BRYAN’S POV
Umuwi lang ako sa bahay. Hindi na ako nakapag paalam kay Krissy. Nakakahiya naman kung gigisingin ko pa diba? May kihuha lang ulit. Nakakatamad na ngang pabalik-balik e. Nakakatuwa yung mga katulong namin. Niregaluhan pa ako. Buti pa sila. Tss! -_- Hmm. Tahimik yung bahay. Walang magulo at wala yung maingay. Wala kasi dun sina Drake at Auntie e. Baka nagliwaliw. Tsss! Daya!
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa isang church. Anong ginawa ko? Malamang nagdasal. Tss! Anong akala nyo sakin? -_- Nagpasalamat lang ako kasi buhay pa ako. Binigyan nya pa ako ng isa pang taon. Humingi na ako ng tawad sa mga kalokohan ko noon. Pinagdasal ko na din yung mga magulang ko na sana bantayan pa din ako kahit wala na sila. Nagpasalamat din ako kasi nandyan si Krissy. Binigay nya sakin si Krissy. Ayun! Yun lang.
*BZZZZZZZZZZZZZZZZZZT*
*BZZZZZZZZZZZZZZZZZZZT*
Nandito na ako sa tapat ng pinto namin.Tagal naman nyang buksan ng pinto! Hapon na e. Tss! Gising na yun. What is she doing? Busy ata! =__=
*knock knock knock*
Aba wala pa din. Hays! Stupid! May susi nga pala ako. -___________-
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Krissy sa kwarto na parang nagsusulat ata sya. Nakatalikod kasi kaya hindi ko makita. Hinalikan ko sya sa may bandang tenga tska niyakap ko sya mula sa likod pero tinulak nya ako.
“Hoooy! Di ka man lang kumakatok.” Ayy! Badtrip? Hindi daw. Kanina pa ako nag dodoorbell tska kumakatok e. Masyado kasi syang abala dun sa ginagawa nya. Ano kaya yun? May tinatago kasi sya sa likod nya e.
“Babe! What’s that?”
“WALA KANG PAKE!” Tsss! Curiosity kills.-_- Mainit ulo ng babe ko ah. Meron ba sya ngayon? May nagawa na naman ba ako? May bumadtrip ba sa kanya? Hayyys! Kakasimba ko lang. Ayaw ko gumawa ng kasalanan agad. -_-
Di ko naman kaya na iniiwasan nya ako. Ayun. Inamo-amo ko sya. Hayssssssssssss! Sawakas at kinausap nya na din ako. Thank you, Lord! Hoooooo! :D Okay na ulit kami.
“Sorry po ah. Si Pam kasi e. Hahhahah! Happy Birthday, babe! Yiiee! Matanda na sya! I love you! Mahal na mahal kita!” Niyakap nya ako tska nya ako pinaghahahalikan. Wow! Sana birthday ko na lang lagi. ^_^
“Okay lang. Mahal na mahal mo talaga ako no? May ‘iloveyou’ na may ‘mahal na mahal kita’ pa. Hahahha! Btw, where’s my gift?”
“Eto!”She handed me a paper. Ano na naman to? Tss! Puro talaga to kalokohan e. Baka resibo o kaya utang o kaya drawing.-_-
“Wag kang mag-alala. Maayos yan.” Mind reader talaga. Tska nya ako pinakitaan ng nakakainlove nyang smile. Uggh! Ang ganda.
Ayon. A handwritten letter. Maganda pala sya magsulat. :D Sa lahat ng mga naging girlfriend ko, sya pa lang nagbibigay sakin ng ganito. Sobrang nakakatuwa. So, this is what she’s writing kanina pa. :D
HEEEEEEEEY,
Si Bryan Ferrer? Babe ko yan. Sya yung tipong badtrip na ako, mang-aasar pa. Sya din ang ka-PDA ko lagi (Public Display of Abnormality). Ako nagluto at nagpakahirap, sya ang uubos. Tatawa na lang sya, babatukan pa ako. Kahit umagang-umaga, susungitan ako. Sabagay di ka siguro si Bryan kung di ka ganyan. Kahit na abnormal ka, kahit na magulo ka kausap, kahit na binababaan mo ako ng cellphone, kahit na para kang monster kumain, kahit na malurit ka, kahit na malakas ka maghilik, kahit na waley yung mga jokes mo, kahit na demanding at maarte ka, MAHAL NA MAHAL KITA!
BINABASA MO ANG
It All Started at Room 1202 (On-hold)
Teen FictionEverything went wrong when that bastard drunk man entered my room.