PROLOGUE ××

2.8K 44 52
                                    

Ang mundo ng mga tao at ng mga taga-sundo ay iisa pero magkaiba.

Magulo? Ganito.

Lahat ng naririnig at nakikita ng mga tao ay nakikita din nila. Ang pinagkaiba lang, walang kulay sa kabilang mundo. parang lumang litrato. 

וו

Si #7694 ay isa sa mga taga-sundo.

Kinuha niya ang maliit na libro galing sa bulsa ng itim na suot niya. Inisa-isa niyang kolektahin ang mga kaluluwa ng mga nakalista doon. 

"Erin Rivera" sabi niya tsaka sinara at ibinalik sa bulsa niya ang libro.

Nakalista sa maliit na libro katabi ng pangalan ang itsura ng kaluluwa nito.

Pumikit si #7694 at inisip mabuti ang itsura ng kaluluwa ng babaeng nasa listahan niya; Kulay berde na may konting maliliit na itim na tuldok. Meron din itong asul na ilaw sa paligid.

Sa pag-isip sa itsura ng kaluluwa ng isang tao, mapupuntahan ng taga-sundo ang may-ari ng kaluluwang iyon.

Pag-dilat niya ay nasa harapan na siya ng isang malaking bahay. Napakalakas ng tugtog sa loob neto, parang may party.

Napakadaming tao sa labas pa lang ng bahay. Kahit nakikita niya ang mga pangalan sa ulo ng mga tao, nahihirapan siya dahil sa nagkapatong-patong na sa sobrang dikit-dikit nila.

"Mahihirapan ako dito.." bulong ni #7694 sa sarili niya habang sinusubukang hanapin ang pangalan ni Erin.

Mabuti na lang, bago mag-init ang ulo ng babaeng taga-sundo, nakita niya si Erin, pero tumatakbo ito papalabas.

Maganda si Erin. Nasa 21taong gulang. Mahaba ang itim niyang buhok at simple lang manamit. Naka puting sleeveless lang ito at naka maong na shorts. Walang sapatos. Umiiyak at takot na takot ito habang tumatakbo palayo. Kalat na sa mukha niya ang itim na eye liner at maskara niya.

Natural sinundan siya ni #7694.

Nakarating sila sa isang eskinita. Nagtago si Erin sa likos ng basurahan, nanginginig. 

Tinignan ng taga-sundo ang nalalabing oras ni Erin sa taas ng ulo neto. Mayroon na lamang  

itong 10minuto.

"ERIN!! Lumabas ka na..." isang boses ng lalaki ang bumasag sa katahimikan.

Tinakpan ng babae ang bibig niya para hindi makagawa ng ingay pero sa kasamaang palad natabig nito ang basurahan dahilan para gumawa ito ng ingay.

Agad napalingon ang lalaki. "Bakit ba kasi ayaw mo, Erin? Isang gabi lang naman." Sabi niya habang papalapit sa pinagtataguan ng babae.

*BANG!!* Nagpaputok ng baril ang lalaki pai-taas.

Lumapit pa siya at sinipa ang basurahang pinagtataguan ng babae. 

Nagtangka itong tumakas pero

*BANG!!*

Nagpaputok ulit ang lalake pero sa kanang balilat na ni Erin ito tumama.

"AHH!!" Malakas na sigaw nito habang bumabagsak sa lupa. Pula na sa dugo ang kaninang puti nitong suot.

"Tama na Lance please.. Wag mo tong gawin." pagmamakaawa niya. 

Lumapit ang lalake sa kanya at sinabunutan siya nito.

"Natatakot ka na ba? Alam mo naman kung pano ko mapapatigil dba?" Sinimulan niyang himasin ang hita ng dalaga.

"Lance wag.. Please Lance!" magkahalong takot at sakit na pagmamakaawa nito.

Hindi huminto si Lance at itinaas niya ang pag-himas. Tinangka niyang buksan ang zipper ni Erin.

"Nakakadiri ka!! PWE!" dinuraan ng dalaga ang mukha ng lalake. 

Napabitaw ito sa pagkakahawak niya sa buhok ni Erin at nagtangka ulit itong tumakas.

"Bwisit ka!!" galit na galit na sigaw ng lalake.

*BANG!!*

Tumama ang huling bala na iyon sa puso ni Erin.

Napanuod lahat ni #7694 ang nangyari.

Bago pa bumagsak si Erin, ikinawit na ng taga-sundo ang kalawit nito sa katawan ng babae para mai-hiwalay ang kaluluwa nito.

Lumabas ang kaninang nasa isip lang niya na berdeng bilog. Napakaganda ng asul na ilaw nito.

Pagkatapos mamangha ni #7694 sa handa ng kaluluwa ni Erin, ipinakain na niya ito sa pulang bato sa kanyang kalawit.

Ito ang tulay ng mga kaluluwa papunta sa mag-huhusga.

Hindi na lingid sa mga taga-sundo na sa tuwing magpapa-pasok sila ng kaluluwa sa kalawit nila ay mapapasok nila ang ala-ala at makakaramdam sila ng naramdaman ng may-ari ng kaluluwang iyon.

Madalas, saglit lang nila yung nararamdaman.

Akala ni #7694 ang mararamdaman niya ay yung nangyari sa kanya kanina.. pero hindi. 

Napasok niya ang emosyon at ala-ala ni Erin sa pinaka-mamahal nitong si Kyle.

Soul SearchingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon