Chapter 4

50 1 0
                                    

Unedited...maraming typos and grammar..

JADE POV

Sumakay na ako ng bus papunta sa probinsya namin. Hindi na ako nakisabay sa mga staff and direktor kasi hindi ako sanay na nakikisakay kasama nila.

Mas nauna pa ata silang nagbyahe ata total alam naman nila ang daan papunta sa probinsya namin.

After three hours ay nagstop over yung bus sa isang eatery and store sa gilid ng daan. Almost six hours kasi ang byahe papunta sa probinsya namin and may three hours pa.

Lumabas muna ako sa bus para umihi muna.

Buhat na buhat ko yung bag ko na naglalaman ng dalawang pares ng damit at iba pang gamit ko palabas sa bus.

Plano ko lang ay two days lang ako dun kasi marami pa akong asikasuhin sa Maynila.

"Ale, saan po dito ang c.r niyo?" Tanong ko sa tindera nung makapasok na ako sa eatery.

"Diyan po sa likod" sagot ng tindera sa kin sabay turo ng daan.

Sinunod ko na lamang ang utos niya at sa wakas nakita ko agad yung C.R.

Pagkatapos kong umihi ay naghandwash pa ako at saka nagretouch ng kaunti at bumalik sa lob ng eatery.

Pagkarating ko dun ay laking gulat ko ng makita ko na wala na bus sa harap ng bus. Kaya nataranta akong nagtanong ulit sa tindera.

"Ale, saan na po yung bus?" Tanong ko sabay turo sa kinaroroonan ng bus.

Napatingin naman yung tindera sa akin.

"Ah eh...umalis na ata"

"Ha?ano?" Gulat kong sigaw. Eh sino ba kasi ang magugulat na bigla ka lang maiiwan sa lugar na di mo kabisado.

Oh my! Iniwan nila ako dito. Oh gosh..imagine maayo pa yung bayan nmin dito...may three hours pa ata.

Hindi na ako mapakali dito at wala na akong maisip na paraan kaya napaupo na lang ako sa harap ng store at mukhang nawalan ng pag-asa.

Hindi ko pa naman kabisado at lugar na ito.

"Saan ka ba pupunta?" Biglang tanong ng tindera.

"San Sebastian po" wala akong ganang sagot.

"Hays...malayo-layo pa ata ang pupuntahan mo"

Tumango-tango na lang ako at napatingin sa kalsada at nagbabasakaling may dumaan na bus pa pero tingin ko yun na ang last trio kasi dumidilim na eh.

Hays...Lord..please help me naman oh. Next time ayaw ko ng sasakay ng bus at promise..bibili na ako ng sasakyan ko.

"Wala na bang mga dumadaan na ibang sasakyan papunta sa San Sebatian?" Tanong ko ulit sa tindera.

Napailing lang ito kaya mas lalo lang akong nawalan ng pag-asa. Hays..isinusumpa ko talaga yung bus na yun...yung konduktor na yun..

After One hour...

Andun pa rin ako sa eatery na nakaupo na halos di na ata maipinta ang mukha ko sa kabwisit na nangyari sa akin ngayon.

"Ah Mister, pasensya na ah pero dumidilim na eh...magclocose na kami"

Napatingin ako sa tindera na nakatayo na ito sa tabi ko at inaayos na niya ang mga upuan sa eatery at sinasara na niya ang mga bintana.

kahit di ko pa gustong umalis dun kasi wala nga akong alam na pupuntahan ay napilitan na akong tumayo at akmang aakis na dun ng may biglang huminto na  BMW car sa tapat ng store at eatery na kinatatayuan ko.

Maya-maya ay lumabas ang isang oh my! Gwapong nilalang...charing..isang matipunong lalake. Kund di ako magkakamali ay kasing edad ko ata.

Lumapit siya sa store at saka tinawag ata yung pangalan ng may-ari. Yung tindera na kinausap ko kanina.

"O Ikaw Pala Xian, anong bibilhin mo?" Tanong ng tindera. Magkakilala sila mismo.

"mineral water lang tita"

Nakatingin lang ako dun sa dalawa. Pero umiwas ako agad ng paningin sa kanila nung mapatingin sa akin yung lalake at kunwaring inaayos ko ang bag ko at akmang aalis na dun pero narinig ko yung tanong ng tindera sa lalake.

"Di ba taga San Sebastian ka Xian?"

"Ah opo tita"

Hmp..di ko na pa pinagpatuloy pa yung pag-alis ko dun kasi umaasa ako na masagot yung hiling ko. Kaya nakinig na lang ako.

"Doon ka ba pupunta?"

"Opo tita, bakit po?"

"Ano kasi iniwan ng bus yung isang pasahero nila na pupunta dun at kanina pa sya rito"

Biglang tumingin yung lalake sa akin nung sinabi ng tindera yung sagot niya. Siguro alam na niya na ako yung tinutukoy nito.

"Siya ba?" tanong ng lalake sa tindera sabay tingin ukit sa akin.

Tumango lang yung tindera.

"Ano tita..mauna na ako" biglang paalam yung lalake.

Oh my! I'm expecting na yayayain niya ako pero ganun bigka niya akong iniwan dun kaya di na nagtumpiktumpik pa at agad na sumunod sa lalake. Ayaw kong maiwan dito na hanggang mag-umaga no.

Mamamatay nalang ako dito kung mangyari yun.

"Hey excuse me" pigil ko sa lalake nung akmang papasok na ito sa sasakyan niya.

Tumingin lang sa akin na nakakunot ang noo nito.

"Hmp..I heard na pupunta ka sa San Sebastian so maaari bang makisakay? Naiwanan kasi ao ng bus kanina nung nagstop over dito" deretso ko ng pahayag.

Nagbabasakali na ako na pumayg siya. Sana please..sumang-ayon ka naman oh.

Hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang siya sa akin. Pwes gagawin ko ang lahat mapa-oo ko lang siya.

"Please..magbabayad ako kahit magkano...please"

Imbes na sagutin niya ako wala na..bigla itong oumasok sa driver seat at isinara na niya ang pinto.

Bigla na lang akong napayuko at gusto ko ng umiyak.

Wala na...hindi na ako makakarating sa San Sebastian..hays ang malas ko naman oh.

"Come in" biglang nagsalita yung lalake at ng iangat ko ang paningin ko ay nakabukas ang front seat.

Napatulala pa ako kasi akala ko di niya gusto na makisakay ako.

"Ano? Di ba gusto mong makisakay?" Sigaw niya sa akin kaya napatango na lang ako.

"Eh ano pang ginagawa mo diyan?" Narinig konh tanong niya pero base sa itsura niya ay naiirita na ito.

Kaya patakbo akong lumapit at pumasok sa loob ng sasakyan nito.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Okay guys...yan muna ang update ngayon...

Hahaha...kawawang Jade..naiwanan ng bus...sino naman si Xian?

Mas makilala niyo pa siya sa susunod na kabanata...

Leave comments at votes please.

Salamat readers..

UNFULFILLED PROMISES PART 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon