CHAPTER 1: My Dream..

173 5 0
                                    

CHAPTER 1: My Dream..

Anyong aseyo.. tama ba ang pag pronounce ko? Hehe.. Hindi kasi masyadong marunong ng Hangul (Korean Language) although isa akong Tourist Guide dati. Tagalog na lang para mas maintindihan. ahihihi.. -_o"

Hello po, ako si HANNAH MACABAIAN o Ana para sa tatay kong Kapangpangan.

Hannah Mariah Hagupit Macabaian. Bale yung Hannah galing sa pangalan ng tatay ko na si Anastacio Macabaian na medyo pinaganda lang ang spelling at ang Mariah galing sa nanay ko as in Maria Hagupit na parehong sumalangit na ang kaluluwa.

Opo, masakit man sabihin pero sumalangit na sila pareho dahil mababait sila. Kaya nga maaga silang kinuha ni Lord, eh.

Ngunit, datapwat, subalit.. siguro mas mabait ang nanay ko dahil nauna siya. Namayapa daw siya dahil sa kumplikasyon sa panganganak. 2 months pa lang daw ako ng kunin siya ni Lord.

Si tatay naman, last year lang. Kabababang luksa pa lang namin noong nakaraang buwan. Natulog lang siya, hindi na nagising. Walang paghihirap, wala man lang farewell my child o kaya ay goodbye to my daughter na naganap. As in ganun lang. ("T_T")

Magtu twenti five na ako sa November. Pero sa ngayon dahil July pa lang, 24 lang ako.

Nasa Ninoy Aquino International Airport ako ngayon. Ang flight ko, Manila - Seoul. Pupuntahan ko ang aking dream man. Excited na nga ako!!! (o________o)

Mali.. mali kayo ng akala. Hindi siya isang Korean. Pilipino siya. Pilipinong doktor na nadestino sa Korea. Dr. Arnold del Castillo M.D. Oh, di ba pangalan pa lang, WOW nah?!!

Ahh, ang title? ?? Ganito kasi yun...............................

Sosorpresahin ko kasi si labs ko. Mukha kasing wala na siyang balak manirahan sa Pilipinas, so doon na rin ako maninirahang kasama niya.

A/N.. so hindi alam ni labs mo na darating ka??????

Kaya nga sorpresa diba??!! Wag ka munang epal ms awtor ha, moment ko to.. saka di ba sa taas ang moment mo o kaya sa baba?? kalagitnaan eepal?? emote na emot epa naman ako!!

A/N.. sorry naman.. excited much lang.. heheh!!

Eto nah... Kaya 'Korean Dream' dahil doon sa Korea ko bubuuin ang mga pangarap ko. Para sa sarili ko at syempre para sa labs ko. Doon kami bubuo ng pamilya at tahanan, magkakaroon ng maraming anak.. as in marami.. ang lungkot kasi ng nag iisa.

Sorry 7,000 or more Islands of the Philippines. Pero tama ang dinig nyo, Sa Korea na ako maninirahan. Sorry talaga.. although sounds makabayan ang apelyido ko, ganun talaga ehh.. -_-" (blushed)

Tuloy ko lang ang kwento ko about me ha..

Nag-asawa uli ang tatay ko, di rin naman ako pinalad magkaroon ng kapatid.. ay may step sister nga pala ako, pero wala rin, hindi kami in good terms. Masyadong selosa saka inggitera.

Parang yung step sister ni Cinderella.. Sabi ng mga friends and officemates ko, reincarnation daw kami ni Cinderella at ang kanyang step mom at step sister. Pero di nemen masyadow.. medyo mabait naman ang step mother ko. Nung mamatay ang tatay saka lang siya naging mataray. Naiintindihan ko naman yun.. Wala na kasi ang 'my labs' niya (si tatay kasi.. bakit kinalimutan ang paghinga.. tskk!).

Excited na ako. Oo, lam ko unlimited na ako sa kasasabing excited na ako.. ehh kasi yun naman ang happy truth eh.

EXCITED NA TALAGA AKO!!! Makikita ko na uli ang labs ko after a year. Kwento ko lang ang aming love story, ha?

We met sa tapat ng FEU 4 years ago. Magtatapos na ako noon sa aking kursong Foreign Service. Siya naman, nasa last year ng internal medicine. Grabeehh.. ang porma niya sa dr. uniform niya!! Na love at first sight ako. Ahihihi.. Kilig much..

Uwian nung time na yun. Nag-aantay ako ng masasakyan. Maulan pa naman nun. Ang suot ko? skirt na pencil cut, royal blue ang kulay, white na long sleeve at na may hankie bandana sa collar.

Ang hirap sumakay! Grabee.. as in grabe to the max! Punuan ang mga jeep. Ayaw ko namang mag taxi, super mahal. Nagtitipid kasi ako for graduation. Naaawa kasi ako kay tatay sa dami ng gastusin ni Maycah (name ng step sister ko). Eh supervisor lang si tatay sa isang factory ng biscuit sa may Reliance Avenue. Kaya pag hindi ako nag super tipid, wala akong gagastusin sa graduation ko.

Higit isang oras na akong nag-aantay ng masasakyan. Nangangawit na ang legs ko sa kakatayo. Standing ovation pa naman ang aming hands on kanina feeling stewardess na 8 hours ang presentation sa mga faculty.

Syempre, pasado ang group ko with amazing and flying colors. (o_-) ahihihi.. hindi sa nagyayabang ako pero, un yun ehh..

Inip na ako grabe! Ng may sumadsad na kotse. Ang ganda ng kotse.. as in cool. Ang hindi lang cool, yung sinagasaan ng gulong ng magandang sasakyan ang tubig na nasa tapat ko. Kaya ang siste.. yung white blouse ko, nagkaroon ng map of the Philippine Islands. Kakaasar.. Tarantadong driver.. sasabunutan ko ito pag baba niya!!

Kaso lang, pagbaba.. makalaglag panty ang kagwapuhan, as in talaga.. Para akong namamalikmata. Tila isang angel ang bumaba sa magandang kotse. Nakaputi kasi.. Parang adonis!! Ahihi.. hindi ako landi ahh.. humahanga lang..

'Miss, sorry, sorry.. kung gusto mo hatid na lang kita kung saan ka pupunta' sabi ni Adonis este ni Arnold.

Ahhh.. hindi na ako nagpatumpik tumpik.. karaka raka akong sumakay sa maganda at maningning nyang kotse.. kasi naman nababakat na ang aking bra sa pagkabasa ng blouse ko.

Yun na ang simula ng 4 years and still going strong ng relationship namin..

MY KOREAN DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon