Assault #38(Nadeshiko's Death)

114 1 0
                                    

Third Person's Pov...

Simula ng araw na iyon ay mas lalong pinaghigpit ang seguridad sa temple lalong lalo na sa kwarto ni Miki.

Samantalang si Miki ay hindi naman lumalabas ng kanyang kwarto kahit anong mangyari.

Gusto lamang niya ng simpleng buhay, simpleng pamilya, pero ng dahil sa mga nalaman ay parang buhat niya ang mundo dahil sa bigat ng nararamdaman.

Tuwing naaalala niya ang nangyari Kay Akane ay hindi niya maiwasang maiyak at sisihin ang sarili.

Hanggang sa dumating si Aki ay ganoon pa rin ang ginagawa ni Miki. Kahit dumating na si Aki ay hindi pa rin nila nakikita ang isa't isa.

Nag aalala na si Aki sa kalagayan ni Miki pero kahit anong gawin nila ay ayaw ni Miki na makipagkita sa kahit na sino, gusto niyang mapag isa.

Gusto niyang mapag isa hanggang sa handa na siyang patawarin ang sarili niya.

Dumating ang isang araw ay hindi na siya natiis ng ina at dinalaw siya sa kanyang silid.

"Miki bakit hindi ka na lumalabas tulad ng dati? " Nag aalalang tanong ng ina.

"Bakit po oka sama, diba po ayaw na ayaw niyong lahat tuwing lumalabas ako sa kwarto na ito bakit parang gusto niyo pa po akong lumabas?" Natawa na lamang ang kanyang ina dahil sa sinabi niya.

"Miki, oo nga ayaw ni oka sama na tumatakas ka dahil nag aalala kami sa iyo pero nakakapanibago ka na parang hindi na ikaw yung napakakulit at napakatusong bata na nakilala ko" Napatingin si Mika sa ina dahil sa sinabi nito.

"Ano pong ibig niyong sabihin oka sama? " Ngumiti ang kanyang ina at hinila siya upang mayakap siya nito.

"Miki alam kong lahat ng ginagawa mo, kahit si Otou Sama mo, alam niya rin ang mga gusto mong gawin pero Miki hindi kasi pwedeng mamuhay tayo ng tahimik lalong lalo na sa napakagulong lagay ng pamilya natin" Napatingin siya sa ina at nakita niya ang napakatamis na ngiti nito.

"Tandaan mo Miki kahit anong mangyari wala kang kasalanan" Hindi na napigipan ni Miki ang nararamdaman at niyakap niya ng mas mahigpit ang ina at humagulgol ng iyak.

Simula ng araw na iyon ay sinubukang harapin ni Miki ang mga problema niya pero mas lalong nagiging agresibo ang organisasyon sa pagtugis sa mga taksil na clan.

Ni hindi na sila nagkikita ni Aki dahil isa ito sa mga aktibong miyembro ng organisasyon, dahil ito sa kanyang galit sa mga taksil na clan dahil sa pagkamatay ng kanyang ama.

Sa araw na ito ay may isang malaking misyon si Aki at ngayon ang araw kung kailan ay pinayagan na siyang manguna sa isang misyon kaya naman ay mahalaga ang araw na iyon para sa kanya.

Nakahanda na ang lahat ng mga kakailanganin niya pati na rin ang grupong pinangungunahan nila ng biglang may nakita ang isa sa kanilang tumatakbo papunta sa kanila.

Nang makilala nila ito ay nagmadali silang lumuhod sa isang binti, pati na rin sa Aki.

"Lady Miki hindi po dapat kayo nandito bumalik na po kayo sa inyong silid" Dahil sa sinabi ni Aki ay napaatras ng kaunti si Miki pero agad din naman ulit siyang humakbang dahil kailangan niyang gawin ito.

Alam ni Miki na maaaring mapahamak si Aki sa misyon na ito dahil alam niya kung ano ang pinaplano ng Oji san niya.

Hinawakan niya sa braso ang nakaluhod na si Aki at tiningnan ito ng seryoso.

"Hindi kita pinahihintulutang umalis" Dahil sa sinabi ni Miki ay halata ang gulat sa mukha ni Aki pati na rin sa mga kasama niya.

"Lady Miki wag po kayong magbiro kailangan na po naming umalis" Medyo naiinis na si Miki dahil ayaw makinig ni Aki sa kanya, gusto lang naman niyang iligtas ito eh.

Tumayo na ang grupo ni Adam at tatalikod na sana si Aki pero napatigil siya dahil sa sinabi ni Miki.

"Pag umalis ka hindi na kita hahayaang maging bantay ko" Bumuo ng kamao ang mga kamay ni Aki pero kailangan niyang matapos ang misyon na ito dahil ito ang magsasabi kung handa ba siya sa buhay ng isang assassin.

"Kung iyan po ang gusto niyang mangyari, tayo na" Dahil sa sinabi ni Aki ay hindi nakaya ni Miki at napaupo sa kanyang pwesto.

May gustong tumulong sa kanyang tumayo pero hindi niya ito hinayaan, sa halip ay tumayo siya ng mag isa.

Habang naglalakad ay nakayuko siya hindi niya alam kung bakit pero...

Pero

Umiiyak siya...

Sinubukan na naman niyang magligtas pero walang nangyari.

Dahil sa lungkot ay ginusto niyang puntahan ang ina ngunit ng nasa harap na siya ng pintuan nito ay natigilan siya sa narinig na tunog sa loob.

"Furuki bakit mo ginawa iyon" galit na sabi ng kanyang ina.

"Haha di pa ba halata mahal kita Nadeshiko" Nanigas sa pwesto niya si  Miki.

'Kung ganon may gusto pala si Oji sama kay Oka Sama'

"Sumama ka na sa akin Nadeshiko nagtaksil na sa Clan ang divine Shrine at sigurado akong paghihinalaan ka na rin ni Furui" Hindi makapaniwala si Miki sa sinasabi ng kanyang Oji San kaya't napatakip na lamang siya sa kanyang bibig.

"Pa... Pakiusap hayaan mo akong pag isipan ito" Iyon na lamang ang naisagot ni Nadeshiko.

"Kung ganon ay hihintayin ko ang sagot mo" Dahil sa sinabi ni Furuki ay nagtago si Miki upang hindi siya makita ng Oji Sama niya kung lumabas man ito.

Nang makalabas si Furuki ay nahagip ng mata niya ang inang umiiyak bago nito sinarado ang pinto.

Nang hindi na niya makita ang Oji Sama niya ay dumiretso siya sa loob ng kwarto na ikinagulat ng kanyang ina.

"Mi... Miki anak" naluluhang sabi niya.

"Oka Sama wag niyo pong sundin si Oji Sama" Dahil sa sinabi ng anak ay nagulat na naman si Nadeshiko.

"Na... Narinig mo? "  Tumango lamang si Miki sa sinabi ng ina.

Nang araw na iyon ay ngumiti lamang ang kanyang ina at umiyak habang yakap yakap siya.

Sumunod na araw non ay nangyari ang hindi inaasahang pangyayari.

Muntikan ng mamatay si Miku dahil sa mga natamo niya sa laban sa anak ng leader ng Jin Clan na si Shinji at dahil sa sobrang malalang nakuha niya sa ulo ay nakalimutan niya kung sino siya pinakilala na lamang siyang si Ai Tsukishima upang hindi siya puntiryahin ng mga taksil na mga Clan.

Samantala inakala ng lahat namatay sa sunog si Nadeshiko at Miki na nasa loob ng Kastilyo at ang dahilan nito ay pinaapoy ni Nadeshiko ang Kastilyo upang makasamang mamatay ang anak ngunit hindi nila alam ay namatay si Nadeshiko sa isang aksidente at si Miki na nakaligtas sa aksidente ay nalimutan na rin ang kanyang sarili kaya pinalaki na lamang siya ni Karen Hernandez, ang tumayong ina niya.

Sobrang pagsisi ang naranasan ni Aki nang panahon na iyan iniisip niya kung sana sinunod niya na lang ang gusto ni Miki ay hindi ito mawawala.

Dinala niya ang pagsisising iyon sa kanyang sarili.

A Suivre...

Fell in Love with a Killer(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon