(Credits for Dianne Ventura and Jose Edmar Ortiz Luis)
Kinabukasan, gumising ako ng maaga para pumasok at para hindi ko rin makasabay si Joseph. Naiinis pa rin ako, masakit pa rin ang ulo ko pati na rin ang damdamin ko. Syempre, bakit kasi best friend ko pa? Andito naman ako, nagmamahal ng tunay kay Martha.
Kapag kasama ko si Joseph, pumapasok ako ng school ten minutes earlier sa oras ng arrival ko. Dahil nga maaga ako, nag-ikot-ikot muna ako sa school at nagmuni-muni, puro katanungan ang iniisip ko, kung bakit nagawa iyon ni Joseph. Pabalik na ako sa classroom nang makasalubong ko siya. Pilit siyang nagpapaliwanag sa akin ngunit hindi ko siya pinakikinggan, hindi ko rin siya pinapansin.
“Adrian, ano ba, pansinin mo naman ako. Misunderstanding lang ang lahat. Wala akong ginagawang masama. Nakipag-usap lang sa akin si Martha at—“pagpipilit ni Joseph.
“Ano ba Joseph! Tumigil ka na. OO na! Sa iyo na si Martha! Masaya ka na!? Ha!? Pero, huwag mo na akong kausapin, wala ng patutunguhan ang pag-uusap natin. Huwag ka na magpapakita sa akin.” ani ko.
Tuluyan na akong nag-walkout pero bago pa ako makalayo, may sinabi siya sa akin. “Sana naman pinag-explain mo muna ako bago mo burahin ang pagkakaibigan natin. Kung handa ka ng kausapin ako at intindihin, lumapit ka lang sa akin. Hindi ako galit sa iyo. Masakit lang dahil ako na nga ang tumulong sa iyo tapos pagbibintangan mo ako. Kung magso-sorry ka na, handa kitang patawarin pero hinding-hindi ako magpapatawad sa sapak ko sa iyo kahapon at sa nangyari sa atin ngayon. Alalahanin mo, para sa akin, best friend pa rin kita.” sambit niya. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng classroom.
Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina, kung tama ba ang ginawa ko, kung dapat ba na pinag-explain ko muna siya. Hay nako, nahihirapan na ako sa sitwasyon. Mali nga ba ang ginawa ko kanina, siguro dapat ko na siyang kausapin. Ako ba ang nagpalaki ng gulo o siya? Paulit-ulit na lang ang mga katanungan sa isipan ko. Nakakakonsensya na ako. Kausapin ko na kaya siya? Haaay buhay. (-_-)
“Okay class! For tomorrow, we will have a Practical exam!” sabi ng P.E. teacher namin. Ouch! Ang topic ba naman namin ay Lawn Tennis, eh iyon pa naman ang pinakaayaw kong sport, ginawa pang exam!
“Sa larong ito, magdo-doubles tayo, so kailangan niyo ng partner.” sabi ni sir. Kumuha si sir ng isang malaking kahon.
“Isulat niyo ang pangalan niyo sa isang papel at ihulog niyo rito.” Tinuturo niya ang box na hinahawak niya. Kumuha kami ng one-fourth sheet of paper at inilagay namin ang pangalan namin.
Naglakad ako papunta sa box. Hinulog ko ang papel ko, at pagtalikod ko para dumiretso sa upuan ko, nakaharap ko si Joseph. Nasa likod ko pala siya. Ewan ko pero, biglang nasira ang mood ko. Nabigyan ko tuloy siya ng isang “angry face,” nakakainis kasi eh, habang nakikita ko ang pagmumukha niya, naaalala ko ang sinabi ni Martha sa akin kahapon sa park. Ngumiti na lang siya, parang nang-aasar na ewan. Hindi ko na lang siya pinansin, nilampasan ko na lang siya at umupo sa armchair ko.
The teacher started picking the names of our classmates, he arranged it by pairs kasi nga doubles ang laro.
“First team: Daryl and Jordan. Second team: Allen and Kyle…” nakatulog ako sa sobrang tagal, nag-washroom break pa kasi si sir eh, ang tagal niyang mag-unload sa banyo… Joke.
A few hours later (ang tagal noh?) joke, a few minutes lang. Nagising ako sa bahing ng teacher.
“Okay, *Sniff*, twenty-first team: John and Carlo, twenty-second *Sniff* team: Martha and Rob.” sabi ni sir. Ano!?? Sila magka-team? Sa lahat ng classmates ko, si Rob pa ka-team niya?
BINABASA MO ANG
My Impossible Girl (Ongoing)
Teen FictionThis is about Adrian De Guzman, a 4th Year High School student. He is in love with a woman named Martha Natividad but she already set her heart for another man. What will Adrian do? How will it end? Cast: (As of now) Adrian De Guzman as him...