Chapter 10

3 0 0
                                    

May mga typo errors....pakiunawa na lang po!!!! Salamat!!!
>>>>>>>>>>

Jade POV

Nakapiring pa rin ang aking mga mata at nakabusal pa rin ang aking mga bibig. Tanging pag-ungol lamang ang aking nagagawa. Ramdam kong nakatali ako sa isang upuan sapagkat hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko.

Rinig ko ang mga yabag sa aking paligid. Maya-maya ay may nagsalitang babae. Parang nabobosesan ko ang tinig ng babae.

“Tanggalin niyo na ang takip ng mata ng taong yan” utos nito sa mga kasama niya.

Tinanggal naman nila agad ang panyong nakatakip sa aking mata. Nanlalabo pa rin ang aking paningin hanggang unti-unti itong luminaw. Inilibot ko ang aking paningin at nasa isa kaming kwarto na tiyak na alam kong abandonadong building ito batay sa itsura na ng kwarto.

Matapos kong ilibot ang aking paningin ay tinignan ko ang babaeng nagsalita kanina at napamulat na lamang ako dahil tama ang hinala ko. Kilala ko ang babaeng ito.

“Ano? Nagulat ka?” sabay ngisi ng babae sa akin.

“Hmpp..hmp..” tangin ungol lang ang tugon ko.

Napatawa ito saka paikot na naglakad sa aking kinalalagyan.

“Well…para makausap naman kita bago ka mawala sa mundong ito, sige tanggalin ang busal ng bibig nito” utos niya sa mga kasamahan niya.

Bale tatlong lalake ang kasama nito sa kwarto na alam kong sila ang nagbabantay sa akin.

“Ikaw? Bakit mo ginagawa ito sa akin?” agad kong tanong.

“Buti naman at yan agad ang naitanong mo. To answer yung question, ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko maangkin si Eman” pasigaw niyang sagot.

Hindi agad ako nakaimik dahil yung taong yun na naman ang dahilan kung bakit nandito ako sa kalagayan na ito.

“Anong kinalaman niya dito? Eh wala na kami sa taong pinagsasabi mo”

“Huwag kang magdahilan pa!” giit niya.

“Bumalik si Eman dahil sayo. Akala ko magkakatuluyan na kami pero sinabi niya sa akin ng dahilan ng kanyang pagbabalik at dahil yon sayo” dagdag niya na may halong galit sa tono nito.

“Hindi totoo yan. At wala na akong balak na balikan pa siya.”

“sinungaling?” galit niyang sabi sabay sampal sa aking mukha. Magsasalita pa sana siya ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki  sa kwarto na may ikinabigla ko.

“Kumusta Jade?” pabungad niya sabay ngumisi sa akin.

“Ka…sab…wat ka rin nila?” pautal-utal na tanong ko sa pagkagulat ko.

Napatango na lamang ito.

“Bakit?” nagtatakang tanong ko.

“May malaki kang atraso sa ama ko.” Sagot niya.

Tinignan ko lang siya ng clueless na expression.

“Ikaw ang dahilan kong bakit nasira ang career ng father ko sa politika.” Galit niyang sabi.

“Hindi kita maintidihan” nanginginig kong wika.

“Kilala mo si Efren Gonzales? Ha?”pasigaw niyang tanong sa mukha ko.

Napayuko ako saka inalala ang pangalan ng taong binanggit nito. Oo siya ang politiko na ginawan ko ng artikulo noon dahil sa corruption at drugs na kinasasangkutan niya, 3 years ago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNFULFILLED PROMISES PART 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon