Chapter 6

62 1 1
                                    

Typos and grammar error..unedited..salamat sa pag-unawa..enjoy reading...

JADE POV

"Anak may bisita ka" sabi ng aking nanay nung pumasok siya sa aking kwarto.

Kasalukuyan akong nagloloptop ngayon. Anyways...natulog ako kanina nung umuwi ako galing sa taping kasi gusto ko talagang itulog yung mga gumugulo sa isip ko.

"Sino naman nay?" Wala akong ganang tanong.

"Si Eman"

Agad akong napatingin sa nanag ko sa sinabi niya.

"ha? Bakit? At ano ang ginagawa niya rito?" Gulat kong tanong.

"Ewan ko. lumabas ka na diyan at kausapin siya para malaman mo" sabi ng aking ina saka muling lumabas sa kwarto.

Hays...kainis naman to..ano naman anv sadya niya yin dito.

Kaya wala akong nagawa kundi naglog-off na lang ako saka lumabas.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa sala at ng makita ako ay ngumiti siya pero dinedma ko lang.

kung tinatanong niyo kung may alam ng mga magulang ko tungkol sa amin noon ni Eman ay di ko sinabi sa kanila...kaya wala silang kaalam-alam.

"Anong kailangan mo?" mataray kong tanong saka umupo sa harap nitong sofa.

"Uhmmp..kwan kasi nagyaya si Xian na mag-gigs tayo ngayong gabi"

"So?" Sabay taas ko ng kilay.

"Inanyayahan ka niya"

"Bakit hindi siya ang pumunta dito?" Taray taray din pag may time.

"Ano kasi hindi niya pa alam ang bahay niyo since di pa kayo masyadong nagkakakilala kaya ako na yung nagprisinta na pumunta dito"

Bumuntong hininga na lang ako.

"Sige..susunod na lang ako basta sabihin mo na lang kung saan at darating ako" sabi ko saka tumayo na.

Well..gusto ko rin na magrelax no and gusto ko pang makilala si Xian...hahaha..yunv nga ba talaga ang dahilan?

"Ah...ano hintayin na lang kita para magsabay tayo" sabi niya.

Kaya natigilan ako at sumulyap sa kanya.

"Bahala ka" sabi ko na lang saka iniwan sa sala.

Well...ayaw kong makipagsumbatan sa kanya ngayon..wala pa ako sa mode..hindi ibig sabihin ma okay na ako sa kanya ah pero natatamad akong magalit sa kanya..may time din para sumbatan ko siya.

Naligo na ako at nagbihis saka nag-ayos ng sarili.

Pagbalik ko sa sala ay andun pa rin si Eman nakupo at talagang hinintay niya ako. Hmmp....

Kaya ayan nagpaalam na ako kay Kuya Bj since di ko naman makita si nanay sa bahay pati yung asawa ni Kuya..si Ate Sofia ay wala rin dun.

Ayan sumakay na kami pero napaka- auckward kasi di kami nag-usap man lang tanging mga hininga lang ang maririnih mo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating din kami. Lumabs agad ako sa Land Cruizer na sasakyan niya..

Nagulat ako kasi sa ancestral house nila kami mag-gigs.

"bakit dito? Akala ko sa bar?" Tanong ko sa kanya nung makalapit sa akin.

"Mas maganda raw dito...tahimik at saka maguko pag sa bar tayo pupunta"

Tumango na lang ako.

"Okay, sa garden na lang ako maghintay" saka lumakad palayo sa kanya.

Natigil na lang ako ng may himintong tricy sa kalsada at sumigaw sa pangalan ko.

UNFULFILLED PROMISES PART 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon