Nang makatulog na si Mang Roger agad na umalis si Poch para bumalik sa ospital ng iisa lang ang nasa isip: kailangan niyang patayin si Kyra.
Di siya sigurado kung tama ang gagawin niya. Basta ang alam lang niya, mahal siya ni Kyle, kailangan siya ni Mang Roger at ayaw na niyang bumalik sa pagiging taga-sundo.
Pagkadating sa kwarto ni Kyra, inilock ni Poch ang pintuan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama ni Kyra. Kasabay ng mga hakbang niya ay ang pagpasok naman ng itim na usok mula sa bintana na naging hugis tao din naman agad.
“Bakit ba hindi na lang ikaw ang gumawa?” tanong ni Poch sa demonyo.
“Kasi ayoko.” Sagot naman ng demonyo na may malamig at malalim na boses.
“Ikaw ba ang may kagagawan nito kay Kyra?” muling tanong ni Poch habang kinukuha ang kalawit mula sa bulsa ng pantalon niya.
Hindi sumagot ang demonyo. Bago pa man mapalaki ni Kyra ang kalawit niya, naramdaman na niya ang katawan niyang bumagsak sa sahig—naka-patong sa ibabaw niya ang demonyo.
“Pakialamera ka pala no?” Sabi ng nilalang sa ibabaw ni Poch. Ibinaba ng demonyo ang mukha niya sa kanang tenga ng babaeng taga-sundo. “Gagawin mo ba? O baka gusto mong ikaw na lang ang mapa-sakin?”
Gustong pumiglas ni Poch mula sa demonyo pero hindi niya magawa. Malamig ang boses nito pero may kung anong init na nararamdaman si Poch sa katawan niya.
“Di ka ata lumalaban?” itinaas ng demonyo ang kanang kamay niya-- maputla at may mahahabang kuko. Itinuro ng demonyo ang dibdib ni Poch at may itim na liwanag ang lumabas mula sa hintuturo nito na siya namang pumunit sa damit ng dalaga, dahilan para bahagyang lumitaw ang dibdib ng dalaga.
Kitang-kita ni Poch ang laki ngiti ng demonyo sa nakita. Magkakahalong hiya, takot at galit ang nararamdaman ni Poch pero hindi pa din niya magawang mang-laban dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan nagugustuhan niya ang ginagawa nito.
Maya-maya pa, naramdaman ni Poch ang paghinga ng demonyo sa leeg niya; malamig, nakakapang-hina. Napa-hinga naman ng malalim si Poch sa ginawa nito sa kaniya dahilan para mapa-angat ang dibdib ng dalaga na kinuha namang imbitasyon ng demonyo para ituloy pa ang ginagawa nila.
Sino na nga ba ‘to? Isip ni Poch. Unti-unti na siyang nahuhulog sa tukso ng demonyo. Nadadala siya sa sarap na ibinibigay nito sa kaniya.
Itinaas ng demonyo ang mga labi niya sa tenga ni Poch at bahagya niya itong dinilaan. Ibinaba pa nito ang pag-dila niya sa leeg ng dalaga.
Bakit nga ba ko nandito? Naguguluhan ang isip ni Poch.
Nang tangkain pang ibaba ng demonyo ang dila niya papunta sa dibdib ni Poch..
“Poch?! Poch, andyan ka ba?!” Tawag ni Kyle mula sa labas ng kwarto. Sinusubukan nitong buksan ang pintuan.
“K-Kyle…” mahinang sabi ni Poch sa pagitan ng mabilis na paghinga.
“Hindi mo siya kailangan #7694… Akin ka.” At itinuloy ng demonyo ang ginagawa niya sa dalaga. Sinapo nito sa dalawang malalamig na kamay niya ang dibdib ni Poch. Hahalikan na ng demonyo ang dibdib ni Poch ng malakas na bumukas ang pintuan.
“POCH!!” Sigaw ni kyle matapos sipain ang pintuan ng kwarto. Nakita niyang pumasok ng ospital si Poch kani-kanina lang kaya sinundan niya ito sa kwarto ni Kyra pero naka-lock ang pintuan.
Nagulat si Kyle nang makitang nakapa-ibabaw kay Poch ang naka-itim na nilalang na noon ay nasa panaginip at bahay niya.
Nagsa-usok naman ang demonyo, nawala ito sa ibabaw ni Poch pero muling nabuo sa harap ni Kyle. Itinulak ng demonyo si Kyle sa pader habang sakal-sakal ito. May 2 metro din ang layo ng pader na pinagtulakan kay Kyle, at dahil sa hangin, natangal ang tabing nito sa ulo at tumambad kay Kyle ang mukha ng kalaban nila.
Hindi na nakapag-salita si Kyle dahil unti-unting hinihigpitan ng demonyo ang pagkakahawak nito sa lalamunan niya. Umuubo-ubo siyang nagpupumiglas sa hawak ng demonyo.
Nagising naman si Poch mula sa pananamantala ng demonyo sa katawan niya. Nakita niya si Kyle na nasa panganib. Agad niyang pinalaki ang kalawit niya at tumakbo para atakihin ang itim na nilalang.
“Ahhhhh!” Sigaw nito habang tumatakbo. Natamaan niya ang demonyo dahilan para mabitawan nito si Kyle. Nahati niya ang katawan ng demonyo pero hindi ito nasugatan, naging itim na usok lang.
Maya-maya pa, lumingon sa kaniya ang demonyo. Itim na buhok kakulay ng mga mata nito..
“Ivan… IKAW!!” sigaw ni Poch.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Mystery / ThrillerSi #7694 ay isang babaeng taga-sundo/kamatayan/grim reaper at kung ano-ano pang tawag sa nangongolekta ng kaluluwa ng tao. Isang gabi, kinuha niya ang kaluluwa ng isang dalaga at nabalot siya ng mga ala-ala at damdamin nito tungkol sa nobyo nitong s...