Kuro"sabi ng nagsalita at pagtingin ko ay nakakita ako ng babaeng nakahood na puti,Napatayo si Adam sa nakita nya."A..Ai"sabi ni Adam at tinanggal ng babae ang hood nya "Konnichiwa haha natapos ko na rin ang pag aaral ko ng filipino kaya pumunta na ako dito at kita mo nga naman talagang pumunta ka sa lugar na tulad nito"sabi ni Ai"Where's your assassins?"tanong ni Adam kay Ai"Alam mo na pagod,pano ba iyan Adam mas nauna akong matuto magtagalog anong premyo ko"mukhang nainis naman si Adam sa sinabi ni Ai."Just ask me anything later and would you please cover your face you tomboyish woman"oh so tomboy pala si Ai"Baliw ka ba hindi ako tomboy fashion yan fashion"

"Ok Red Knights and Dark Rem papuntahin nyo na dito ang mga ipanlalaban nyo.

Heidi's Pov...

Grabe yung laban kanina at nagulat ako ha kasi sikat pala sila Trance pero may lalaban daw sa kanila at ang weird numg pangalan hindi ko maintindihan. Mag uumpisa na yung laban at may napansin akong mga nakamaskara ay kinakausap silang babae na nakahood ng puti,ewan ko pero parang....hay pati ba naman dito sya pa rin iniisip ko.

Madali lang natapos ang laban at ang Red Knights pa rin daw ang Rank 2 well iexplain na rin naman sa akin yun ni Trance kanina ng may kasamang panglalandi.

Tumayo na ang apat sa mga lalaban sa grupo ni Trance at pati narin si Trance kasi lima lang naman sila eh.Tapos nakita kong tumayo yung kaninang nakaupo duon sa bandang harap at may kakaiba akong nararamdaman para sa kanila.

A Suivre...

Sorry kung hindi detailed yung laban nung iba hindi naman kasi sila importante eh...

YuKi...

Fell in Love with a Killer(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon