CHAPTER 27: My night at the hospital...

39 0 0
                                    

CHAPTER 27: My night at the hospital...

 

HANNAH...

'Why are you still here, ate?' tanong ko kay ate Angela sa english para maintindinhan ni Julius..

 

Gabi na kasi. Sabi ni Julius, umaga pa raw sila nandito ni attorney. Umalis lang si attorney ng makapananghalian na sila.

 

Sabagay, hindi ko pa nakikita si attorney sa maghapon. Tulog kasi ako lagi pag narito siya.

 

'Why? You dont want me here? Is my presence disturbing you?' ganting tanong ni ate Angela in english din.

 

'No. You should go home to your husband and make babies' sabi ko na ikinagulat ni ate Angela. Napatawa si Julius. Alam kong kahit kunwari ay nagbabasa siya ay nakikinig sa usapan namin.

 

Alam kong curious siya sa usapan namin kanina at pinatatanong niya kay ate ang tungkol dito.

 

'Sorry for eavesdropping. I will buy food for dinner. What do you want?' excuse niya para siguro makapag-usap kami ni ate Angela.

 

'Oh, dont worry about me. Pinalalayas na nga ako dito. Para siguro magkasarilinan kayo.' sabi ni ate Angela. English at Tagalog. Napakunot noo si Julius.

 

Kinurot ko ang braso ni ate Angela. Tumawa naman siya.

 

'Hindi naman kita pinalalayas, ang sabi ko lang, umuwi ka at gumawa kayo ng maraming anak' bulong ko kay ate Angela.

 

Pinisil ni ate Angela ang ilong ko. Tinampal ko ang kamay niya. Tawa siya ng tawa.

 

'Narito daw ang mokong kanina?' pagkukumpirma ni ate Angela ng maka-alis si Julius. Tumango ako.

 

'Ano na naman ang sinabi?' tanong niya. Nagkibit balikat lang ako at akmang hihiga, pero pinigilan ako ni ate Angela.

 

'Hannah, hindi kita pipilitin magsalita. Basta tandaan mo, narito lang ako, kami. Hindi man tayo magkadugo, pero sana nararamdaman mo kung gaano ka kaespesyal para sa amin.' sabi niya.

 

'Gusto niya umuwi ako ng Pilipinas at ipagpatuloy ang relasyon namin' sabi ko.

 

'Iiwan daw ba niya ang doktora?' tanong niya. Umiling ako. Napamura si ate Angela.

 

'Wag mong sayangin ang energy mo para sa kanya, ate. Hindi na ako kailanman babalik sa kanya. Unti-unti na akong nakakamove-on. Salamat sa iyo, kay attorney, sa pamilya ninyo at kay Julius.' sabi ko.

'Basta, nandito lang ako, hmmnn..' sabi niya at ngumiti.

 

Ang ganda talaga ni ate Angela. Kahit gaano kasakit ang ginawa ni Arnold, may ibinunga naman itong maganda. Ang makilala ko ang babaeng ito. Hindi siya perpekto, pero wagas kung magmahal. Minahal niya ang asawa niya ng walang pag-alinlangan kahit na niloko siya nito.

MY KOREAN DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon