CHAPTER 1 ××

734 37 40
                                    

Pabalik-balik na naglalakad si #7694 sa kwarto niya.

"Teka nga. Ano bang problema mo? E dba lagi naman yan nangyayari? Normal lang yan; makikita mo yung mga nangyari sa kaniya dati, nararamdaman mo yung nararamdaman niya."

Kausap ni #7694 ang isang lalakeng naka-upo sa harap niya, si #8211.

Maputla ang balat nito pero napaka-ganda tingnan. Malinis ang gupit ng itim na buhok nito. Matangos ang ilong at maninipis ang labi.

"Hindi ka ba nakikinig??" huminto si #7694 sa paglalakad at naupo sa kama sa harap ng kausap niya. "Dalawang araw na hindi pa din lumilipas!!" ibinagsak niya ang sarili sa kama. "Di ko na alam gagawin ko."

Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Umupong muli si #7694 pero hindi ito tumingin kay #8211; nakatingin ito paibaba.

"Gusto kong puntahan si Kyle." pabulong na sabi nito.

Hindi sumagot ang lalaki. Sandaling tinitigan si #7694 at tsaka lumapit rito para kurutin ang ilong nito.

Agad kinuha ni #7694 ang kalawit niya mula sa kanyang likod "Gusto mo bang mamatay?! PARA SAAN IYON!!?" sigaw nito habang naka-porma na para bang hahatiin niya sa dalawa ang katawan ng kaibigan niya.

Mabilis na tumalon paatras ang lalaking taga-sundo sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko.

"Relax!" patawa-tawang sabi ni #8211 "Maganda ka pala pag di ka matapang eh."

"Ang dami mong alam." ibinalik nito ang kalawit niya sa kanyang likod at tsaka tumayo. "Tara na, dumadami na ang nasa listahan ko."

Lumapit si #8211 sa isang malaking salamin. Itinali niya ang mahaba niyang gray na buhok para hindi maka-abala sa paningin niya. Sapat ng abala ang itim na hood na palaging suot ng mga taga-sundo.

Habang nag-aayos ng buhok, napansin ni #7694 ang mga mata niya; makislap na berde. Pero pano nangyari yun? Walang kulay ang kabilang mundo.

"Tutulala ka na lang ba jan?" sabi ni #8211. Nagising naman agad si #7694 sa malalim na iniisip nito.

Isinuot niya ang itim na hood hangang sa matakpan ang buong mukha nito. Sabay silang lumabas ng kwarto.

Sa paningin ng mga tao ang lugar na ito ay isang luma at abandonadong gusali lang pero para sa mga nagtatrabaho bilang taga-sundo, ito ay isang magarbo at eleganteng pahingahan, ang DeadPlace.

__

Dumilat si #7694 at napaligiran siya ng puting pader. Wala kang maririnig na ingay bukod sa pa-putol putol na tunog ng makina na nakakabit sa dibdib ng isang lalake.

Ang lalakeng ito ay mukhang matagal ng natutulog. Mga aparatos na lang ng ospital ang bumubuhay dito.

Kinawit niya ang kaluluwa ng lalake palabas sa katawan nito. Agad namang umalingawngaw ang tunog ng makina na kung kanina ay putol putol, ngayon ay isang matinis na tunog na lang.

Habang nagkakagulo ang mga tao na naka-puti sa likod ni #7694, ipinakain nito ang pulang kaluluwa sa pulang kristal ng kalawit niya.

Agad naman siyang nakaramdam ng lungkot kasabay ng pag-kita sa mga ala-ala ng lalakeng sinundo niya.

Lilipat na sana si #7694 sa susunod na nasa listahan niya pero biglang may pumasok na ala-ala sa kanya.

__

"Mr. Pintucan at Ms. Rivera labas." sabi ng matabang babae na nasa harapan ng klase.

"Ma'am so-" hindi na pinatapos ng babae ang sasabihin ni Kyle.

"OUT PLEASE. NOW! And stay there. Both of you are not allowed to loiter!" sigaw ng guro. "Kanina pa kayong dalawa nagtatawanan."

Walang nagawa ang dalawa kundi sumunod. Tumayo sila sa labas ng silid aralan at nagsimula nanamang magtawanan.

"Ang kulit mo kasi eh sabi ko naman sayo choco na gatas yun eh!" sabi ni Kyle habang tumatawa.

Nang bahagyang natahimik na sila, hinawakan ni Kyle ang kamay ni Erin at hinila niya ito papalapit sa kanya.

"Sobrang ganda mo Poch." sabi ni Kyle habang nakatingin sa mga mata ni Erin.

Di nakapag salita si Erin dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso nito.

Inilapit pa ni Kyle ang mukha niya kay Erin. Napansin niyang pumikit na ito at bahagyang binuksan nito ang mga labi niya.

Tinangap ito ni Kyle bilang imbitasyon para isara ang nalalabing espasyo sa kanila ni Erin. Hinalikan niya ito.

__

"Nakakadiri!" sabi ni #7694 pagkatapos ng ala-alang iyon.

Hawak hawak niya ang tyan niya dahil parang napakadaming insekto ang lumilipad sa loob nito.

Lumakas ang kagustuhan niyang makita si Kyle. Pinikit niya ang mga mata niya at inisip mabuti ang kaluluwa nito.

Hindi niya alam kung pano niya nalaman ang itsura ng kaluluwa ni Kyle pero pag dilat niya ay nasa tapat na siya ng inuupahang bahay nito.

Pumasok siya at doon naabutan niyang natutulog si Kyle. Unang beses niya ito na makita si Kyle ng personal. Hindi mula sa ala-ala.

Napaka-amo ng mukha nito habang natutulog. Mahaba ang buhok nito na tumatama sa mga mata niya. Matangos at maliit ang ilong.

Nang tinignan niya ang labi nito naalala niya ang halik nila ni Erin at may kung anong humatak sa kanya para lumapit dito.

Gumapang siya papalapit sa natutulog na si Kyle. Napakalapit ng mga mukha nila, halos magkadikit na ng biglang..

*KRRRIIIIING*

Malakas na tumunog ang telepono ni Kyle at bigla itong dumilat.

Soul SearchingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon