Chapter 1

147 2 0
                                        

        Ako si Adrian De Guzman. Isang high school student na kahit hindi masyadong active sa school, naka-angat parin sa pilot section. Mahilig ako sa indoor sports tulad ng chess, scrabble, etc. And, last but not the least, alam mo na, single. Meron akong napupusuan, isang babaeng napakaganda, halos nakikita ko siya lagi kasi kaklase ko siya. Ang pangalan niya’y Martha, Martha Natividad. Close kaming dalawa. Minsan sabay kami kumain habang recess or lunch, minsan gagala kami kahit saan, mapa-mall o kahit anong lugar para mag-window-shopping. Pero ngayong 4th Year High school na kami, wala ng time para sa mga ganyan. Hindi na kami mag-uusap ng matagal, hindi na rin kami masyadong mag-hahangout. Marami kasing gagawin katulad ng homeworks at projects.

        “Uniform? Check. Handkerchief? Check. I.D? Check. Okay, handa na ako for the first day sa school.” Pagbaba ko mula sa bedroom ko sa 2nd floor, binulaga ako ng nanay ko.

        “Good Morning Adrian! Time for school! Good luck today.”  “Salamat, Nay! Lalabas na po ako. Bye!” Hinihintay na ako ng service ko, kaya nagmadali na akong pumunta sa bus.

        Pagpasok ko sa sasakyan, nakita ko ang life-long bestfriend/classmate kong si Joseph Espinosa. “Hi Joseph! Puwede bang tumabi?”

        “Hello Adrian! Sige lang, umupo ka na. Musta ang summer?” sabi niya. “Ayun, boring. Wala kasi akong kausap eh. Kain-tulog lang ang routine araw-araw.” Diyan na nagsimula ang mahaba-habang usapan naming dalawa. Lahat iyon ay tungkol sa mga ginawa namin nung summer (actually, mga ginawa  NIYA) at ang mga magagandang mangyayari na baka matupad ngayong year.

        Nakarating na kami sa school. Pagpasok namin sa classroom, napansin namin na walang mga “new faces” sa klase. Lahat nandito, mga friends ko, mga kaaway ko, at si Martha. Halos puno ang classroom, tatlo nalang ang vacant na upuan, dalawang magkatabi at isa sa tabi ni Martha. Pinilit ako ni Joseph na umupo nalang kami doon sa dalawang upuan kahit gusto ko doon sa crush ko.

        Nagtaka ako, bakit may isa pang vacant seat, kumpleto naman tayong lahat. Biglang may katok, sabay bukas ng pinto. May lalaking pumasok, mukhang ka-edad namin. May itsura siya. Hindi siya parang basagulero diyan sa kanto, elegante siya. “May bagong student?”

        Siya si Rob Sanchez, isang heartthrob last year sa dati niyang school. Siya, sa lahat ng tao, ang tatabi kay Martha. Okay lang iyan. Malay natin, bakla siya o baka may girlfriend na siya. Di pa natin siya kilala. Nakita ko sila Martha, mabilis sila naging kaibigan. Kung tinanggihan ko lang sana si Joseph, kung umupo na lang sana ako sa tabi ni Martha, hindi ito mangyayari… At hindi ito magiging worse.

        Noong lunch, I tried to talk to Martha. Nakaupo siya sa gitna ng canteen. Kasama niya ang mga kaibigan niya, pati na rin si Rob. Wala ring nagawa. Nalamon ako ng hiya. I’m stuck with Joseph, kaya umupo na lang kami sa isang table at kumain, hinihintay matapos ang lunch break atat na atat umalis para hindi na makitang magkasama ang dalawa. Hindi ako makakapag-isip ng mabuti kapag tinuloy-tuloy pa ito. Kailangan ko gumawa ng paraan para makausap ko si Martha.

        On the third day of classes at lunchtime, naghanda na ako ng sasabihin ko. May determination na ako. May strength na ako para lumapit sa kanila.

       “Time to say something, Adrian,” bulong ko sa sarili ko. Naglakad ako palapit sa kanila pero noong nakita ko sila Rob at Martha, nagtatawanan, masayang nagkukuwentuhan, napatigil ako. Wala ulit, hindi nanaman natuloy ang plano dahil sa pagkaselos ko.

        Dumating ang Biyernes, walang nagbago. Nandiyan parin ang mga classmates ko, boring parin ang lessons, nagseselos pa rin ako. I did my daily routine, Attend my first, second, and third period. After that, lunch break then attend my next set of periods. Hindi parin natanggal ang simangot ko sa mukha.

My Impossible Girl (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon