Ilang minuto ng iwinawasiwas ni Poch ang kalawit niya sa loob ng kwarto ni Kyra. Isang bagay lang ang nasa isip niya—ang patayin si Ivan. Alam niyang mahirap, alam niyang mas malakas ito sa kaniya pero wala siyang pakialam.
“Hindi mo ko kaya, Poch. Alam mo yan.” Sabi ni Ivan habang iniiwasan ang mga tira ni Poch.
“Manahimik ka!!” sigaw ni Poch at muling ikinarit ang kalawit niya sa katawan ni Ivan na hindi rin naman niya nasasaktan dahil patuloy lang itong nagiging usok.
“Pinapagod mo lang ang sarili mo.” Malambing na sabi ng demonyo na para bang nag-aalala kay Poch.
“Wala akong pakialam!! Papatayin kita hayop ka!!”
Nawala sa paningin ni Poch si Ivan at nang umikot ito para tingnan ang likod niya, halos magkadikit ang mga mukha nila sa sobrang lapit nito sa kaniya.
Natigilan si Poch nang makita niya ng malapitan ang mga mata ng demonyo. Puro itim na lang ito. Maya-maya pa, isang malaking ngiti ang inilabas ni Ivan at tsaka sinuntok ang tyan ni Poch. Tumilampon ang dalaga sa pader sa tabi ng natutulog na si Kyra.
Bahagyang napasigaw si Poch sa sakit.
Hindi pa man siya nakakatayo, nagsalitang muli si Ivan. “Wala ka bang itatanong sa’kin, Poch?”
“Wala akong pakealam sa sasa--” hindi na pinatapos ng demonyo ang sasabihin ni Poch. Lumapit si Ivan at hinila ang buhok ni Poch.
“MAGTANONG KA!!!” Sigaw ni Ivan.
“Bitawan mo ko! Hayop ka!! Sino ka ba talaga?! Ha!” Mahinang sigaw ni Poch habang pinipilit na makawala sa pagkaka-hawak ng demonyo sa buhok niya. “Ikaw ang may gawa niyan kay Kyra ‘diba?!”
“Ako si Ivan Villena. Dating kasintahan ni Kyra.” Halos pabulong na sagot ng demonyo. “At oo. Ako ang may gawa nito sa kaniya.”
“Dating kasintahan? Pero isa kang demonyo… Paano? At paanong naging taga-sundo ka?” naguguluhan ang boses ni Poch.
Binitawan ng demonyo ang buhok ni Poch. Lumapit ito sa kama ni Kyra at marahang hinimas ang mukha nito.
“Naging nobyo ako ni Kyra sa probinsya, limang taon na ang nakakaraan. Masaya naman kami, kahit hindi alam ng tatay niya ang relasyon namin. Hanggang sa kailangan nilang lumipat ng Maynila. Ang hayop na Mang Roger na yun… Inilayo niya sa’kin si Kyra!!”
“Sabi ni Kyra sa’kin, di niya ko kakalimutan. Sumulat ako—sumulat ng sumulat pero lahat ng sulat ko bumabalik lang!! Kinalimutan na nila ko na para lang akong dumi sa buhay nila!!” bakas na sa mukha ng demonyo ang galit. Bahagya niya ring sinugatan ang pisngi ni Kyra gamit ang kuko niya.
“Hanggang sa natuto ako ng itim na mahika. Ibinenta ko ang kaluluwa ko sa diablo para maging malakas. Para maka-ganti. At para makuha kong muli si Kyra…” iniangat ng ulo niya para tingnan ulit si Poch.
“Nasaan yung parte kung bakit mo ginawang ganiyan si Kyra? At yung parte kung saan pinaniwala mo kong kaibigan kita?” tanong ni Poch habang nagsisimula ng tumayo.
Muling naging itim na usok ang demonyo at naghugis tao sa harapan ni Poch.
“Ang parteng ‘yon. Pag napatay mo na si Kyra.” At itinulak nga niya si Poch sa direksyon ni Kyra. “Ano pa bang pinag-iisipan mo? Magiging tao ka, makukuha ko ang kaluluwa ni Kyra; parehas tayong panalo. ‘Diba?”
Lumapit pa ng kaunti si Poch at bahagyang iniangat ang kalawit niya. “Hindi kaya ng kalawit ko ang kumuha ng buhay ng tao ng di pa niya oras.” Sabi ni Poch.
Iniangat ng demonyo ang palad niya. Mayroon itong makakapal na itim na usok na maya-maya pa’y naging itim na patalim. Inihagis niya ito kay Poch na nasalo naman din ng taga-sundo.
Naka-angat na ang patalim ni Poch sa itaas ng dibdib ni Kyra. Itatarak na sana niya ito ng tinawag siya ni Kyle na nagising mula sa pagka-walang malay sa pagkaka-sakal ni Ivan sa kaniya.
“Poch!!” sigaw nito. Napalingon naman ang dalaga sa direksyon ng sigaw.
Di namalayan ni Poch ang paglapit sa kaniya ni Ivan. Bago pa man siya maka-kilos, itinulak siya nito dahilan para tuluyan niyang maitarak ang patalim sa dibdib ni Kyra.
Di pa man nakakabitaw si Poch sa itim na patalim, unti-unti ng pumalibot ang dugo sa palibot ng sugat ni Kyra. Kasabay nito ang pag-bilis hanggang sa isang mahabang tunog na lang ang maririnig sa makinang nakakabit sa natutulog na dalaga. Patay na si Kyra.
Bibitawan na sana ni Poch ang patalim pero naging usok itong muli. Binabalot na ng itim na usok na iyon ang braso ng babaeng taga-sundo.
“A-anong nangyayari?” naguguluhang tanong ni Poch.
Nagpaka-wala ng napaka-lakas na tawa ang demonyo.
“Tinutupad ko lang ang usapan natin.” Sabi nito nang may nanlalaking mga mga mata at napaka-laking ngiti.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Mystery / ThrillerSi #7694 ay isang babaeng taga-sundo/kamatayan/grim reaper at kung ano-ano pang tawag sa nangongolekta ng kaluluwa ng tao. Isang gabi, kinuha niya ang kaluluwa ng isang dalaga at nabalot siya ng mga ala-ala at damdamin nito tungkol sa nobyo nitong s...