KABANATA 1

2.2K 45 1
                                    

5 years later...

Kalalapag lamang ng eroplano galing Italy. It's been a year since i came back home. Hindi ako makapaniwalang sa tagal ng nilagi sa ibang bansa'y magagawa kong umuwi ng sapilitan sa Pilipinas.

Napukaw ang malalim na pag-iisip ng may yumakap mula sa binti ko.

"Mommy, so hot na talaga..." anang bata habang halos mamula ang pisngi dahil hindi sanay sa humidity ng lugar.

"I'm so sorry baby, but we have to stay here for a couple of months cause' mommy will need to arrange the property and wake of your lolo papa." malungkot na pahayag sa anak.

I can't believe that all my sacrifices will just quickly vanished.

"But will Lolo wake up and going with us?" inosenteng tanong ng anak, hindi ko magawang sabihin sa kanyang wala na ang pinakapaborito niyang lolo.

Pumantay ako sa anak at matamang tinignan ang kanyang sinserong mata.

"Sad to say baby, Lolo will not be going with us anymore. He was in heaven right now and very happy being with your Lola mama" hinaplos ko ang buhok niya.

Alam kong kahit sa murang isip ng anak ay naiintindihan niya ang mga bagay-bagay ngunit mas mahirap ipaliwanag ang ilang sitwasyong hindi akma sa edad kung pilit ipapa-absorb sa bata.

Denver Gad is my precious miracle from above. I know that he was made by mistake but he was an exception to all my flaws as daughter, as a woman and as a mother.

Naglakad kami palabas ng airport at agad nakita ang magsusundo sa amin patungong bahay ng mga magulang.

Sa daan ay tahimik kong binalikan ang mga alaalang pilit kinalimutan sa loob ng maraming taon...

"Destiny!" tawag ng kaibigang si Suzy.

Agad akong napabalikwas mula sa binabasa dahil sa biglaang pagsulpot ng kaibigan mula sa kung saan. I also fixed my thick glass before i sluggishly looked at her.

Tiyak mang-gugulo lamang ito sa pagbabasa ko.

"Ano na namang kailangan mo Suzy? Hindi mo ba nakikitang nagbabasa ako?"

"Itigil mo muna iyang kanerdihan mo okay?" she muttered.

Bahagyang tumaas ang kilay dahil sa nasabi ng kaibigan ngunit upang matigil lamang siya ay binaling ko sa dalaga ang buong atensyon.

"Ano ba kasi yang sasabihin mo?"

"O.M.G as in jaw dropped! Would you believe? A college party will be held in our house this coming saturday?" anitong bahagyang kababakasan ng excitement ang boses.

"So?"

Muling binuklat ang librong binabasa at pinahalatang walang interes sa binalita ng kaibigan.

"So? Is that how you thank me Destiny?" may bahid pagtatampo ang boses nito.

"What do you mean? spare the drama Suzy. look I have so many---"

"Even if XavierRod Villaforte is also invited?"

Natigilan ako sa pangalang binanggit ni Suzy. Did I hear it right? Is he coming? then what the heck am I doing right now? we should shop! for god's sake!

"Earth to Destiny! Did you swallow your tongue my dear?" pang-aasar nito.

Tumayo ako at nagmamadaling nilagay ang aklat sa loob ng bag.

" Shall we?" tanong sa kaibigan ngunit halatang naguluhan ang babae kung kaya't hinatak ko na lamang siya palabas ng library upang magpasama sa mall.

HOMIGEN SERIES III: "A Gift of One Night"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon