IASAR1- Chapter 26

411 10 3
                                    

KRISSY’S POV

“Totoo ba?”Hinigit akong bigla ni Bryan mula sa kama. Hawak nya ako sa braso ng sobrang higpit. Hindi ko sya maintindihan. Ano ba pinagsasasabi nya? Totoo? Alin ba ang totoong sinasabi nya?

“Ang alin? Tek-teka! Nasasaktan ako, Bryan. Di kita maintindihan.”Sagot ko sa kanya na halos paiyak na ako dahil sa takot sa kanya. This is the first time he became like this towards me.  Nakakatakot yung mga titig nya. Para syang anghel na naging demonyo in a snap.

Nilapit ni Bryan yung muka nya sa muka ko. Tinitignan lang nya ako sa mata. “Goddammit, Krissy! Sino bang naka-una sayo?! Ha? SINO?!”

“Ano bang sinasabi mo? B-bryan! Nasasaktan ako..”

“Hindi mo ako naiintindihan? Ikaw din hindi ko maintindihan! Yung gabing nagkatampuhan tayo! Nasan ka?! Nagsinungaling ka sakin! YOU LIED, KRISSY!”

“Br-bryan! Babe,*sniff* Makinig ka muna sakin.. *sniff*”

Kanina pa nya ako hindi iniimik simula nung sermonan nya ako. Kanina pa din ako umiiyak at nag mamakaawa sa harapan nya. Sana kausapin nya ako. Sana naman pakinggan nya ako. Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam ang susunod na gagawin at mga sasabihin ko. Natatakot ako sa pwede nyang isagot.

Tiningnan muna ako ni Bryan ng ilang mga segundo at tska sya nagsalita.

“Bakit? *sniff* Hanggang kalian mo to balak itago, Krissy? Damn you! I trusted you both!”

“Babe.. Makinig ka muna sakin. Aksident—“

“Aksidente ha!! It was just an accident, Krissy? Hahah! Wow! You gave your first kay Steve. Kay Steve, Krissy!.. “

“..pero makinig ka muna sakin. Wag ka ng magalit..” Pagmamakaawa ko.

Hindi ko alam na ganito pala kasakit. Sobrang nahihirapan ako. Ano ba to! Bakit ba to nangyari lahat?! Ano ba nagawa ko at pinaparusahan ako ng ganito.

“You’re expecting me not to get mad? Huh! Totoo nga! Hahaha! Now I know.. Grabe! Truth really hurts. Bakit, Krissy?! Alam mo bang ang sakit ha?! Inalagaan at inantay kita… Bakit, Krissy?! Ayoko na! I love you so much pero ayoko na.”

“Ano bang sinasabi mo? Pakinggan mo muna ako..”

Tumayo sya at pumunta sa may mga damitan namin. Kinuha nya yung bag ko at sinimulang ilipat ang mga damit ko sa bag. Hindi ako makagalaw ngayon sa pwesto ko. Pakiramdam ko nag-iisa ako. Ayaw nya ako pakinggan. Kanina pa ako humahagulgol pero di nya ako pinapansin. Dati konting luha pa lang yayakapin nya agad ako at papatahanin. Ang sakit! Dapat pala sinabi ko nung una pa lang..

“Get out! Ayoko na makita ka!”

It All Started at Room 1202 (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon