Kinuha ni Yla ang phone niya at tinawagan si Xeus.Agad naman itong sinagot ni Xeus.
"Hello, babe what's the matter?""Ah, pwede bang magdinner tayo ngayon?"
"Ha? Yla? Anlakas ng ulan babe. Bukas nalang pwede?"
"No! Gusto ko ngayon Xeus! May sasabihin kasi akong importante sayo.
Sige na ha? SM entrance 8:00 p.m. I Love You Ha?"" hay.. Sige sige. I love you too babe!" Sabay baba ng telepono, hindi nya alam mung bakit bigla nalang gusto ni Yla na magdinner sila.
"Teka ano nga pala yung sasabihin nya sakin?" Takang hirit nyang sinabi sa sarili nya.
.
.**At the Mall
"Babe! Yla!" Sigaw ni Xeus sa kanyang girlfriend.
Walang tugon si Yla. Tumabi lang ito at tinabig si Xeus. Pero nung papasok na sila ay naghiwalay sila kasi hiwalay naman talaga ang entrance ng babae at lalaki.
"Babe okay kalang?" Tanong ni Xeus sa Girlfriend nyang kanina pang out of this world at laging tulala.
"Ha?" Gulat na gulat si Yla. "Ah, Ay oo. I'm fine" pautal na sagot nya.
"Okay?.." Nagtatakang sabi ni Xeus, nakatitig sya na parang nagdududa sya kay Yla at napansin niya namamaga ang mata ng kanyang kasintahan, agad syang nagtanong. "Babe? Bakit namamaga mata mo may prob--" hindi na nya natanong ang kanyang girlfriend dahil bigla itong nagsalita.
"AH DITO TAYO KUMAIN!!" at pasigaw pa. Ginawa yun ni Yla para mag-change topic si Xeus, dahil ang totoo mamaya nya pa balak sabihin ito. Di pa sya ready.
Umupo na silang dalawa.
"Anong gusto mo Babe?" Tanong ni Xeus.
"Ikaw bahala." Sagot naman ni Yla na kanina pa nangangamba sa magiging reaction ni Xeus sa sasabihin nya.
"Ah sige.." Tumingin tingin ito sa menu at may napusuan na syang kainin. Agad niyang tinawag ang waiter."Waiter!"
Naalarma si Yla bigla nalang nagbago ang isip nya " Xeus ayoko na palang kumain. Kung gusto mo ikaw nalang samahan kita, tapos may saaabihin ako."
Nagtaka si Xeus at umorder nalang ito ng para sa kanya lang, ayaw nyang suwayin si Yla dahil alam niyang may pagkamaldita ito. Slight lang naman.
Natapos na si Xeus sa pagkain niya, halatang-halata na gutom siya.
Pinagmamasdan ni Yla ang cute na mukha ni Xeus habang kumakain.
" Mamimiss ko ang kakulitan niya." Bulong niya sa sarili niya. Bigla nalang syang nagulat at Naalala ang sasabihin niya kay Xeus, di pa sya ready pero kailangan na nyang sabihin ito ngayon."Ah Xeus, may sasabihin ako"
"Ano yun?" Agad na tugon ni Xeus sa dalaga ng may halong kaba.
"Ah ano kasi wag kang magagalit ha. Marami pa naman babae dyan eh. Ienjoy mo lang ang buhay mo. 1 taon nalang gagraduate kana ng college, at magiging isang Guro ka na. Tuparin mo yung ambition mo." Sabi ni Yla habang ang mga luha sa mga mata nya ay isa- isang naglalabasan.
"A-anong sinasabi mo Yla?" Umiiyak na tanong ni Xeus.
" Xeus, Mahal na mahal kita? Wag kang magagalit, kailangan kasi eh. May mga ambisyon din kasi ako at gusto kong tuparin iyon." Tuloy-tuloy na ang agos ng luha ni Yla.
"Yla? Are you breaking up with me?" Tanong ni Xeus na tuloy-tuloy din ang agos ng luha.
Umiyak ng malakas si Yla at tumakbo palabas, hinabol siya ni Xeus hanggang sa labas ng Mall kahit umuulan takbo padin, pero hinawakan ni Xeus ang kamay ni Yla at hinarap ito sa kanya pero.
" Yes Xeus I'm breaking up with you. Sorry but I love you" sabi sa kanya ni Yla.
Nabitawan nalang bigla ni Xeus ang kamay ni Yla kasi nashock ito, hindi siya makapaniwala. Napalakad sa ng dahan-dahan palayo habang si Yla naman ay tumakbo papunta sa kotse nya at dinrive nya ito, binuksan nya ang radio sa kotse nya upang maibsan kaunti ang sakit na kanyang nararamdaman. Pero ang kantang nakaplay ay.
HETO AKO..
BASANG BASA SA ULAN..
WALANG MASISILUNGAN..
WALANG MALALAPITAN..
SANA MAY LUHA PA..
AKONG MAILULUHA..
AT NANG MABAWASAN...
ANG AKING KALUNGKATAN..Naiyak nalang siya bigla ng malakas at umungol na patang bata..
Habang si Xeus ay nasa kalagitnaan ng Ulan, basang basa ito at patuloy padin ang tulo ng luha nya habang natatakpan ang mukha nya ng hood ng kanyang jacket.
BINABASA MO ANG
Professor X [On-Going]
Roman d'amour"What will happen if PAST goes to PRESENT and be your FUTURE?" Professor X