"Hindi ako makapaniwala.." sabi ni #7694 habang nakatingin sa nakahiga at walang malay na si Kyra.
Isinama ni Mang Roger si #7694 sa ospital matapos hilingin sa kaniya nito na gusto niyang makita ang babae sa larawan.
"Paano to nangyari" napailing si #7694 na pilit na iniintindi ang nangyayari.
"Hindi ko alam kung papano to nangyari, iha. Nagulat rin ako ng makita kita sa kalsada."
"Ako nga pala si Roger, tatay ako ni Kyra." nakangiting sabi nito. "Ano nga palang pangalan mo? at bakit ganyan ang suot mo?"
Napatingin si #7694 sa sarili niya. Iba nga naman ang suot niya kumpara sa mga taong nakasalubong niya. Suot-suot niya ang maluwag at itim na bistidang long sleeves na abot hangang sa paanan niya. Ni wala nga siyang suot na sapin sa paa.
Walang pangalan si #7694, hindi naman niya pwedeng sabihin sa lalakeng kausap niya na mga numero lang ang tawag sa kanya.
Agad pumasok sa isip niya si Erin. Poch ang tawag ni Kyle dito.
"Poch." mahinang sabi nito. "Poch ang pangalan ko."
"Saan ka naman naka-tira?" mabilis na tanong ni Mang Roger.
Nang hindi sumagot si Poch, naisip niya na baka wala itong tirahan dahil na rin sa itsura nito ng nakita niya ito sa kalsada.
"Kung wala kang matutuluyan, pwede ka muna sa bahay namin." alok nito. "Yun eh kung ok lang sayo?"
Hindi sumagot ito sumagot dahil sa tingin niya, hindi naman niya kailangan ng matutuluyan.
"Anong nangyari sa kanya?" binasag ni Poch ang katahimikan sa tanong ba iyon.
"Di ko alam iha." nakayukong sagot nito. "Isang araw na lang, nakita siya ng mga pulis sa parking lot ng isang mall, wala na siyang malay."
Inilipat ni Poch ang tingin niya mula kay Mang Roger papunta sa natutulog na si Kyra. Nakita niya sa itaas ng ulo nito na mayroon pa itong 50 taon sa buhay nito.
"Gigising siya." biglang sabi ni Poch.
Napabuntong hininga ang matanda at tsaka tumayo.
"O pano? Dito ka muna. Kukuhanan lang kita ng mga gamit para makapag-palit ka na. Pagpasensyahan mo na't mga gamit lang din ni Kyra ang madadala ko ha?"
Tumango lang si Poch at lumabas na ang matanda.
Ilang minuto na ang nakalipas mula ng umalis si Mang Roger nang naisipan ni Poch na tumanaw sa bintana. Hindi pa din siya makapaniwala sa nangyayari sa kaniya.
Inikot niya ang tingin sa paligid at lahat ng madapuan ng tingin na ito ay may kulay. Napapikit ito ng naramdaman niya sa unang pagkakataon ang ihip ng hangin.
*KNOCK KNOCK!!*
Dalawang katok mula sa pintuan ang gumulat kay Poch. Agad-agad nitong idinilat ang mga mata niya, humarap sa pintuan at naghanda para dukutin ang kalawit niya mula sa likod.
Pag bukas ng pinto.
"Vital signs po-" napatigil ang nakaputing lalake na may tulak tulak na stainless na cart ng makita si Poch. Nagpabalik-balik ang nanlaki nitong mga mata kay Kyra at kay Poch.
"Sino ka?! Paano- Bakit-" walang matapos na tanong ang lalaki dahil sa sobrang gulat.
Hindi din alam ni Poch ang gagawin dahil bukod sa hindi siya sanay na makita ng nga tao.. ang lalakeng nakaputi ay si Kyle.
Papatakbo na sana palabas si Kyle nang..
"Te.. teka! Ako si Poch!" mabilis na sigaw nito. Huminga ito ng malalim "kakambal ko si Kyra"
Nagsinungaling si Poch dahil yun lang ang paraan para hindi mag-tawag ng atensyon si Kyle. At halatang halata ang pagka-gulat ni Kyle sa binangit na pangalan ng babaeng nasa harap niya pero ipinag-bale wala niya yun.
"Pasensya na. Nagulat kasi ako. Sobrang magkamukha kasi kayo tapos.." nahinto si Kyle sa pagsasalita at tinignan si Poch mula ulo hangang paa.
"Tapos ano? Yung damit ko?" sabi ni Poch habang papatalikod kay Kyle at papaharap sa bintana.
"Hindi! Hindi yun.." depensa ni Kyle
"Pwede ba Kyle? Alam ko pag nagsisinungaling ka." sabi ni Poch ng nakaharap pa din sa bintana.
Nagulat si Kyle sa narinig niya. "Kilala mo ko?" Kunot noong tanong nito.
Nun lang napag-tanto ni Poch na hindi pa pala nagpapakilala si Kyle sa kanya. Buti na lang bumukas ang pinto at dumating si Mang Roger.
"Ah! Kyle!" tinapik ng matanda ang balikat ng binatang nurse.
"May kakambal po pala si Kyra no?" napaharap si Poch sa pahayag na iyon ni Kyle. "Medyo nagulat ako pag-pasok ko eh. Hehe."
Nagkatinginan si Poch at mang Roger. Mahahalata sa mukha nito ang pagtataka. Isang kibit balikat lang ang isinagot ni Poch dito.
"Dala ko na yung ibang mapag-bibihisan mo. Andito lang sa bag. Kunin mo na lang pag gusto mo na mag-bihis." sabi ni Mang Roger habang inilalapag ang mha bag na dala niya.
Naupo si Poch sa silya sa mismong paanan ni Kyra. Tinititigan niyang mabuti si Kyle na noon ay pinapalitan ang dextrose ni Kyra nang mapansin niya ang isang itim na nilalang sa likod ni Kyle.
Alam niya kung anong nilalang ito dahil magkaparehas sila ng suot nito. Itinaas niya ang tingin sa ulo ng nilalang pero nakatakip ang mukha nito at tanging mga labi lng ang maaaninag mo.
Alam ng nilalang na iyon na nakatingin siya at nag-bigay ito ng isang ngiti; isang nakakatakot at nagbabantang ngiti.
Unti unting naging itim na usok ang katawan ng nilalang na ito hangang sa tuluyang nag-laho.
BINABASA MO ANG
Soul Searching
Mystery / ThrillerSi #7694 ay isang babaeng taga-sundo/kamatayan/grim reaper at kung ano-ano pang tawag sa nangongolekta ng kaluluwa ng tao. Isang gabi, kinuha niya ang kaluluwa ng isang dalaga at nabalot siya ng mga ala-ala at damdamin nito tungkol sa nobyo nitong s...